Sunday , December 22 2024

Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

MPD-AnCar ‘lusaw’ sa hulidap

SALAMAT naman at tuluyan nang nilusaw ni Manila Police District (MPD) director C/Supt. Rolando Asuncion ang umano’y hulidap cops sa Anti-Carnapping Unit sa Maynila. Matagal na nating naririnig ang iba’t ibang klaseng ‘raket’ kabilang na ang hulidap d’yan sa MPD-ANCAR sa mga nakaraang panahon. Mayroon umanong repossessed units na ginagamit ng ilang pulis o opisyal ng pulis mismo. Meron din …

Read More »

Dayuhan at local casino financiers dapat din busisiin ng Kamara

TINATALAKAY ngayon sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas kaugnay ng Anti-Money Laundering Act. Isa rito ang House Bill 3334 ni Rep. Terry Ridon ng Kabataan Party-list na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001). Ang isa sa mga mungkahi ni Rep. Ridon ay ilabas ng mga Casino ang listahan ng kanilang mga high roller …

Read More »

Kumakatok sa puso ni MIAA GM Bodet Honrado

ISANG airport police officer (APO) ang lumapit sa inyong lingkod at nakikiusap na maiparating natin kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager, Jose Angel “Bodet” Honrado ang kalagayan niya ngayon. Kasalukuyan siyang nakaratay sa Makati Medical Center matapos matapilok at maoperahan sa paa. Nang araw na maaksidente ang kanyang kapatid na si APO Nilda Collantes ay naka-duty sa Ninoy …

Read More »

Kakasa kaya ang daang matuwid ni PNoy kontra PNP Chief DG Alan Purisima?

DITO natin masusubukan kung gaano kaseryoso ang ‘daang matuwid’ ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa mga sanggang-dikit niyang umaabuso sa kapangyarihan. Gaya nga ng mainit na pinag-uusapan ngayon na ‘misdeclared’ statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Philippine National Police chief, Director General Alan LM Purisima. Paiimbestigahan kaya ni PNoy ang isa sa kanyang trusted men …

Read More »

VP Jojo Binay sagutin mo na lang nang deretso ang isyu ng tongpats

DAHIL sa pagkakabulgar ng overpricing at tongpats sa Makati city parking building, nagkaroon ng dilemma si Vice President Jejomar Binay. Nababasa natin ang ipinupundar niyang depensa — hindi siya papasok sa Senate investigation dahil alam niyang dito siya kakatayin ng kanyang mga kalaban. Hindi siya papasok sa bitag na iniuumang sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika. Pero alinsunod …

Read More »

Bawal ang maihi sa NAIA Terminal 2

GRABE! Mula sa ipinagmamalaki noon na “state-of-the-art” daw ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang ipatayo ito ng administrasyong FVR, hindi tayo makapaniwala na ilang panahon lang ang nakalipas ay magiging maruming airport ito. Sige kilalanin natin ang paliwanag ng MIAA management na “please bear with us, we are undergoing rehabilitation for your travel comfort.” Pero por Diyos, …

Read More »

Bingo ‘Jueteng’ Milyonaryo sa Laguna

Alam na kaya ni PCSO Chairman Jose Ferdinan Rojas II ang tunay na nangyayari sa operasyon ng Bingo Milyonaryo (BM) sa mga bayan na nasasakupan ng 3rd and 4th district sa lalawigan ng Laguna. Na ang palarong Bingo Milyonaryo na legal na pinatatakbo ng PCSO o ng gobyerno ay muling nagagamit ng mga hustler, ilegal na sindikato ng alai-bola suwerte …

Read More »

MMDA chair Francis Tolentino genuine asset ng PNoy admin

ISA sa mga maipagmamalaki ng PNoy administration si Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman, Francis Tolentino. Narito ang isang opisyal ng PNoy admin na hindi overacting at lalong hindi plastic sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Genuine hands-on sa kanyang pagiging chairman ng MMDA, hindi ‘yung pang-photo ops lang (pasintabi sa tatamaan ng hagkis ng ating dila). Nito lang nakaraang Huwebes …

Read More »

Senator Grace Poe naimbiyerna na kay PNP Chief DG Alan Purisima

ABA mukhang hinahamon ni Philippine National Police (PNP) chief DG Alan Purisima si Senator Grace Poe nang hindi niya harapin ang publiko maging ang ilang imbestigasyon kaugnay ng mga eskandalo at kontrobersiya na iniuugnay sa kanya. Inihayag ito ni Senator Poe sa kanyang speech sa 2014 Integrity Summit at ginawa niyang halimbawa ang pinuno ng PNP. Kabilang kasi sa mga …

