Thursday , December 26 2024

Jaja Garcia

2 kelot binugbog ng mga senglot

bugbog beaten

MGA pasa sa mukha at katawan ang inabot ng dalawang binata makaraang pagtulungang gulpihin ng grupo ng lasing sa Taguig City, kama­kalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Adrian Fernandez, 23, online seller, ng Faculty Street, Barangay Sta. Ana; at Ralph Bardecina, 25, ng Carlos St., Bgy. Tuktukan, kapwa sa nasabing lungsod. Nahuli agad ng mga pulis …

Read More »

Laborer umalingasaw bangkay natagpuan

dead

NADISKUBRE ang naagnas na bangkay ng isang laborer dahil sa masangsang na amoy sa loob ng inuuupahang bahay sa Muntinlupa City, iniulat kahapon. Kinilala ang biktimang si Dennis Deocareza, 28, may kinakasama, at nangungupahan sa Phase 4, Block 49 Lot 34, Southville 3 NHA, Barangay Poblacion, Muntinlupa City. Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 7:00 am, natagpuan …

Read More »

Presyo ng langis muling sumirit (Ika-7 ngayong 2019)

SASAKIT muli ang ulo ng mga motorista dahil nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw, 26 Pebrero. Pinangunahan ng kompanyang Total Philippines, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petro Gazz, Sea Oil at Caltex (Chevron) ang dagdag presyo na P1.45 kada litro ng gasolina, maging sa diesel ay P1.45 din kada …

Read More »

Para kay Miss Universe Catriona Gray… Kalsada sa Makati isasara

ISASARA ang ilang pa­ngunahing lansangan sa lungsod ng Makati bun­sod  ng  gaganaping  Grand Motorcade at Ticker Tape Parade kay Miss Universe 2018 Ca­trio­na Gray kaya asahan na makararanas ng mabi­gat na daloy ng trapiko ang ilang mga motorist at commuters ngayong araw ng Huwebes (21 Pebrero). Kahapon sa traffic advisory ng Makati City government,  isasagawa ang parada  sa kahabaan ng …

Read More »

Pakistani nasakote sa karnap-sanla modus

ARESTADO ang isang Pakistani sa mga operat­iba ng Makati City Police Station Anti-Carnapping Unit sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos tangga­pin ang natitirang bayad sa isinanlang karnap na sasakyan sa lungsod, kamakalawa ng hapon. Kasong carnapping (RA 10883) at estafa ang kakaharapin ng suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., y Motwani, 37, binata, naninirahan sa Teresa Street, Barangay …

Read More »

Lady service crew tinapik sa puwit Koreano arestado

Butt Puwet Hand hipo

HINULI ang isang Korean nang bastusin ang isang service amba­ssador crew sa loob ng isang hotel-casino sa Pasay City, nitong Lunes. Nasa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Lim Deuk Youl, 49, may asawa, isang Korean national, at naninirahan sa Saracota Residential Resort Cluster 5, Room 23, Newport City, Barangay 183, Villamor sa nasa­bing lungsod. Kinilala …

Read More »

Dausan ng pot session natupok sa iniwanang kandila ng mga bumatak

DAHIL sa napabayaang kandila nauwi sa pagka­sunog ng dalawang bahay na sinabing pinagbatakan ng droga ng isang drug suspect sa Makati City, kahapon ng umaga. Hinuli agad ng awto­ridad ang ingi­nusong sus­pek na si Jhayson Cam­posano, 27, scavenger, ng H. Santos St., Barangay Tejeros, Makati City. Inireklamo siya nina Armando Serrano, 58, may kinakasama, con­tractual maintenance, may-ari ng bahay, at Maria …

Read More »

Sa kaso ni Maria Ressa… Press freedom is a fundamental freedom that should be defended — Jiggy Manicad

MATAPOS makapag­piyansa ni Rappler CEO Maria Ressa sa kasong cyber libel kahapon, Huwe­bes, nanawagan ang batikang broadcast journalist na si Jiggy Manicad sa korte, sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa pulisya na bigyan ng makatarungang pagtrato ang kaso ni Ressa. “It is only right and just that Maria Ressa be treated as fairly as possible by the courts, …

Read More »

Enrile nalungkot sa pagpanaw ng kapatid

IKINALUNGKOT ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpanaw ng kanyang kapatid, ang batikang aktres at mang-aawit na si Armida Siguion-Reyna, na sumakabilang-buhay noong Lunes sa edad 88 anyos. Sa kabila nito, ginunita ni Enrile ang nagawang paglilingkod ng kanyang half-sister sa bayan sa larangan ng sining. “My entire family, my sisters and brothers, my nephews and nieces, their …

Read More »

PCP chief, 4 pa sinibak sa ‘molestia de areglo’

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang limang pulis kabilang ang kanilang commander matapos payohan ang mga magu­lang ng tatlong estu­dyante na minolestiya ng isang Chinese national na ayusin umano ang kaso sa Pasay City. Inalis sa puwesto ang commander ng Police Community Precinct (PCP-1) ng Pasay City Police na si Chief Insp. …

Read More »

Parañaque City walang pasok (Sa ika-21 anibersaryo ngayon)

MATAPOS ideklara ni Pangulong Rodrigo Duter­te na “special non-working day,” walang pasok ngayong araw, 13 Pebrero sa lungsod  ng Parañaque para sa pag­diriwang ng ika-21 ani­bersaryo ng cityhood nito. Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang kautusan ay ipinatu­pad  sa bisa ng Procla­mation No. 665. “It is but fitting and proper that the City of Parañaque be given full opportunity to …

Read More »

Broadcast journalist, senado tinarget (Para sa proteksiyon ng mga mamamahayag)

