UMAASA ang pamilya ng Malaysian hostage na si Bernard Then Ted Fen na agad maiuuwi sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay makaraang pugutan ng Abu Sayyaf group (ASG). Ayon sa kanyang kapatid na si Christopher, nananawagan siya sa gobyerno ng Malaysia at sa Filipinas na mas palawakin pa ang paghahanap sa naiwang bangkay ng kanyang kapatid. Dagdag niya, nananalig …
Read More »Poe leading, Binay, Roxas, Santiago tumaas (Sa Pulse Asia Survey)
NANGUNGUNA pa rin sa latest Pulse Asia survey si Sen. Grace Poe para sa mga kandidatong presidente sa 2016 elections. Sa pinakahuling presidential survey na ginawa mula Oktubre 18-29, 2015 sa 3,400 respondents, nasa top spot pa rin ng listahan si Poe dahil nakuha niya ang 39 percent. Umangat pa ang senadora ng 13 puntos mula sa 26 percent noong …
Read More »7 minero arestado sa illegal mining sa CamNorte
NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang pitong mi-nero na naaktohan ng mga awtoridad habang ilegal na nagmimina sa Brgy. Benit, Labo, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Crisanto Adelen, 62; Nelson Diaz, 55; Nick Binarao, 44; Reden Masaysay, 42; Harold Rafer, 35; Marcial Bermas, 35, at Ronald Rafer, 26. Napag-alaman, naaktohan ng pinag-isang puwersa ng Regional …
Read More »Leni Robredo isusulong programa para sa urban poor
MANDAUE CITY – Nangako si Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, na ipupursige ang mga programang sinimulan ng yumaong asawa na si da-ting Interior Secretary Jesse Robredo para sa urban poor. “Isa sa mga unang programa ng aking mister nang maupo siya bilang mayor ng Naga ay pabahay sa informal settlers,” wika ni Robredo sa kanyang pagbisita sa 6.5-hectare …
Read More »Mag-asawa sa Koronadal todas sa tiyuhin
KORONADAL CITY – Patay ang mag-asawa habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa Lungsod ng Koronadal kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Belen Consumo, 33, at Romy Consumo, 36; habang ang mga sugatan ay sina Jerly Consumo at Joselito Consumo, mga anak ng suspek na si Jose Consumo, 46, pawang mga residente sa Purok Mariveles, Brgy. …
Read More »DPWH official sa Kalinga utas sa boga
TUGUEGARAO CITY – Patay sa pamamaril ng hindi pa matukoy na suspek ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dinacan, Brgy. Dangoy, sa bayan ng Lubuagan, Kalinga kamakalawa. Ayon kay Kalinga PNP spokesman, Chief Insp. Jomarick Felina, natagpuan sa gitna ng highway ng mga motorista ang nakabulagta at naghihingalong …
Read More »13 OFWs patay sa road accident sa Saudi (14 sugatan)
KINOKOMPIRMA pa ng Embahada ng Filipinas ang napaulat na pagkamatay ng 13 Filipino sa nangyaring aksidente sa Saudi Arabia. Ayon sa source, aabot sa 13 ang namatay sa pagsalpok ng coaster sa isang delivery truck sa Al-Ahsa, isang probinsiya sa Eastern region ng bansa. Bukod sa mga namatay, 14 ang sugatan kabilang ang driver ng truck na isang Pakistani. Ang …
Read More »Canada’s PM Trudeau, Mexico’s President Nieto APEC ‘Hottie’
KINILIG ang ilang kababaihan sa pagdating sa Filipinas ni Canadian Prime Min-ister Justin Pierre Trudeau para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa bansa. Agad nag-trending ang hashtag na “APEC hottie” para sa Canadian PM. Maging ang ilang kilalang personalidad sa Filipinas ay hindi mapigilan ang huma-nga sa batang prime minister. Kahit sa APEC International Media Center, tilian …
Read More »Indonesia nag-sorry sa ‘di makontrol na haze
HUMINGI ng paumanhin si Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa perhuwisyong dulot ng haze mula sa forest fires sa kanilang bansa. Ang naturang haze o usok ay bumalot sa Southeast Asia. Si Kalla ang kinatawan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 ni Indonesian Pres. Joko Widodo dahil hindi nakarating ang pangulo para sa ilang mahalagang appointment. Sa kanyang pagharap sa APEC-CEO Summit, …
