HINATULAN ng Laguna judge ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng napatunayan na sangkot sa human trafficking, na naaktohang ibinubugaw ang apat babae, kabilang ang isang dalagita, sa isang pulis na nagpanggap na kustomer noong 2016. Sa March 16 resolution, napatunayan ni San Pedro City Regional Trial Court Branch 31 Judge Sonia T. Yu-Casano na guilty ang akusadong si Lilibeth …
Read More »Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan
TAYABAS, Quezon – Kapwa sugatan ang matandang mag-asawa mula sa hataw sa mukha ng hindi kilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling-araw. Salaysay ng residenteng si Mark Labaro, nakita niyang duguan at palakad-lakad ang mga biktimang sina Tessa Pabino, 62, at Robert Albiña, 65, kaya dinala niya sa pagamutan. Ikinuwento aniya ng mag-asawa …
Read More »90% ng PNP force magbabantay sa barangay, SK elections
INIHAYAG ng Philippine National Police na 90 porsiyento ng kabuuang lakas ng 190,000-strong police force ang ide-deploy ng PNP para sa seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa 14 Mayo. “Basically all systems go na tayo riyan, bago naman ako nag-assume riyan I’m sure naka-ready na ‘yung ating mga [ka]pulis[an], ang basic diyan is 90 percent of the …
Read More »Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)
BUMALIKTAD ang isang pampasaherong jeep makaraan itong tumbukin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Bukod sa jeep na may sakay na pitong pasahero, sinabing una nang nabangga ng SUV ang isang bisikleta sa parking lot ng Diliman Preparatory School, batay sa imbestigasyon ng pulisya. Agad isinugod sa East Avenue Hospital ang …
Read More »Nigerian inambus sa Las Piñas, patay
BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Las Piñas City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Didicus Ohaeri, taga-Bacoor, Cavite. Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas Police, binabagtas ni Ohaeri ang Alabang-Zapote Road sakay ng kanyang kotse nang pagbabarilin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 11:30 ng …
Read More »Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon
NAKAGUGULAT ang ginawa ng ‘Super Boy’ ng Philippine Sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa katatapos na 2018 Philippine National Open & Age Group Powerlifting Championships na ginanap sa Fisher Mall Quezon City nitong Sabado, impresibong binasag niya ang mga records sa Squat-70kgs, Bench press-38kgs, Total-188kgs at single Lift Bench press-38kgs. Ipinakita ni Dayao sa mga nanonod …
Read More »CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)
SINAMPAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng kasong administratibo ang isang Manila barangay chairperson dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila. Kinilala ang barangay chairperson na si Ligaya Santos y Villaruel, 77-anyos, na sinabing notoryus sa pagmamantina ng illegal terminal at illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar. …
Read More »Yelo bumuhos sa Benguet
UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa. Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay. Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa …
Read More »PNP kasado na sa 6-month Boracay closure
BORACAY – Nakahanda na ang mga pulis para sa 6-month closure ng isla na magsisimula ngayong Huwebes. Sinabi ni Supt. Cesar Binag, Western Visayas police chief, ang 630-member strong Joint Task Force Boracay ang inatasang magpatupad ng seguridad sa Boracay habang ang isla ay isinasailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon. Ayon kay Binag, ang mga miyembro ng task force mula …
Read More »College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)
INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante. Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon …
Read More »Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)
BINAWIAN ng buhay ang isang buntis habang siyam iba pa ang sugatan makaraan mahulog ang van sa isang bangin sa gilid ng highway sa Tagkawayan, Quezon, nitong Linggo ng madaling-araw. Kinilala ng mga awtoridad ang buntis na si Sagira Haji Ebrehim. Ayon sa mga imbestigador, ang mga biktimang pawang mga residente sa Piagapo, Lanao del Sur, ay patungo sa Maynila …
Read More »Panaginip Mo, Interpret Ko: Kinagat ng aso at maraming dugo
Hello po sir, S drim q kinagat aq ng aso sa daliri or kamay yata, tas ang dami pong dugo, sana mabsa q agad ito s HATAW, dnt post my cp#, I’m Johnie, tnx po To Johnie, Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay …
Read More »World Slasher Cup 2 may online registration
MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018. Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang second …
Read More »EO vs Endo ‘di na pipirmahan ni Digong (Sesertipikahang priority bill) — DoLE
HINDI na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) hinggil sa kontraktuwalisasyon, anunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Huwebes. Sinabi ni Bello sa pulong balitaan sa Department of Labor and Employment (DOLE), sesertipikahan na lamang ni Duterte bilang priority bill ang nakabinbing panukala sa Senado kaugnay sa “security of tenure.” Aniya, ang tatlong drafts ng EO …
