Tuesday , June 25 2024

4 preso pumuga sa QCPD

TUMAKAS sa kulungan ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 ang apat na preso na nagawang lagariin ang rehas na bakal kahapon ng madaling araw sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Danilo Macerin ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin alyas Glen, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002, residente sa Brgy. 150 Bagong Barrio, Caloocan City; Marvin Inciong alyas Inok, may kasong paglabag sa RA 9262, Sec. 11 at 12, may warrant of arrest sa kasong Robbery at R.A. 6539, nakatira sa Boracay Subd., Brgy. San Isidro, Parañaque City; Joel Sanchez, alyas Jovan Tokwa, robbery hold-up, residente sa Kabignayan St., Brgy. Tatalon QC; at  Ronald Buenafe, aka Totie, may kasong  paglabag sa  Sec. 5  at 11 ng RA 9165, residente sa Lumot St., Brgy. Tatalon QC.

Base sa ulat, dakong 2:58 am nang mangyari ang insidente sa loob mismo mg Galas Police Station 11.

Sa kuha ng CCTV, nakatakas ang mga preso nang maputol nila ang rehas at isa-isang lumusot at tumakbong palabas ng presinto para tumakas.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni P/BGen. Macerin ang manhunt operation laban sa mga suspek at sinibak na rin ang nakatalagang duty jailer.

“I have directed all our station commanders and chief of offices to fortify their security protocols and procedures sa detention facilities,” saad ni Macerin.

Sinabi ni Macerin, kasong “evasion through negligence  of the Republic of the Philippine Constitution under article 22” ang kasong kakaharapin ng duty jailer dahil sa pagpuga ng mga preso.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation …

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba …

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa …

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *