Friday , May 10 2024

Carlo Aquino para sa Spruce & Dash ng Beautéderm

NAKIKIISA si Carlo Aquino sa kanyang kapwa male Beautéderm ambassadors sa opisyal na mainstream launch ng bagong line of products ng brand, ang Spruce & Dash.

Ang Spruce & Dash ng Beautéderm ay isang patented line ng amazing products na binuo at nilikha para sa mga kalalakihan. Ang tagumpay ng mga produkto ng Beautéderm sa merkado, na lahat ay consistent Superbrands award recipients, ang nagsimula sa creative idea ng Spruce & Dash men’s line na siya namang naisip ng President at CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibilangan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming. Nilkha ni Tan ang pangalan ng koleksiyon base sa basic na kahulugan ng spruce bilang “neat in dress or appearance” at dash bilang “impetuous with flamboyant vigor and confidence.”

Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Bilang isa mga pinaka-abala at sought-after na award-winning na batang dramatic actor, bahagi si Carlo ngayon ng ensemble cast ng ABS-CBN primetime series na sa A Soldier’s Heart na ginagampanan niya ang papel ni bilang si Abraham “Abe” Kamlun. Ayon kay Carlo, mahalaga na alagaan niya ang balat at personal na hygiene dahil sa kanyang very hectic na schedule. “Marami akong taong hinaharap araw-araw sa aking trabaho at mahalaga for me not only to look good but to feel good as well,” sabi ni Carlo.

“Gustong-gusto ko ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm at ang mga paborito ko ay ang Beau Charcoal Soap dahil fresh na fresh at malinis ang pakiramdam ko matapos akong mag-shower at ang Lad Hair Pomade na lagi kong ginagamit sa pag-style ng aking buhok.”

Ipinaliwanag naman ni Tan na ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm ay bahagi ng on-going at agresibong efforts ng kompanya na i-develop at i-expand ang mga produkto nito para lalong masebisyuhan ang mga pangangailangan ng mga loyal user nito ‘di lamang dito sa Philippines ngunit sa iba’t ibang panig ng munda na rin. “Beautéderm is celebrating so many milestones. We recently celebrated our 10th anniversary, our family which includes brand ambassadors, resellers, distributors, and users is growing stronger, and we hit our 100 physical store mark which we set last year,” sabi ni Tan. “Isa na namang innovation ang Spruce & Dash na proud akong na-conceptualize at na-develop sa tulong ng aking fabulous team. Isn’t it nice to encounter and see a man who takes care of himself? A man who is always fresh and smells good? Spruce & Dash is now here to make every man well-groomed and dashing.”

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Spruce & Dash collection ng Beautéderm at exciting updates ukol sa brand at sa mga ambassadors nito, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

About hataw tabloid

Check Also

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

Kultura Feat Filipino Design Studio

The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines

Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, …

Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Krystall Herbal Oil

Malagkit na pawis dulot ng mainit na panahon, banas, at alinsangan pinagagaan ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Gusto ko …

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *