MATAPOS na maging guest sa isang noontime show, kasama ang ermat niyang si Sunshine Cruz, marami na naman ang nagtatanong kung bakit “Cruz” ang ginamit na apelyido ni Angelina at hindi Montano na siyang ginagamit na apelyido ng tatay niya, o Manhilot na tunay niyong apelyido. Matagal nang napag-usapan iyan. Pumasok si Angelina sa showbusiness bilang isang singer. Una mas madaling matandaan ang …
Read More »Robin at Aljur, nagkita na
NAGKITA na sa isang family dinner sina Robin Padilla at Aljur Abrenica at mukhang magkasundo naman silang dalawa, kaya masaya na ngayon si Kylie Padilla dahil ang kanyang live in boyfriend at tatay ng anak niya ay kasundo na rin ng tatay niya. Nang dumating naman si Aljur doon sa sinasabing “family dinner” hindi naman siya tinawag ni Robin na “gatecrasher” sa kanilang pamilya. Natanggap …
Read More »Bagong van ni Sunshine, nai-deliver na
MASAYANG-MASAYA si Sunshine Cruz bago pa mag-Valentine’s day, kasi nai-deliver na sa kanya ang isang bagong-bagong van. Noon pa sana iyon eh, kaso nautang nga ang pera niya at natagalan bago siya nabayaran ng unti-unti. Minamadali pa naman ni Sunshine ang pagbili ng bagong van na iyon. Kasi nga iyong mas malaking sasakyan na rati niyang ginagamit, gusto niyang iyon naman …
Read More »Kumusta Ka, naka-8-M hits dahil sa Sharon-Gabby commercial
KUNG nagiging usap-usapan ang commercial ng isang fast food chain na ginawa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang mas matindi roon ay iyong mahigit sa walong milyong hits na nakuha ng isang music video na inilabas nila sa internet para sa commercial na iyon. Ang ginamit na music ay iyong Kumusta Ka, na ginamit noong araw hindi sa isang …
Read More »Year of the Dog, maganda sa showbusiness
SABI sa amin ng isang kilala naming Chinese shifu, maganda para sa showbusiness ang year of the earth dog, pero maraming lalabas na mga eskandalo. Maganda rin para sa mga movie writer kung may mga eskandalo nga. Sa aming mga kaibigang Tsino, “Gong Xi Fa Cai”. “Xi nian kuaile”. “Hong bao na lai”. HATAWAN! ni Ed de Leon
Read More »Panghahalay ng mga bading na photog, ‘di na bago
HINDI na bago iyang panghahalay ng mga photographer na bading sa mga male model. Natatandaan nga namin ang kuwento ng isang sikat na actor, na minsang nag-pictorial siya sa isang kilalang photographer, nakita niyang may video camera roon mismo sa kanyang dressing room at doon sa CR na ipinagamit sa kanya. Nagalit ang actor, gusto na niyang sapakin ang baklang photographer. …
Read More »Komedyanteng si Tintoy, pumanaw na
NARINIG naming pumanaw na ang komedyanteng si Tintoy, na ang tunay na pangalan ay Johnny Arcega kahapon ng umaga. Bukod sa pagiging actor, director din si Tintoy at nakilala sa mga pelikulang Si Gorio at Ang Damong Ligaw (1979), Tacio (1981), at Balandra Crossing (1987). Nakikiramay kami sa pamilyang naiwan ni Ka Tintoy. HATAWAN! ni Ed de Leon
Read More »Sharon at Gabby, gagawa ng commercial
MAGSASAMA na ulit sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pero bago kayo kiligin, hindi pa sa pelikula iyan ha. Isang commercial lang ang kanilang gagawin. Hindi pa pala pelikula iyon. Pero kung gagawa na nga sila ng commercial, baka pelikula na ang kasunod. Siyempre ang unang kinilig sa pagsasama nila ay ang kanilang anak na si KC. Pero hanggang saan …
Read More »Mark, trending ang ‘intimate moment’ sa sikat na aktor
NAGULUHAN ka ba, Tita Maricris sa ginawang pag-amin ni Mark Bautista na nagkaroon sila ng intimate moments ng isang sikat na actor na kaibigan niya? Ako hindi. Kasi bago pa niya Isinulat iyan, matagal na rin nating naririnig iyan. Ilang ulit na ring nasulat iyan na parang blind item, at inamin man niyang siya ang other half ng “intimate relastionship” …
