NITONG 17 Setyembre 2019 nang isalin kay P/Col. Ronnie Montejo ni dating Quezon City Police District (QCPC) District Director, P/BGen. Joselito Esquivel ang pamunuan ng pulisya ng lungsod. Sa talumpati ni Montejo bilang Acting District Director ng QCPD, aniya’y isang malaking hamon ang kanyang susuungin dahil ang dalawang sinundan niyang District Director, sina NCRPO Director, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar at …
Read More »Power rectifier ng LRT2 station sa QC nasunog
NAG-PANIC ang commuters ng Light Rail Transit (LRT2) nang sumiklab ang apoy mula sa power rectifier ng tren sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa mga pasahero, nang mapansin nilang nagliliyab ang bagon at nagbukas ang pintuan, mabilis silang naglabasan sa tren at naglakad sa riles upang makababa agad. Agad nakapagresponde ang …
Read More »Nagtatanong lang po… Ninja cops issue, binuhay?
MASALIMUOT na naman ang usapang “ninja cops” – anang Philippine Drug Enforcement Unit este Agency pala (PDEA), buhay at patuloy pa rin na kumakana ang ninja cops. Teka, nabanggit po natin ang unit ng ahensiya dahil sa mga nagdaang araw, talo yata ng Philippine National Police (PNP) ang PDEA sa mga nahuhuling malalaking isda ngayon at nakokompiskahan nang milyon-milyon o …
Read More »Nagpasabog sa seafood resto huli sa checkpoint (Malapit sa Malacañang)
ISANG rider na tinangkang lusutan ang inilatag na police checkpoint ang dinakip matapos mahulihan ng droga at granada sa Quezon City. Natuklasan, ang rider na nahuli sa checkpoint ay siyang nagpasabog ng granada sa isang seafood restaurant malapit sa Malacañang, nitong 14 Setyembre. Iniharap sa media nina NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar at Acting Quezon City Police District (QCPD) …
Read More »Pag-amyenda sa juvenile law, buhayin!
ANO na bang nangyari sa pinagtatalunang juvenile law lalo sa pagpapababa sa edad ng minor na puwedeng sampahan ng kasong kriminal? Natahimik ang mga mambabatas sa pag-amyenda – ang babaan sa 9-anyos mula edad 15 ang puwedeng sampahan ng kasong kriminal samantala bago ang midterm election ay gamit na gamit ang isyu. Nariyan iyong ipinagtatanggol ang mga bata para makuha …
Read More »Magkaibigan nag-reunion sa preso sa pasalubong na ‘nakatuwalyang shabu’
HINDI na mahihirapang magpabalik-balik sa piitan ang isang lalaki para dalawin ang nakakulong na kaibigan, sa halip ay tuluyan na silang magkakasama, makaraang mabuking ang inipit na shabu ng una sa kanyang pasalubong na tuwalya, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang naarestong suspek na si Jay-R Arquenio, alyas Sunog, 26, …
Read More »15-anyos teenager patay sa saksak ng 14-anyos estudyante
PATAY ang isang teenager makaraang saksakin ng estudyanteng 14-anyos nang magkapikunan ang magkabilang grupong kinaaaniban sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director P/Col. Ronnie Montejo, ni P/Lt. Nick Fontanilla, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay kinilalang si Harvey Clemente, 15-anyos, estudyante, at residente sa Pitimini …
Read More »Pharmacist, nurse, arestado sex, party drugs kompiskado
NASAKOTE ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lisensiyadong pharmacist at registered nurse sa magkasunod na anti-illegal drug operation sa Pasig City at Quezon City, iniulat kahapon. Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang suspek na sina Juan Carlos Reyes, licensed pharmacist, at Nilo Manipon, isang registered nurse, residente sa Pasig at Quezon City. Unang nadakip si Reyes, …
Read More »Mister pinagbabaril sa mukha, patay
PINASOK sa bahay at saka pinagbabaril sa mukha at katawan ang isang 45-anyos mister ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek, nitong Linggo ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Rommel Martinez Ramirez, 45, may live-in partner, residente sa No. …
Read More »Galamay ng drug lord sa Bilibid patay sa P27.2-M shabu
NAPATAY ang isang drug courier na sinasabing ‘galamay’ ng isang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraang manlaban sa mga umaarestong operatiba ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Office (NCRPO) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw, na nagresulta rin sa pagkakakompiska ng P27.2 milyong halaga ng ilegal na …
Read More »8 ‘laya’ sa GCTA lumutang sa QCPD
SUMUKO sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang walong ex-convicts na lumaya sa ilalim ng proseso ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) nitong Miyerkoles. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr., ang walo ay kinilalang sina Joselito Fernandez, 58, ng Brgy. Commonwealth; Rodel Bolo, 42, ng Brgy. Commonwealth; Marianito Revillame, 52, ng Antipolo City; Emmanuel Avillanoza, alyas Awel, 31, ng Brgy. …
Read More »Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga
ARESTADO ang veteran actress at dating sexy star na si Deborah Sun, kasama ang tatlo pa sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni QCPD Project 4 Police Station (PS8) commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro ang naaresto na si Deborah Sun, Jean Louise Porcuna Salvador, sa tunay …
Read More »Nissan Phils, kinasuhan sa paglabag sa Revised Penal Code (RPC)