Read More »PH agri naiwan, APEC non-binding — Briones (Gastos higit sa P10-B na)
HINDI lamang P10 bilyon ang gastos ng bansa para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meeting, ayon kay dating national treasurer at propesor Leonor Briones. Sinabi ni Briones, higit pa sa taya ng paggasta ang aktuwal na ginugol para sa APEC. Aniya, bukod sa mga ginastos para sa paghahanda para sa APEC, posible aniyang humingi ng tax rebate …
Read More »Dalagita kinalikot ng amain
LUMULUHANG dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang 17-anyos dalagita kasama ang kanyang ina upang ipaaresto ang manyakis na amain makaraang kalikotin ang ari ng biktima habang natutulog kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Sa follow-up operation ng pulisya, agad nasakote ang suspek na kinilalang si Valiente Sanchez, 42, mangingisda, ng 177 Governor Pascual St., Pitong Gatang, Brgy. Sipac-Almacen ng nasabing …
Read More »Militanteng grupo nag-vigil sa Mendiola
MAGDAMAG na nag-vigil sa Mendiola ang mga progresibong grupong tutol sa pagsasagawa ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders’ meeting sa bansa. Nagsindi ng sulo ang iba’t ibang katutubong grupo, Miyerkoles ng umaga, bilang panawagan sa pamahalaan. Anila, mas dapat na unahin ang mga katutubong nasa mga bundok kaysa gugulin ang pondo ng bayan para sa APEC at paboran lamang …
Read More »TR-APEC-TA’DO
INABOT na naman ng indulto ang mamamayang Filipino dahil sa maling desisyon at ‘short-sightedness’ ng mga policy maker at decision maker sa kasalukuyang gobyerno na pinamumunuan ng natatanging anak na lalaki ng democratic icons na sina dating senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr., at dating presidente Corazon Cojuangco Aquino. Nag-aalborotng commuters at motorista ang numero unong biktima ng malawakang pagsasara ng …
Read More »Eroplanong bumagsak sa Sinai binomba ng terorista (Kinompirma ng Russia)
KINOMPIRMA ng Russian security officials na ang pagbagsak ng isang eroplano sa Sinai nitong Oktubre ay dahil sa sumabog na bomba, ito ay makaraang may matagpuang explosive traces sa nawasak na sasakyang panghimpapawid. Ayon sa Russian media, naniniwala ang security officers na maaaring itinanim ang bomba sa loob ng eroplano ng isang Sharm el-Sheikh baggage handler. Sinabi ng Egyptian authorities …
Read More »Pemberton hahatulan sa Nob. 24
KINOMPIRMA ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74, naitakda na nila sa susunod na linggo ang pagbaba ng hatol kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. Si Pemberton ang sinasabing nakapatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Itinakda ng korte ang paglabas ng verdict sa Nobyembre 24, 2015, dakong 1 p.m. Ayon kay Judge …
Read More »4 NAIA cops sinibak sa tanim-bala
SINIBAK na sa kanilang puwesto ang apat pulis mula sa National Capital Region (NCR) unit ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) bunsod nang sinasabing pangongotong kay American missionary Lane Michael White. Ayon kay PNP AVSEGROUP spokesperson, Chief Insp. Vicente Castor, ang mga sinibak sa puwesto habang iniimbestigahan ay sina SPO1 Rolando Clarin, SPO2 Romy Navarro, Chief Insp. …
Read More »Katutubong Bicolano kinalinga ng INC (Pabahay at kabuhayan ipinagkaloob)
DAHIL sa kawalan ng sapat na pagkakakitaan at tirahan para sa mga pamilyang bahagi ng Kabihug indigenous community, inilunsad kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation ang isang housing project at proyektong pangkabuhayan para sa mga Kabihug na nakatira sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte. Ang Kabihug ay katutubong grupo na kabilang sa hanay …
