Friday , November 22 2024

Henry Vargas

NALUSUTAN ni Calvin Abueva ng Alaska sa kaniyang lay up ang nakabantay na sina Gabby Espinas at Marcio Lassiter ng San Miguel Beermen sa kanilang laban sa Smart Bro PBA Philippine Cup Finals Game Four sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan nanalo ang Beermen sa OT,  110 – 104. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

NAPIGILAN ang lay up ni Arwind Santos ng San Miguel nang sabayan ng depensa ni Tony dela Cruz ng Alaska sa ere. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

PALOBONG ipinukol ang bola ni Vic Manuel ng Alaska na tinukuran ng depensa ni Gabby Espinas ng San Miguel Beermen. Kumonekta ng game-high 24 puntos si Manuel sa panalo ng Alaska 100 – 91 sa Game One Finals ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

HINDI na umabot ang depensa ni Terrence Romeo ng GlobalPort sa lay up ni JV Casio ng Alaska. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

NAGAWANG ilagan ni LA Tenorio ng Ginebra ang depensa  ni Danny Siegle  sa huling laban ng elimination round ng PBA Philippine Cup sa MOA Arena. Nanalo ang Ginebra, 91 – 84. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

DINUMOG ng mga tagahanga ang tennis superstar na si Rafael Nadal (white cap) ng Spain para pirmahan ang mga souvenir tennis ball bago maglaro sa ginanap na Coca-Cola International Tennis League sa MOA Arena. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

MAGKATUWANG na iginawad bago ang  photo opp nina (L-R nakatayo) PBA player Chris Tiu, Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Center founder coach Nic Jorge, Category manager for Milo Ready-to-Drink Veronica Cruz at Coach Jerry Codinera ang mga medalya at tropeo sa mga nagkampeon na Team Sharks 12 Under at Team Giants 15 Under sa kauna-unahang BEST Center-FIBA 3-on-3 tournament na …

Read More »

DUMALO sina (L-R) MILO Sports Executive Robbie De Vera, Category Manager for Milo ready to drink Veronica Cruz, Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) Founder coach Nic Jorge at Edwin Barben sa PSA Forum sa Shakey’s Malate para sa inilunsad na BEST Center-FIBA 3-on-3 Tournament na didribol sa Nobyembre 15, 2015 sa Ateneo Covered Courts sa Quezon City. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

INIHAYAG ni Taisho Pharmaceuticals Phils. Marketing Manager Ms.Cleo Nodado (kanan) kasama si Subterranean Ideas Ent. Event Manager Mr. Matthew Ardina sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate ang gaganaping 4th Paracetamol Tempra Run Against Dengue sa Nov. 14 sa Quirino Grandstand sa Luneta Park. Ang fun run na dadaluhan ng may limang libong mananakbo ay pangungunahan ng mag-anak ng PBA …

Read More »

ITINANGHAL na kampeon si fifth seed Grandmaster (GM) Richard Bitoon (gitna) kasama sina third seed Grandmaster (GM) Rogelio Antonio Jr. (2nd place) at sixth seed International Master (IM) Haridas Pascua (3rd place) sa ginanap na 2015 Battle of the Grandmasters Nationall Chess Championships sa Philippine Sports Commission National Athlets Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.  Magkatuwang …

Read More »

HINATAW ng todo sipa ang takraw (rattan ball) ng manlalaro ng Tagum City National Comprehensive High School na lumihis sa depensa ng Zambales National High School defender sa kanilang maaksiyong laban sa 2015 MILO Little Olympics National Finals sa San Luis Sports Complex sa Sta Cruz, Laguna. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

SABAYANG arangkada may sapin man sa paa o wala ng mga kalahok sa 800m run ng 2015 MILO Little Olympics National Finals na ginanap sa Laguna Sports Complex. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

RAMDAM ang lungkot at kabiguan ng batang kalahok habang nagdiriwang sa kasiyahan ang kabilang panig sa eliminasyon ng Sepak Takraw Elementary division sa ginaganap na 2015 MILO Marathon Little Olympics National Finals sa San Luis Sports Complex Santa Cruz, Laguna. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

ANG mga opisyales sa inilunsad na PBA Philippine Cup Season 41 sa Diamond Hotel na magbubukas sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum. (L-R nakaupo). Chito Salud President/CEO, Eric Arejola Vice chairman, Robert Non Chairman, Tomas Alvarez ng Mahindra team, Ramoncito Fe rnandez Treasurer at Chito Narvasa Commissioner. Nakatayo (L-R) Epok Quimpo ng Talk N Text, Ryan Gregorio ng Meralco, Rene …

Read More »

MAHIGIT dalawampu’t apat na libong mananakbo ang lumahok na rumagasa sa kalsada ng Cebu City ang tinaguriang Queen City of the South kung saan nagkampeon sina Noel Tillor (men’s division) at Ruffa Sorongon (women’s division) sa 21K ng 39th National Milo Marathon Cebu Leg. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

BUTATA ang lay up ni Andrei Caracut ng La Salle nang salubungin ng matikas na braso ni Chibueze Ikeh katuwang si Arvin Tolentino ng Ateneo sa kanilang laban sa UAAP Season 78 first round eliminations sa MOA Arena. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

NAGBUNYI ang National University Pep Squad nang tanghaling kampeon sa UAAP Season 78 Cheerdance Competition ang pangatlong sunod na titulo na ginanap sa full-house crowd na Mall of Asia Arena. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

MASAYANG tinanggap ni Hataw D’yaryo ng Bayan Photojournalist Henry T. Vargas ang tropeo at tseke bilang 2nd place winner kay Philracom Executive Director Mr. Andrew Buencamino kasama si Philracom Deputy Executive Director Miss Eva Bataller sa awarding ng Philippine Racing Commission 2015 George Stribling Memorial Cup Race Photo Contest na may temang “JOCKEYS” na ginanap sa tanggapan ng Philracom sa …

Read More »

UMAYRE para sa jump shot si Julian Sargent ng La Salle na walang nagawang depensa sina Angelo Alolino at Nico Javelono ng National University sa UAAP men’s basketball elimination round. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

NAKAWALA ang bola at sabay na hinagilap nina Cheik Kone ng UP at Jordan Sta. Ana ng UE sa kanilang unang pagtatagpo sa UAAP Season 78th men’s basketball. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

ANG magarbo at makulay na pagsisimula ng UAAP Season 78th kung saan host ang UP na ginanap sa Araneta Coliseum. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

ANG mga coaches ng iba’t ibang Universidad na sina (kaliwa-pakanan) Juno Sauler ng La Salle, Nash Racela ng FEU, Rency Bajar ng UP, Eric Altamirano ng NU, Derek Pumaren ng UE, Mike Fermin ng Adamson, Bong Dela Cruz ng UST at Bo Perasol ng Ateneo na hangad ang magandang laban sa pagsisimula ng UAAP Season 78 sa Sept. 5 sa …

Read More »

PINANGUNAHAN ni Alvin Nicolas, tubong Camarines Sur, ang men’s 21K race para tanghaling kampeon ng   39th National MILO Marathon sa Naga City Leg. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

Inaalalayan ng sota ang kabayong si Super Spicy pagkatapos manalo, na nirendahan ni jockey Jonathan Hernandez. (HENRY T. VARGAS)

Read More »

MASAYA ang mga hinete habang naghihintay sa pagsampa sa kanilang sasakyang kabayo sa 3rd race ng 2015 PHILRACOM “George Y. Stribling Memorial Stakes Race sa Philippine Racing Club, Inc. Santa Ana Park, Saddle & Clubs, Naic, Cavite. (HENRY T. VARGAS)  

Read More »