“‘WAG kalimutan ang Ampa­tuan massacre, ide­pensa ang media laban (mula) sa pagpatay.” Ito ang inihayag ng batikang broadcast jour­nalist at tumatakbo sa pagka-senador na si Jiggy Manicad sa pagsisimula ng opisyal na kampanya upang pangala­gaan ang kaligtasan ng mga mamamahayag lalo na’t sariwa pa ang alaala ng mga kaso ng election-related violence tulad ng Ampatuan massacre. “I will never forget the …

Read More »

Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan. Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell,  PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro …

Read More »

74-anyos lola todas sa rider

road traffic accident

NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan  ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod. Nilapatan ng lunas sa …

Read More »

Laborer binoga sa Taguig

gun shot

ISANG 39-anyos na construction worker ang sugatan nang barilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask sa Taguig City, nitong Linggo ng  gabi. Ginamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Abdul Adil, may asawa, tubong Maguindanao, residente sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, sanhi ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang braso mula sa hindi …

Read More »

Sa opening salvo ng kampanya… Seguridad kasado na — NCRPO

pnp police

KASADO na ang pagpa­patupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa halalan ngayong Martes 12 Pebrero 2019 , ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaha­pon. Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang election hotspot sa Metro Manila pero hin­di dapat maging kam­pan­te ang pulisya sa pagbabantay …

Read More »

Marilao ex-vice mayor na inasunto ni Atong inilipat sa Parañaque

INILIPAT na kahapon sa Parañaque City jail ang dating vice mayor ng Marilao, Bulacan maka­ra­an makakuha ng com­mitment order ang Bula­can Provincial Police Office sa Parañaque Regional Trial Court (RTC). Dakong 11:00 am, nang mailipat sa Paraña­que City Jail (PCJ) ang dating bise alkalde na si Andre Santos at naging emosyonal ang pagha­hatid sa kanya ng pamil­ya. Nangangamba ang pamilya …

Read More »

Mag-utol na sangkot sa ilegal na droga itinangging tauhan ng Parañaque mayor

ITINANGGI ni Parañaque city mayor Edwin Olivarez, na personal niyang body­guard ang nahuling magka­patid sa isang operasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinabing sangkot sa ilegal na droga kamakailan. Matatandaang ikinasa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang ope­rasyon laban sa magka­patid na kinilalang sina Salah at Salman Mohamad, residente sa Ninoy Aquino Ave., …

Read More »

Pasay establishments positibong tumugon sa LLDA at DILG

TINUGUNAN ng mga establi­simiyento sa Pasay City ang kakulangan sa wastong pagtata­pon ng tubig sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sarili nilang pasilidad para sa water and waste treatment. Nabatid na karamihan sa mga establi­simi­yentong iniutos na isara ng Laguna Lake Develop­ment Authority (LLDA), ang tanggapang nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay nabigyan ng …

Read More »

Bangkay lumutang sa Pasig river

LULUTANG-LUTANG sa  ilog nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa Pasig riverside Bgy. Cembo Makati City hahapon ng umaga. Natagpuan nina PO3 Jose Cinco at PO1 Jay Geronimo ng Police Community Precint (PCP) Makati  na malapit sa detachment  dakong 7:00 ng umaga. Inilarawan ang bik­tima na nakasuot ng itim na polo shirt na may stripe na kulay …

Read More »

Pinay DH pinugutan sa Saudi

NAPUGUTAN ang isang 39-anyos Pinay domestic helper matapos hatulan ng kamatayan nitong Martes  sa Saudi Arabia dahil  sa kasong murder, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elmer Cato, kahapon. Nagpaabot ang DFA ng pakikiramay sa  pa­milya ng Pinay matapos hatulan ng kamatayan ng Saudi Supreme Judicial Council. Tumanggi si Cato na magbigay ng karagda­gang detalye sa pagkaka­kilanlan ng …

Read More »

‘SPIDER-MAN’ INARESTO (Umakyat sa 46/F ng GT Int’l Tower)

MARAMING bumilib pero bumagsak sa kamay ng Makati City police ang French national na kilalang “French Spider Man” nang arestohin matapos umakyat sa ika-46 palapag ng GT International Tower sa Ayala Avenue, Makati City kahapon ng umaga. Sinabi ni S/Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nagsimulan akyatin ni Alain Robert, French rock and urban climber ang GT International Tower …

Read More »

PH full-heightened alert status — PNP (Checkpoints sa Metro pinaigting)

IPINAG-UTOS kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar sa mga district director at chief of police  na magsagawa ng mga checkpoint at inspeksiyon sa kanilang mga nasasakupang lugar sa Metro Manila. Ito’y matapos ang nangyaring pambobomba sa simbahan sa Jolo, Sulu kamakalawa ng umaga na ikinasawi ng 20 katao at ikinasugat nang mahigit sa 100. …

Read More »

Kontrabando sa BI detention cell kompiskado

NAKOMPISKA ang iba’t ibang uri ng kontrabando mula sa detention cell  ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City  matapos ang sorpresang inspeksiyon ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon. Pinangunahan ni Atty. Jesselito Castro, ng Intelligence at Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang naturang inspeksiyon. Nakuha sa detention cell ng mga banyaga ang samot- saring …

Read More »

Pinoys ban sa USDHS

HINDI naging maganda ang balita sa mga Pinoy, makaraan i-ban ng United States Department of Homeland Security ang Filipinas sa pagbi­bigay ng eligibility sa H-2A at  H-2B working  visas sa loob nang isang taon kaugnay ng proble­ma sa overstaying at human trafficking. Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy partikular ang mga nasa  Estados Unidos na hangga’t maaari ay sun­din …

Read More »