Read More »

Belated Happy Birthday Atty. Abdullah Mangotara (Kinabibiliban ng mga taga-Bureau of Immigration)

WALA na yata tayong nakilalang napaka-low profile na Associate Commissioner kung hindi si Atty. Abdullah Mangotara. Sa totoo lang, si AssComm. Mangotara ay itinalaga ni Pangulong Noynoy sa Bureau noong Mayo 2011 pa. Walang nakakikilala sa kanya na mga outsider dahil nga sa kanyang katangian na napakatahimik magtrabaho. Pero kung ‘yung mga taga-Immigration ang tatanungin natin … hindi lang kilala …

Read More »

Apology sa China?! No way!

ANO na naman?! Apology na naman daw sabi ng China?! Parang ‘PABRIKA’ ng apology ang Philippines my Philippines kung makapag-demand ang mga kalahi ni Mao Tse Tung. Itinatanong ko na tuloy sa mga ninuno namin kung anong ‘luto’ ba ang ginagawa ng mga Chinese sa ‘apology’ at bakit maya’t maya ‘e hinihingi nila ito sa mga Pinoy?! Masarap ba ang …

Read More »

May checkpoint officer pa ba ang MPD PS-2?

‘Yan po ang tanong na ating natatanggap sa email at text messges. Nagtataka kasi ang mga katoto natin taga-Tondo at maging ang mga motorista,negosyante at residente sa AOR ng MPD PS-2. Madalang pa raw sa patak ng ulan kasi sila makakita ng police checkpoint/chokepoint. Alam natin na maaasahan magtrabaho si MPD PS-2 commander Kernel JACK TULIAO laban sa kriminalidad… ewan …

Read More »

Hindi na ba epektibo ang memo ni BI ex-Comm. Ric David vs Tang-inang?

PAHABOL lang po sa nakaraang anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI). Doon po natin piniling umupo sa bandang likuran dahil gusto natin obserbahan ang buong kaganapan. Pero mayroon pa palang mas nasa likuran natin. Paglingon natin ‘e nakita ng inyong lingkod si ‘Tang Inang’ ang partner in-crime ng mga notorious BI fixers na sina Betty Chiuhuahua at Annie Sey. Malaya …

Read More »

Hula-hula who? Kerengkeng na mambabatas

HINDI raw napigilan ng isang kagalang-galang na babaeng Mambabatas ang kanyang pagkakilig sa isang bisita niyang lalaki. Naging talk of the session hall si Madame lawmaker sa kanyang kakaibang attitude na kulang na lang ay halikan sa labi ang bisita niyang lalaki. Ang nakasa-shock ay hindi man lang daw nahiya ang mambabatas na landiin ang bisitang lalaki kahit pa kasama …

Read More »

Lifestyle check sa PNP Gens i-push mo ‘yan DILG Sec. Mar!

NATUWA naman tayo sa pronouncement ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na ipala-lifestyle check niya lahat ng HENERAL, junior officers ng Philippine National Police (PNP) at maging si Director General Alan Purisima. Kabilang umano ‘yung mga pulis na iniuulat na sangkot sa  iba’t ibang uri ng ilegal na gawain. Open secret naman kasi sa hanay ng mga …

Read More »

Las Piñas City chief and assistant engineer inaabuso ang kapangyarihan?

DAHIL sa paglabag sa Republic Act 539 ng Civil Code sa ilalim ng ‘Private Property’ inireklamo ng isang residente ang chief city engineer at kanyang assistant city engineer sa Ombudsman. Napilitan sina Mario Bunyi, ng 125 Wawa St., Alabang, Muntinlupa City na ireklamo sa Ombudsman sina Engr. Rosabela Bantog, Chief City Engineer at Mr. Christian Chan,  Assistant of the City …

Read More »

GSIS palpak ang sistema sa e-Card!

ISANG Airport police ang hindi na nakatiis dahil sa matinding hirap at kunsumisyon kaya lumapit na sa inyong lingkod. Tungkol po ito sa kanyang GSIS e-CARD. Bilang isang government employee, kailangan na kailangan nila ang GSIS e-CARD sa bawat transaksiyones nila sa iba’t ibang government offices. Pwede rin daw ito maging parang ATM. Kumbaga lagyan lang ng load at lagyan …

Read More »

C/Insp. Rollyfer Capoquian overstaying na sa Parañaque PCP!?

