Anti-discrimination Ordinance, isinusulong sa Maynila

ISINUSULONG ng pama­halaang lungsod ng Maynila ang “anti-discrimination ordinance” na ang layunin ay maprotektahan ang inte­res ng LGBTQIA+ com­munity at masuportahan ang kanilang laban tungo sa pantay-pantay na kara­patan.

Ang naturang pahayag, inianunsiyo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay makaraang makipagpulong sa pamaha­laang lungsod ang mga representante ng mga grupong PANTAY, GANDA Filipinas, Pioneer FTM, PLM Propaganda, Benilde HIVE, TUP Dugong Bughaw, PUP Kasarianlan at Metro Manila Pride. Ayon kay Domagoso, ang nasabing isinusulong na ordinansa ay magiging mala­king sorpresa sana ng lungsod para sa LGBTQIA+ community na dapat ianun­siyo mismo sa gaganaping Manila Summer Pride sa darating na 19 Abril, na gagawin sa Quirino Grandstand ngunit napaaga umano itong naibahagi sa kanila. (VV)