Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Joross tanggap na aktor, kahit laging mag-bading

NOONG araw, ang kasabihan, basta ang isang artista ay lumabas na bakla sa pelikula, hindi na halos siya makawawala sa ganoong image. Magkakasunod-sunod na iyan. Kung sabihin nga nila noon, dalawang artista lamang na lumabas na bakla ang hindi “napagbintangan”, sina Mang Dolphy at direk Eddie Garcia. Lahat halos hindi na nakabawi. Pero sa panahong ito, huwag lang siguro sagad at paulit-ulit mong gagawin, …

Read More »

Sexy actor, naghahanap na naman ng ‘sideline’ (‘di na kasi masustentuhan ni misis)

blind mystery man

ANG hula, hindi magtatagal at magka kahiwalay din ang isang dating sexy actor at ang kanyang bagong misis. Hindi na raw masustentuhan ni misis ang kanyang mister kagaya noong araw, at naghahannap na naman ng “sideline” si mister sa kanyang mga dating “friend”. Dating sexy actor si mister. Dati namang Japayuki si misis. Eh iyang relasyon naman talagang karaniwan nang hindi nagtatagal …

Read More »

RnB music ni James, makalusot kaya?

TALAGANG maliwanag na isinusugal ni James Reid ang kanyang career at popularidad sa gagawing concert, kasama si Nadine Lustre sa Araneta Coliseum sa February 9. Kay Nadine, wala namang mawawala eh. Ang pressure na kay James, kasi siya iyong sikat na singer eh, tapos ngayon ipinakikilala niya ang bagong type of music, na sinasabi niyang talagang musika niya. Inamin din naman niya na sumikat …

Read More »

Sikreto ng Regal kaya tumatagal, nagdidiskubre ng mga bagong talent

TALAGANG doon sa mga kinikilalang malalaking producers noong araw pa, ang pinakamatibay ay ang Regal. Katatapos lamang ng MMFF na nakasali ang pelikula nilang Haunted Forest, ngayon naman ipalalabas ang isang bago nilang pelikula, iyong Mama’s Girl. Kaya sunod-sunod, kasi naman kumikita ang lahat ng pelikula nila. Hindi siya top grosser, pero kung iisipin mo, baka mas malaki pa ang kinita nila dahil ang mga …

Read More »

Direk, ‘sure’ na kay character actor

SA kabila ng lahat, hindi pa rin magawang talikuran ni direk ang character actor na matagal na niyang ka-affair. Kahit na nga may asawa na iyon at dalawang anak, basta nagpunta siya kay direk, ok lang. Ang sinasabi lang ni direk, ”at least sa kanya naman kasi sure na ako.” Sure kaya saan? Kung sa bagay iba ang balita tungkol sa character actor …

Read More »

Aktor, front lang ang pagba-buy and sell

blind mystery man

NAGBA-BUY and sell ang isang male star. Ang tinda niya ay mga high end na damit, sapatos at iba pang mga gadget. Pero hindi iyon ang tunay na negosyo. Ginagawa lang niya iyon para makilala nila ang mga mayayamang mahilig sa mga ganoong bagay. Kung makikilala niya ang mga iyon at magkaroon ng “interest” sa kanya, iyon ang talagang negosyo niya. …

Read More »

Balik-EB ni Maine, sinalubong ng sanrekwang posts

MAGANDA ang reaksiyon ng mga tao sa pagbabalik ni Maine Mendoza sa kanilang noontime show. Sinalubong agad siya ng mahigit na 100,000 social media posts, na lahat ay natutuwa sa kanyang pagbabalik. Walang duda na iyang pagbabalik ni Maine ay malaking boost sa kanilang show. Para na namang dinagukan ang kalaban nila. Iyong sinasabi ng iba na nasira si Maine …

Read More »

John Lloyd ‘di nasira, kabi-kabila man ang kontrobersiya

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

MATAPANG ang post ni  John Lloyd Cruz at sinabi niyang, “2017, hindi mo ako nasira.” Marami kasi ang nagsasabing nasira na si John Lloyd dahil ngayon nakabakasyon siya na suspended ang contract. Ibig sabihin, lumalakad man ang panahon, ang kontrata niya ay nananatili lang dahil naka-bakasyon nga siya. Nagsimula iyan nang mapasok siya sa isang kontrobersiyal na relasyon kay Ellen Adarna, …

Read More »