Read More »Direk Joven, nami-miss din ang trabaho sa magazine
NOONG launching ng self titled album ng Clique V, nakakuwentuhan namin ang matagal na naming kaibigan, na dating magazine editor, naging director ng pelikula, at ngayon ay composer na ring si Joven Tan. Bukod pa iyan sa kanyang pagiging isang restaurateur. Composition niya kasi ang tatlo sa anim na kantang kasama sa unang album ng Clique V. Siya rin ang …
Read More »Clique V, matayog ang pangarap
ISANG new generation boy band iyang Clique V. Una dahil bago talaga sila. Ikalawa may gusto silang simulang panibagong trend. Sa panahong ito, hindi natin maikakaila na marami sa ating mga kabataan ang nahuhumaling sa mga boyband na Koreano. Mahirap labanan iyan, sinasabi ng marami. Kaya iyong mga nag-aambisyong magbuo ng boyband, ang ginagawa ay ginagaya ang style ng mga …
Read More »Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak
NADUGTUNGAN pa ang kuwentuhan namin ni Sunshine Cruz nang magka-chat kami ulit noong isang araw. Sinabi niya na nagdesisyon siya na sa pagbabalik niya matapos ang isang medical procedure sa kanyang mata sa US, ay haharapin nang husto ang kanyang career at magtatrabaho na nang husto. “Wala na yata akong time para sa therapy pagkatapos niyon,” sabi pa ni Sunshine. Ang dahilan ay dahil naiisip niya ang kinabukasan …
Read More »Kim, posibleng mag-concentrate sa comedy (kaya goodbye Xian na)
HINDI naman masisira ang love team nina Xian Lim at Kim Chiu, kahit na ang actor ay pumirma na ng management contract sa iba. Pero napansin lang namin, may pelikula ngayon si Kim na isang comedy na ang leading man ay si Ryan Bang. Ewan kung totoo ang naiisip namin, pero kung magki-click ang proyektong iyan, baka nga pagawin na nila ng maraming comedy si Kim …
Read More »Sunshine, anak muna bago ang sarili
MAHABANG kuwentuhan din ang nangyari sa amin ni Sunshine Cruz noong isang araw, sa press conference niyong Wildflower. Matagal na rin naman kasi kaming hindi nagkikita at nagkakakuwentuhan. Madalas nagkakausap lang kami sa chat. Napansin namin, at maging ng ibang naroroon na parang mas maganda pa si Sunshine sa ngayon kaysa noong araw. Bakit nga ba? “Siguro kasi noon laging may pressure, laging …
Read More »Mother Lily, dinalaw ni Direk Maryo
“DINALAW ako ni direk Maryo last night,” pagkukuwento ni Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Hindi na siya nagdetalye kung ano nga ba ang kanyang napanaginipan, pero nagkuwento siya nang ipa-renovate pala niya ang 38 Valencia Events Place, si direk Maryo ang nagbigay ng idea sa lahat ng ayos ng lugar na iyon. Kilala rin kasi si direk Maryo …
Read More »Kiko Estrada, pang-matinee idol (mabigyan lang ng tamang break)
STAR si Kiko Estrada sa My Fairy Tail Love Story. Hindi naman siya ang leading man ni Janella Salvador, dahil ang ka-love team niyon ay si Elmo Magalona, pero may mga nakausap kaming insiders na nagsabing lumutang ang kakayahan sa acting ni Kiko sa pelikula. Ganoon naman talaga. Basta ang isang pelikula ay kagaya nga niyang My Fairy Tail Love …
Read More »Direk Maryo, namaalam sa edad 65
ISANG magaling na directorsi Maryo J. Delos Reyes. Nagsimula rin naman siya sa theater. Naging resident director din siya noon ng isang theater group sa natatandaan namin. Pero iba ang ugali ni direk Maryo e, wholesome ang kanyang dating. Lagi siyang nakangiti, laging tumatawa, at kahit na kung minsan ang mga artista niya ay nagkakamali, matiyaga siyang turuan sila at ulitin …
Read More »Nadine, inako ang pagkaantala ng shooting
