Thursday , January 2 2025

hataw tabloid

8-anyos nene kritikal sa 16-anyos kalaro

LEGAZPI CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 8-anyos batang babae makaraan aksidenteng mabaril ng 16-anyos kapitbahay sa Brgy. Pangganiran, Pio Duran, Albay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Erica Maimot y Pedragosa, nasa kritikal pang kondisyon. Ayon kay Senior Insp. Jonnel Averilla, hepe ng Pio Duran Municipal Police Station, naglalaro ang biktima at ang hindi na pinangalanang menor …

Read More »

2 estudyante nagbigti (Clearance ‘di pinirmahan)

CEBU CITY – Nagbigti ang dalawang third year high school students nang hindi pirmahan ng Filipino teacher ang kanilang school clearance. Kinilala ang dalawang biktima na sina Jade at Wendel Manzanares, magpinsan, kapwa 15-anyos at nag-aaral sa Daanbantayan National High School. Ayon kay PO1 Roberto Dapat Jr., ng Daabantayan Police Station, lumabas sa imbestigasyon na nagpakamatay ang dalawa batay sa …

Read More »

Mayor ng Makati si Binay pa rin — City Council

INIHAYAG ng Makati City Council kahapon na ang kinilala nilang alkalde ng siyudad ay si  Mayor Jejomar  ”Jun Jun” Binay. Ito ay para mapawi ang kalituhan sa lungsod dulot nang ipinalabas na TRO ng Court of Appeals (CA) para sa suspension order kay Binay, at ang panunumpa ni Vice Mayor Romulo Peña bilang acting mayor ng lungsod. Kahapon sa pulong balitaan ng mga …

Read More »

Misis ini-hostage ni mister sa Pasig

ARESTADO ang isang lalaki makaraan i-hostage ang kanyang misis sa West Bank Road, Brgy. Maybunga sa Pasig City, nitong Martes ng gabi.  Dakong 10 p.m. nang  i-hostage ng taxi driver na si Michael Elarmo ang kanyang misis na agad din niyang pinakawalan. Ngunit armado ng baril si Elarmo na tumangging lumabas ng kanilang bahay at hindi agad nalapitan ng mga …

Read More »

Trader, anak utas sa ambush sa Antipolo

KAPWA patay ang isang negosyante at ang kanyang anak nang tambangan ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang palabas ng kanilang bahay lulan ng kanilang sasakyan kahapon ng umaga sa Antipolo City. Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, ang mga biktimang sina Richard Sola at Rica Sola, kapwa nakatira sa Sta. Elena Subd., Antipolo City. Sa imbestigasyon …

Read More »

P15 umento sa obrero sa Metro (Ipatutupad sa Abril)

TATAAS ng P15 ang arawang sahod ng minimum wage earner sa Metro Manila simula sa Abril. Ito’y makaraan aprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang resolusyong nagtataas ng basic minimum wage at nagpapatuloy sa P15 cost of living allowance, na sinimulang ipatupad noong Enero 2014.  Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P466 minimum wage kada araw, …

Read More »

6th ID chief ‘di nakalusot sa CA dahil sa Fallen 44

BIGO si 6th Infantry Division Philippine Army commander, Major General Edmundo Pangilinan na makompirma sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA). Magugunitang isa si Pangilinan sa mga nasisi sa imbestigasyon ng Senado kung bakit naantala ang pagresponde ng militar sa mga naiipit sa labanan na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na ikinamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao. …

Read More »

Impeachment vs pnoy ‘should prosper’ — sen. Poe (Fallen 44 minasaker)

“HE is ultimately responsible for the Mamasapano mission.” Ito ang naging posisyon ng komite ng Senado kaugnay ng naging partisipasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng (PNP-SAF). Sa press conference nitong Martes ng hapon, iprinesenta ni Senadora Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Safety, …

Read More »

Sanggol tinangkang ipuslit sa NAIA (Itinago sa backpack)

ITINAGO sa loob ng backpack ang isang 2-buwan gulang sanggol ng Papua New Guinea national na tangkang ipuslit sa NAIA nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni Gen. Vicente Guerzon ng Manila International Airport Authority (MIAA) Security and Emergency, ang fo-reigner na si Jenifer Pavolaurea, 25-anyos ina at Nursing graduate. Batay sa inisyal na imbestigasyon, biyaheng Port Moresby si Pavolaurea sa …

Read More »

Trust ratings ni PNoy bumagsak to the max!

EXPECTED ito! Bumagsak nang todo ang approval at trust ratings ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa latest survey ng Pulse Asia. Ito na ang pinakamababang ratings ni PNoy simula nang maluklok noong 2010. Mula sa 59 percent noong November 2014, ang kanyang approval rating ay sumadsad sa 38% nitong Marso 2015, habang ang kanyang trust rating ay lumagpak mula …

Read More »

Dapat nang kalusin ang pamilya Binay!