DESMAYADO ang Broadway Motor Sales Corporation dahil matapos ang mahigit 41 taon kontrata sa Nissan Philippines, Inc., bilang dealer ay biglang natapos ito sa isang iglap. Ayon kay Leoncio Lei Yee, Jr., pangulo ng Broadway Motor Sales, tumupad ang kanilang kompanya sa kagustuhan ng Nissan Philippines na magkaroon ng “renovation” sa kanilang kompanya na ang kabuuang nagastos ay P28 milyon. …
Read More »Takas na rapist at kidnaper, naibalik sa piitan ni QCJ Warden Quita
ANG 27 Hulyo 2019, ay araw na hindi malilimutan ni dating Quezon City Jail Warden, J/Supt. Fermin Enriquez. Bakit? Sa araw na ito kasi, siya ay natakasan ng dalawang preso. Hindi basta-basta o small time ang mga takas kung hindi nahaharap ang dalawa sa kasong rape, kidnapping at iba pa. Ang tumakas na sina Mamerto Vanzuela at Dennis Valdez ay …
Read More »CPP-NPA leader nasakote sa QC
ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), National Democratic Front (NDF), ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa Cubao, Quezon City. Sa ulat ni QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang …
Read More »Grade 6 kulong sa P142 nilimas sa burger house
KULONG ang isang grade 6 pupil sa halagang P142 mula sa hinoldap niyang Angel’s Burger sa Barangay Greater Fairview sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga. Sa ulat ni P/MSgt. Roderick Mallanao ng QCPD Fairview Police Station 5, ang insidente ay naganap dakong 4:20 am kahapon, 12 Agosto, sa Angel’s Burger branch sa Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City. Ang …
Read More »Saklang patay ni Toto G. sa QC buhay na buhay
PATAY ‘este, tigil ang mga ‘negosyong’ lotteng ngayon sa Quezon City kahit na muling nabuhay o bumalik ang operasyon ng lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). Muling nabuhay ang operasyon ng lotto makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon sa operasyon nito kamakailan. Sinuspende ng Pangulo ang operasyon ng online games (lotto, keno at iba pa) ng PCSO …
Read More »Sa high school reunion… Driver patay sa ‘haunted attraction’
NAMATAY ang isang driver makaraang pumasok at atakehin sa puso sa loob ng Asylum Manila dahil sa gimik na “haunted attraction” ng establisimiyento, kasama ang kanyang high school friends para magkasiyahan, nitong Linggo sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ang biktima na si Arlan Thaddeus …
Read More »Crime of passion… Ulo ni misis tinagpas matapos saksakin, at barilin ni mister
SELOS na matindi ang hinihinalang dahilan kung bakit tinagpas ng itak ang ulo ng isang misis matapos pagsasaksakin at barilin ng sariling mister sa Quezon City kahapon ng hapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station (PS6) commander, P/Lt. Col. Joel Villanueva, ang suspek na si Alejandro Baltazar, 34, walang trabaho, residente sa Abra corner Muñoz streets, …
Read More »Mag-asawang boss tsip ng CPP-NPA timbog sa QC
INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operation Unit (QCPD-DSOU) ang mag-asawang may mataas na katungkulan sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CCP-NPA) makaraang makialam sa pag-aresto sa kasamahan nilang wanted sa kasong pagpaslang para makatakas nitong Martes, 23 Hulyo 23, iniulat kahapon. Nakuha rin umano sa bahay ng mag-asawa ang …
Read More »2 online tulak timbog sa P180K dahon ng marijuana
INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang online tulak makaraang makompiskahan ng P180,000 halaga ng pinatuyong marijuana sa isinagawang buy bust operation nitong Sabado ng hapon. Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station (PS10), ang mga dinakip ay kinilalang sina Mark Anthony Garcia, alias Makoy, 21, binata, at residente sa …
Read More »Tatalon sana mula 38th… Grade 11, nagbaril na lang sa sarili
Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) para alamin kung ano ang nagtulak sa isang grade 11 student para magbaril sa sarili, iniulat ng pulisya kahapon. Sa ulat ni P/Capt. Juan Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (CIDU), ang biktima na si Wylls Ian Vallo, 17, residente sa 38/F Unit …
Read More »4 presong pumatay sa kapwa inmate inasunto sa QC court
SINAMPAHAN ng ka-song murder sa Quezon City Prosecutors’ Office ang apat na inmates ng Quezon City Police Dis-trict (QCPD) dahil sa pagkamatay ng kasama-hang preso na unang napaulat na nilagnat, matapos umanong bug-bugin sa loob ng piitan nitong nakalipas na Mi-yerkoles, 10 Hulyo 2019. Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Lt. Col. Alex Alberto, ang mga kinasuhan ay …
Read More »Korean resto sa QC pinasabog
NAGULANTANG ang bystanders at mga residente nang makarinig ng malakas na pagsabog ng granada ang harapang bahagi ng isang Korean restaurant sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw. Batay sa inisyal na report kay P/Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station (PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 12:40 am nitong kahapon, 11 Hulyo nang makarinig …
Read More »Pinoy Telco subscribers happy sa trabaho ng NTC
NAPAKALAKI ng naging papel ng National Telecommunications Commission (NTC) upang tuluyang maging masaya ang maraming Filipino consumer sa iba’t ibang serbisyong ibinibigay ng mga telecommunications company (telco). Mukhang naging epektibo ang tambalan sa trabaho nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at ng noo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) acting secretary na si Undersecretary Eliseo M. Rio upang mapaglingkuran ang …
Read More »