INAKO na ni Nadine Lustre na siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng delay ang kanilang pelikula. Biglang inilabas niya pati ang kanyang medical records at pati nga mga x-ray niya para sabihing totoo namang may sakit siya. Kasabay ng pagsasabing ”kasalanan ba ang magkasakit.” Pero alam naman ninyo ang bashers, ipinipilit nila na ang dahilan talaga niyon ay nalasing si James. May …
Read More »Akusasyon ni Teetin kay JC: Niloko siya ng 4 na taon
PALAGAY namin, kailangang linawin ni JC Santos kung ano talaga ang sitwasyon ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Teetin Villanueva. Inamin ni JC noong media launch ng pelikula nilang Mr. & Mrs. Cruz, na nagkakalabuan nga sila. Pero hanggang doon lang naman ang sinabi niya. Ang matindi ay nang i-post ni Teetin ang sagot sa isang social media inquiry sa kanya na …
Read More »John Lloyd nakabuntis lang, makababalik pa rin sa showbiz
SA palagay lang namin, hindi pa handa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na isapubliko kung ano man ang sitwasyon nila, kaya lahat ng pag-iwas ginagawa. Una, nag-abroad sila. Pagkatapos naman pati si John Lloyd yata umuwi na rin sa Cebu. Obvious namang magkasama sila ng kanyang syotang si Ellen. Hindi lang niya basta syota si Ellen, iyon din ang magiging nanay ng …
Read More »Anak ni dating actor, paboritong ka-date ng ilang showbiz gays
PINAGKUKUWENTUHAN nila noong isang araw ang umano ay anak ng isang dating male star, na mukhang sa ngayon ay nagiging paboritong ka-date ng ilang showbiz gays. Ang sinasabi nila, may katangian iyon na kagaya ng tatay niya, na habulin din ng gays noong panahong iyon. Pero ewan nga ba kung bakit mukhang halos naikot na yata niya lahat ng mga showbiz gay …
Read More »Mr. & Mrs. Cruz, experimental film
TIPONG experimental film iyang pelikulang Mr. & Mrs. Cruz na pinangungunahan nina Ryza Cenon at JC Santos. Kung panonoorin ninyo, nagsimula at natapos ang kuwento ng dalawa lang silang characters sa buong pelikula. Iyong mga karaniwang pelikula natin, napakaraming artistang kasama. Kailangan nila ang maraming characters para mabuo ang isang kuwento. Iyan namang pelikulang iyan, talagang dalawa lang ang characters sa kuwento. Pero mukhang tanggap …
Read More »Juday, dapat nang bumalik sa paggawa ng teleserye
NAGBALIK na si Judy Ann Santos sa mainstream movie, sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Iyan ay matapos na makagawa siya nang halos sunod-sunod na mga pelikulang indie. Nakalulungkot naman na nang gumawa siya ng indie, kagaya ng karaniwang nangyayari, hindi rin kumita ang mga iyon. May isa pang pelikula na nalugi pati siya dahil sumosyo siya sa produksiyon mismo ng pelikula. Isa iyan …
Read More »Direk obsessed pa rin kay male bold star, napakalaking picture nasa CR
NAGULAT ang bisita ni Direk, kasi noong maki-CR iyon nang minsang dalawin siya sa bahay, nagulat siya dahil sa loob ng CR ay may napakalaking picture ang isang sexy male star na nakasuot lamang ng underwear. Common knowledge naman ang naging relasyon ni direk at ng male bold star noong araw, pero nagulat iyong bisita dahil ganoon pala ka-obsessed si direk sa …
Read More »Daniel Padilla, sure na nga bang Box Office King?
ANG bilis naman nilang magsabi na dahil sa pelikula niya noong nakaraang MMFF, si Daniel Padilla na ang siguradong box office king. Aba teka muna, eh ano ang gagawin ninyo kay Vice Ganda? Hindi ninyo puwedeng gawing box office queen iyang si Vice Ganda. Tsitsinelasin ko kayo basta ipinilit ninyo iyan. Doon sa pelikula nila, walang dudang ang credits sa box office ay inangkin na ni …
Read More »