Read More »Public hearing sa mall voting kasado na — Comelec (Sa 2016 polls)
NAKAHANDA na ang idaraos na public hearing ng Commission on Elections (Comelec) para sa isinusulong na kauna-unahang mall voting para sa 2016 presidential elections. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, iimbitahan nila sa nasabing pagdinig ang mga political party, media at iba pang stake holders. Itinakda ang hearing sa huling bahagi ng Nobyembre. Bagama’t positibo ang feedback ng publiko sa …
Read More »Botohan sa EDCA legality iniliban
INILIBAN ng Supreme Court (SC) ang botohan para sa Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA). Matatandaan, mainit na usapin ito dahil sinaabing walang basbas ng Senado ang pinasok na kasunduan sa Estados Unidos. Naging paksa rin ito ng mga diskusyon makaraang masangkot ang isa sa mga sundalo ng Amerika na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa …
Read More »NBI employee, negosyante nagbarilan, 1 patay, 1 sugatan
ILOILO CITY – Pinasusuko ni National Bureau of Investigation (NBI) Reg. 6 Dir. Atty. Mario Sison ang kanilang contractual employee makaraang barilin at mapatay ang isang negosyante sa music bar sa Smallville Complec, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa. Sinabi ni Atty. Sison, tumawag sa kanya ang suspek na si Mark Blancaflor ng Jaro, Iloilo City, at nagsabi na susuko siya ngunit hindi na makontak. …
Read More »10 buwan sanggol binugbog ng ina
LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang isang 10 buwan gulang sanggol na binugbog ng inang may problema sa pag-iisip, makaraang masagip sa Castilla, Sorsogon. Napag-alaman, matagal nang binubugbog ng ina ang sanggol na labis na ikinaalarma ng mga kapitbahay kaya nagsumbong sa mga awtoridad. Kasama ang mga tauhan ng DSWD …
Read More »DOJ patas sa kaso ng INC – Kapunan (Kay Sec. Ben Caguioa)
NAGPAHAYAG ng pananalig si Atty. Lorna Kapunan na ang Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng bago nitong kalihim na si Sec. Alfredo Benjamin Caguioa ay magpapasya sa kaso ng Iglesia Ni Cristo (INC) batay sa “merito” dahil malinis ang reputasyon nito at kilala sa katapatan. “Nasa kasong isinampa ni Samson ang atensiyon ng media ngayon, at sigurado ako na …
Read More »Cabanatuan truck ‘inagaw’ ng Palayan City at Kapitolyo (Politika sa NE umiinit na)
UMIINIT na ang politika sa Nueva Ecija matapos ‘kompiskahin’ ng Palayan City police at ng provincial government ang ten-wheeler truck na pag-aari ng Cabanatuan City. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando nagresponde ang engineering team ng Cabanatuan City sa utos ni mayor Jay Vergara sa bayan ng Gabaldon dahil naharangan ng mga batong inagos ng baha ang mga daanan. …
Read More »DQ pa more
MUKHANG hindi nagsasawa sa pagsasampa ng DQ case ang mga kalaban ni Sen. Grace Poe. Umabot na sa lima ang nag-file, at parang unli load sa cell phone ang sunod-sunod na kaso para lang hindi makatakbo si Poe sa darating na halalan. Dalawa lang naman ang suspetsa ng publiko sa kung sino ang “utak” ng mga kasong isinampa laban kay …
Read More »Sabwatang prison guards at inmates sa NBP sinisilip
MAYROONG nagaganap na sabwatan sa pagitan ng mga guwardiya ng maximum security compound ng National Bilibid Prisons (NBP) at mga inmate. Kinompirma ito ni Bureau of Corrections (BUCOR) Director Ranier Cruz patungkol sa hindi maubos-ubos na kontrabando sa loob ng Bilibid. Ayon Kay Cruz, isa ang sabwatan ng mga guwardya at inmates sa ilang dahilan kaya nakapapasok ang kontrabando sa …
Read More »