Read More »Bakbakang Donaire-Frampton sa Linggo na
SASAGUPA ang dating world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa darating na Linggo (Abril 22) kay Carl “The Jackal” Frampton para sa interim World Boxing Organization (WBO) Featherweight division na kampeonato sa SSE Arena sa Belfast, United Kingdom. Mapapanood ang naturang bakbakan sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa primetime ng 6:30 pm habang LIVE naman itong …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad at multo sa panaginip
To Señor, Sir, ask ko lang lagi kse aq nananaginep na lumilipad aq pero mababa lang tas namn mnsan nnnginep ako about sa multo. Sana ay masagot n’yo po, salamat, I’m Janet (0990958887) To Janet, Maraming nakararanas ng ganitong panaginip ang nagsasabi na ang experience na ito ay maihahalintulad bilang exhilarating, joyful, at liberating na karanasan. Kung maayos ang paglipad mo …
Read More »Pungsoy 2018 Chinese Zodiac: Tiger
ANG Tiger ay nasa ikatlong posisyon ng 12-year cycle ng Chinese Zodiac. Ang iyong Chinese zodiac animal ay Tiger kung ikaw ay isinilang sa mga taon na ito: 1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022. Ang sumusunod ang twelve zodiac signs: Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Sheep, Monkey, Rooster, Dog, Pig. Sa prediksiyon ng Tiger …
Read More »Tarantula burgers alok ng US burger joints
DURHAM, North Carolina – Si Kristin Barnaby, aminadong arachnophobe, o natatakot sa gagamba, ay nakakita ng paraan upang pangibabawan ang kanyang takot, sa North Carolina burger joint. “I am going to eat my fear,” pahayag ng 27-anyos sa Bull City Burger and Brewery, bago kainin ang hamburger na may palaman na malutong na oven-roasted tarantula, at french fries. Ang tarantula …
Read More »AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)
NAGULANTANG ang mga kumakain nang salpukin sila ng isang umaatras na AUV na lumusot sa restaurant mula sa labas sa Festival Mall sa Muntinlupa City. Ayon sa ulat, siyam ang nasugatan sa naturang insidente na nangyari noong Linggo sa Gerry’s Grill restaurant. Sa kuha ng CCTV, makikita ang mga biktima habang magkakasamang nakaupo sa harap ng mesa nang biglang sumulpot …
Read More »3 kaanak ng Parojinogs timbog sa La Union
NADAKIP ang tiyahin ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, at dalawa pang kaanak sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union, sa bisa ng arrest warrant nitong Lunes ng hapon. Arestado si Rizalina Francisco, kasama ang asawa niyang si Manuelito Francisco, at ang kanilang anak na si June Francisco. Ayon kay Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz …
Read More »1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run
BINAWIAN ng buhay ang isang angkas ng motorsiklo habang sugatan ang driver nito nang mabundol ng isang SUV sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang namatay na si Jubert Abenes, 29-anyos, residente sa Marikina City. Salaysay ng mga saksi, nabangga sa likuran ang motorsiklo ng kasunod nitong SUV habang binabaybay ang Tomas Morato. …
Read More »Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)
INARESTO ang isang lalaking guro makaraan ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur, nitong Martes. Ayon sa ulat, nakapiit sa estasyon ng pulisya sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28-anyos na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula sa Cebu City. Dinakip si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro …
Read More »Investment scam group leader tiklo sa Albay
NADAKIP ang isang lalaki na sinabing lider ng isang investment scam group sa Albay, nitong Martes ng hapon. Arestado sa bisa ng warrant of arrest si Joel Agnabo, 52, hinihinalang lider ng Agnabo investment scam sa Camarines Sur. Ayon sa report ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, iniwan ni Agnabo ang kaniyang pamilya sa Naga City at nagpalipat-lipat ng …
Read More »Libo-libong kandidato dumagsa sa Comelec (Sa barangay at SK polls)
DUMAGSA sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Maynila ang libo-libong kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections para maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC). Tinatayang 4,000 katao ang pumila sa opisina ng Comelec nitong Miyerkoles. Marami umano sa kanila ay 4:00 pa ng madaling-araw pumila. Napag-alaman, dahil sa sobrang siksikan at init ng panahon, may …
Read More »Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga
NADAKIP ng mga pulis ang isang South Korean national at kaniyang Filipina wife sa isinagawang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa. Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jake Lee, 36, at Joy Ann Casuparan, 18, mga residente sa Brgy. Balibago, Angeles City. Sinabi ni Supt. Ruel Cagape, hepe ng Mabalacat Police, inaresto ang mag-asawa makaraan ang isinagawang …
Read More »