Sikat na actor, mahilig sa sex parties

blind mystery man

BUTI na lang, hindi isang sikat na artista ang nahuli roon sa gay orgy sa isang hotel sa BGC, na sinasabing gumagamit din sila ng drogang ecstasy. Natakot kami noong una naming marinig ang istorya, dahil nakaririnig din kami ng mga ganyang kuwento tungkol sa isang sikat na male star. Sumasama siya sa mga bakla sa mga sex parties na mayroon …

Read More »

Goma working mayor, handa sa mga sakuna

richard gomez ormoc

MALAKI ang naging problema ng Ormoc dahil sa bagyong Urduja. May mga naiwang patay sa lunsod, nagsagawa sila ng sapilitang evacuation dahil sa mabilis na pagbaha, at nagkaroon pa ng landslide kaya naging mahirap ang pagpunta sa lunsod. Pero napaghandaang lahat iyan ni Mayor Richard Gomez. Sabihin mang nagkaroon ng delay ang relief para sa kanilang bayan. On their own ay naisasagawa …

Read More »

Ang Panday  ni Coco, lumabas na obra maestra kahit gawa ng baguhan at hindi kinikilalang maestro

MABAWI kaya ni Coco Martin ang ipinu hunan niyang P100-M sa pelikula niyang Ang Panday? Iyan ang tanungan ngayon. Para mabawi iyan ni Coco, kailangang kumita ang kanyang pelikula ng mga P400-M . Palagay naman namin, kikitain iyon ng pelikula at higit pa roon dahil napakahusay naman ng pagkakagawa. Kaya kami ay walang duda na hindi lamang mababawi kundi kikita si Coco sa …

Read More »

Joross, tinulungan ng mga kaibigan nang mangailangan

SABI nga, nasusubok ang pagiging magkakaibigan sa pagtutulungan. May mga taong kung tawagin ay “fair weather friends”, iyon nandiyan lang kung may pakinabang sa iyo, at kung wala na, wala ka na ring maaasahan. Pero sa kuwento nga ni Joross Gamboa, napatunayan niyang marami rin pala siyang kaibigang nakahandang tumulong sa kanya. Kinausap  niya ang mga kaibigang sikat na artista …

Read More »

Opticals ng Ang Panday, nakabibilib; Pagkakabuo ng kuwento, mahusay

SINASABI nilang dark horse ang pelikula ni Coco Martin sa festival, pero marami ang nagsasabing baka magulat nga sila dahil mukhang iyon pa ang magiging top grosser. May nagbulong sa amin, at pinaniniwalaan namin sila, dahil sila iyong mga technical people na araw-araw ang kaharap ay mga pelikulang nasa post production. Bilib sila sa opticals ng Ang Panday, dahil hindi tinipid …

Read More »

Nora, ‘di na nagtangkang sumali sa MMFF 2017

SABI naman nila, mukhang ito lamang ang taon na walang pelikula si Nora Aunor na kasali sa Metro Manila Film Festival. Kung natatandaan ninyo, ilang sunod-sunod na tao ay may pelikula si Nora na kasali sa festival. Sa pagkakataong ito mukhang walang nagtangka bagamat sinasabi nilang may mga tapos na pelikula si Nora na maaaring isali sana sa festival. Ang problema lang kasi …

Read More »

Vilma, ‘di pa rin makapagbabakasyon dahil sa MMFF

GUSTO sanang samantalahin ni Congress­woman Vilma Santos na magbakasyon ulit sa abroad, kasi talaga namang ginagawa niya rati iyong pinupuntahan niya ang mga kapatid niya sa US para magkasama-sama sila lalo na kung panahon ng Pasko, at saka ngayon naka-break naman ang trabaho nila sa congress, pero hindi niya magagawa dahil sa Metro Manila Film Festival. Tinanggap kasi niyang maging member ng executive …

Read More »

Daniel, pinaka-pogi sa mga Japanese-Brazilian model

PINAGMAMASDAN namin si Daniel Matsunaga noong press conference ng kanilang pelikulang Meant To Beh. Kahit na anong tingin ang gawin mo, talagang pogi si Daniel. Napansin din namin, sa lahat halos ng performances niyang si Daniel, sabihin mo mang fashion shows na natural medyo mataas ang level ng audience, o maski na sa mga mall show na ang audience naman ay masa, talagang …

Read More »

Ang Larawan, napakahusay ng pagkakagawa (kaya ‘di matatawag na indie)