AYON kay Vladimir Lenin, “A lie told often enough becomes the truth.” Nagiging parang totoo sa isang sinungaling ang anomang bagay na alam niyang kasinungalingan pero paulit-ulit niyang sinasabi. Walang ipinagkaiba ‘yan sa pamilya Binay, parang sirang-plaka,  paulit-ulit na sinasabing politika lang ang nasa likod ng mga isyu ng katiwalian laban sa kanilang angkan. Kahit batid nila na kasinungalingan ito, …

Read More »

2 patay, 3 sugatan sa sunog sa Kyusi

PATAY ang dalawa katao habang tatlo ang sugatan nang tupukin ng apoy ang 15 kabahayan sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ni Quezon City Fire Marshall, Sr. Supt. Jesus Fernandez, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Michael Perez, 20, at Raymel Santos, 10, kapwa dumanas ng 3rd degree burn sa kanilang katawan. Habang sugatan …

Read More »

Nora, Migrante dinedma ng Palasyo

BINALEWALA ng Palasyo ang panawagan ng grupong Migrante at ng superstar na si Nora Aunor na magbitiw na si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagpapabaya sa kondisyon ng overseas Filipino workers (OFWs) at kabiguan na magpatupad ng mga patakaran na lilikha ng mga trabaho sa bansa. Nag-rally kahapon ang Migrante at si Nora sa Mendiola upang gunitain ang ika-20 …

Read More »

Grade 6 pupil pinatay ng kaklase sa gagamba

TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ang isang menor de edad makaraan patayin ng kanyang kaklase dahil sa away-gagamba sa Sumayaw Treak, Sta. Rita, Samar kamakalawa. Ayon kay SPO2 Alma Advincula ng Marabut Police Station, kapwa Grade 6 pupil ang mga kabataang hindi na pinangalanan at nag-aaral sa isang elementarya sa nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, lumabas ang dalawa …

Read More »

Kidnap victim inanakan ng suspek

BUTUAN CITY – Emosyonal ang muling pagtatagpo ng mag-ama kahapon ng umaga nang masagip ng pulisya sa Agusan del Norte, ang babaeng dinukot, pitong taon na ang nakalipas noong siya ay 11-anyos pa lamang. Dinampot ng mga pulis sa bayan ng Nasipit ang suspek na si Dionesio Gonzales y Cueva, 50, nagpakilala bilang si Danny Gonzales, ng Brgy. Poblacion, Valencia …

Read More »

Pagdukot ng ISIS sa 4 Pinoy nurses itinanggi ng DFA (Sa Libya )

PINABULAANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may apat na Filipino nurses na dinukot sa Sirte, Libya. Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, bineripika ng Embahada ng Filipinas sa Tripoli ang kumalat na impormasyon at nabatid na hindi kinidnap ang apat. “They were actually taken from their accommodation to a safer place, and our charge d’affaires in …

Read More »

IRR sa tax exemption sa mataas na bonus inilabas

INILABAS na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementing rules and regulations (IRR) para sa mas mataas na tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonus ng mga manggagawa. Matatandaan, nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nitong Pebrero ang panukalang batas na nagtataas sa P82,000 ang tax exemption sa mga bonus ng mga empleyado sa mga …

Read More »

Mag-asawang Recto inutas sa droga

HINIHINALANG dahil sa droga kaya pinagbabaril hanggang mapatay ang mag-asawa ng hindi nakilalang mga lalaki kahapon ng madaling-araw sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Ignacio Recto, alyas Boy Recto, at Norma Clemente Villanueva, kapwa 58-anyos, ng 22 Ilang-Ilang St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t …

Read More »

Suspension vs Binay pinigil ng CA  

NAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals (CA) laban sa suspensiyon ni Makati Mayor Junjun Binay. Batay sa desisyon ng CA, tatagal ng 60 araw ang TRO. Kahapon ng umaga nang isilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang suspension order ng Ombudsman sa Makati City Hall. Agad nanumpa bilang acting mayor ng Makati si …

Read More »

BIFF Komander Tambako, 3 pa timbog sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Hawak na ng mga awtoridad si Komander Muhammad Ali Tambako ng BIFF makaraan mahuli kamakalawa ng gabi sa Brgy. Calumpang, sa lungsod ng Heneral Santos. Nahuli si Tambako ng mga elemento ng CIDG-12, Joint Task Force GenSan, General Santos City Police Office, ISG, 6MIB, MIG-12, at NICA-12 dakong 9 p.m. kasama ang tatlo pang BIFF members. …

Read More »

Natumbok ang tuwid na daan!

IYAN si Chief Supt. Benjamin Magalong, director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) may ‘balls’ na ‘banggain’ ang pangulo ng bansa. Este, hindi lang pala si Magalong kundi maging ang tropa niya sa Board Of Inquiry na nagsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao massacre. Pinanindigan ng mama ang sinabi niyang walang mangyayaring whitewash sa imbestigasyon sa pagmasaker sa …

Read More »

Villar nanguna sa pangangalaga ng LPPCHEA (Sa ikalawang taon sa Ramsar List)

MULING nanawagan si Senator Cythia A. Villar  na pangalagaan ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) nang pangunahan niya kahapon ang paglilinis sa naturang lugar bilang pag-obserba sa ikalawang taon sa Ramsar List of Wetlands of International Importance noong  March 15. Binigyan-diin niya na kaakibat ng deklarasyon ng Ramsar ang mga responsibilidad na protektahan ang LPPCHEA sa ano …

Read More »

3 sundalo patay 5 sugatan sa ambush

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar sa Prosperidad, Agusan del Sur, para tugisin ang tumakas na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraan ang enkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong sundalo. Ayon sa impormasyon, sakay ang mga sundalo ng apat na military trucks nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa daan. …

Read More »