TALAGANG hindi na nagiging epektib ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kapag masyado nang nagtatagal sa kanyang pwesto. Gaya na lang d’yan sa Parañaque Baclaran PCP na pinamumunuan ni Chief Insp. Rollyfer Capoquian. Aba, nagtataka tayo kung bakit kung kailan siya tumagal ng mahigit dalawang taon at overstaying na nga ‘e saka lalong naging talamak ang video karera, …

Read More »

Bagman turn doorman sa MPD HQ!?

Pinagpipiyestahan ang kakaibang estilo ngayon ni MPD DD Rolando Asuncion, ito ang paglalagay sa ‘hawla’ kuno ng mga pulis Kolek-tong (bagman) sa lungsod ng Maynila sa kanyang opisina. Ginawa raw tagabukas (doorman) ng PINTO ni General Asuncion ang mga sikat na kolektong na sina alias Tata Tonio Bong Krus ang nagpapakilalang bagman ng PS-11 at Task force Divisoria/Chinatown at Raxabago …

Read More »

Paki-verify ang sumbong na ‘to, Gen. Rolando Asuncion

SIR Jerry, grabe ang dalawang pulis ng Manila Police District Anti Crime Unit Section PS-2 hindi na kami makapaghanapbuhay nang maayos dito sa kahabaan ng Claro M. Recto Tondo, Maynila (DIVISORIA) kahit sa hawla kami ng Sto Niño de Tondo ay pilit pa rin kami kinokotongan ng mga tauhan ni Senior Inspector Mallorca, hepe ng Anti-Crime Unit. Kailangan daw ibalik …

Read More »

Atty. Salvador Panelo bagong abogado ng mga Ampatuan

ISANG impormasyon ang naipasa sa atin … si Atty. Salvador Panelo na umnao ang bagong abogado ng mga Ampatuan … Wala tayong masamang tinapay kay Atty. Panelo. Sa katunayan, isa tayo sa mga nagrerespeto sa kanyang husay at galling. Kung hindi tayo nagkakamali si Atty. Panelo ang humawak ng kaso noon ni Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Talaga naman, ang …

Read More »

Iba ang justice sa California, USA kaysa katarungan sa Philippines my Philippines?!

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) Ninth Division ang unang desisyon ng Manila RTC noong 2012 na nagpawalang-sala kay Michael Ray Aquino sa Dacer-Corbito double murder case. Nabigo raw kasi ang prosekusyon na baliktarin ang “presumption of innocence” ng akusado. Naisip ko tuloy, iba pala ang batas sa ‘Merika kaysa Pinas. Si Aquino ay inutusan ng District Court ng Northern …

Read More »

Centralized radio monitoring ng mga Bookies operator sa Maynila

SA KABILA ng ‘timbrado’ na sa lahat ang mga ilegalistang operator ng Horse racing Bookies na may kasamang EZ2 at Bol-alai ay maingat at handa pa rin sila sa anumang HULIHAN cum PITSAAN activity ng ilang tulis ‘este’ pulis lalo na sa MPD!? Kahit daw kasi ‘timbrado’ e binuburaot pa rin sila ng mga bagman from nowhere. Kaya naman nakaisip …

Read More »

Aprub tayo sa mungkahi ni Sen. Sonny Trillanes (Spot promotion pabor sa Pinoys UN peacekeepers)

BILANG mambabatas mula sa hanay ng mga sundalo, nauunawaan natin ang rekomendasyon ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na gawaran ng spot promotion ang 40 Pinoy UN peacekeepers na nagtaya ng buhay laban sa 100 Syrian rebels sa Golan Heights nitong nakaraang Agosto 31. Isa tayo sa mga nakahinga nang maluwag nang mabalitaan natin na natakasan ng mga sundalo natin …

Read More »

DoTC Sec. J.E. Abaya magtrabaho kayo!

WALA nga pala si Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya kasama siya sa European tour (working visit sa Spain, Belgium, France at Germany) ni PNOY mula September 13 hanggang September 20. Ang sama ng tiyempo, kung kailan wala si Abaya saka may lumubog na RORO (ferry boat). Kunsabagay hindi naman ito usapin na ‘yung nandito o wala si …

Read More »