MUKHANG maling-mali na tawagin iyong pelikulang Ang Larawan na isang indie film. Totoo, ang producers niyan ay hindi isang malaking kompanya. Independent producers nga sila. Pero iyong Ang Larawan, na isang pelikulang napakahusay ang pagkakagawa, ginawa ng mahigit na dalawang taon, ginastusan nang husto at ang kinuhang mga artista at tekniko ay ang pinakamahuhusay, hindi mo sasabihing indie iyan. Sigurado kami na …

Read More »

Aktor, deadma sa mura ng kapatid ni music icon

LAHAT ng murang hindi kayang lunukin ng isang disenteng tao, ibinato ng kapatid ng isang music icon sa isang male star. Kasi, “tina-taiwan” daw niyon ang bayad sa sound system na inarkila sa kanila. Ibinibitin ang bayad, tapos sasabihing kung gusto ninyong makasingil agad, aabonohan namin pero kalahati na lang ang makukuha ninyo. Lahat ng klaseng mura, ginawa ng kapatid na babae ng music icon. …

Read More »

Pagbibida sa pelikula, pangarap din ni Hashtags Franco

PAREHONG nagpahayag ng kalungkutan sina Jon Locas at Jameson Blake sa maagang pagyao ng kasamahan nila sa Hashtags na si Franco Hernandez.  “Sabay-sabay kaming nangangarap at malungkot din dahil hindi na niya inabot ang panahong ito na natupad din ang pangarap namin na maging bida kami sa isang magandang pelikula,” sabi ni Jon noong media launching ng pelikula nilang Haunted Forest. Pero sinasabi ni Jameson na naniniwala siyang kung …

Read More »

Yul at Direk Maryo, may kasunduan (sa pagpasok niya sa politika)

“H UWAG ka nang   pumasok sa politika,  masisira ka lang. At para ano eh mas malaki ang kikitain mo sa showbusiness,”  ang naging payo ni direk Maryo delos Reyes kay Congressman Yul Servo noong nagsisimula pa lang siyang kumandidato bilang konsehal ng Maynila. “Masisira ka lang diyan,” warning pa ni direk. Pero desidido si Congressman Yul, kaya hindi siya tumigil sa pagkumbinsi sa kanyang manager na …

Read More »

Pagiging game ni Jen (sa halikan), ikinagulat ni Derek

NAGING isang surprise hit ang unang pelikulang pinagtambalan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, iyong English Only Please. Bukod doon, iyon ang nagsimula ng isang panibagong trend sa isang pelikulang love story. Noong una, hindi nga inaasahang magiging hit iyon, dahil sinasabi nila iyon ay isang low budget film, na maaaring ang nagpataas lamang ng gastos ay ang talent fee nina Derek at Jennylyn, …

Read More »

Maine, nakabakasyon?; Alden, magsosolo na, kaya na kaya?

ILANG araw na naming napapanood ang Eat Bulaga at napansin namin, wala yata si Maine Mendoza. Palagay namin bunga pa iyan ng kanyang open letter. Hindi natin masabi kung siya ay “pinagbakasyon” muna, o dahil doon ay nagdesisyon siyang “magbakasyon” muna. Pero isa lang ang napansin namin, mukhang matamlay ang show ng wala si Maine. Iba kasi ang dating niyong kakulitan ni Maine. …

Read More »

Maine, bakit nga ba hindi niligawan ni Alden?

WALANG duda, na dahil nagpa-panic na rin ang ilang mga taong may naapektuhang “interest” sa ipinalabas na letter ni Maine Mendoza, na nagsabing sawang-sawa na siya sa pakikialam sa kanyang personal na buhay at pagpupumilit ng iba kung ano ang dapat niyang gawin, nagsimula na silang gumawa ng damage control. Pero ang damage control eh hindi puwedeng si Maine ang …

Read More »

Mga pelikula noon, nakae-entertain pa rin

NAGISING kami isang madaling araw, binuksan namin ang TV. Ang palabas ay isang lumang pelikula nina Donna Cruz, Jao Mapa, at Ian de Leon. Natatandaan naming, ibinase ang pelikulang iyan sa hit song noon ni Jaya, iyong Dahil Tanging Ikaw. Nagustuhan namin iyong mga eksena nina Donna at Jao. Nang mapanood nga namin iyon sa TV noong isang araw, parang ang feeling namin entertaining pa …

Read More »