Sunday , December 22 2024

Almar Danguilan

Pakipagsabwatan ni VP Leni sa komunista, fake news – Ret. AFP/PNP Generals

AKSYON AGADni Almar Danguilan FAKE NEWS! Ang alin? Ang ibinabato laban kay presidential aspirant (Vice President) Leni Robredo. Ibinabato kay Robredo ng kanyang mga katunggali, na siya ay nakikipag-ugnayan o nakikipagsabwatan daw sa kalaban ng gobyerno – ang komunista/terorista si Robredo. Ano!? Bise o isang lider ng bansa makikipagsabwatan? Hindi kaya dahil eleksiyon na kaya kung ano-anong fake news ang …

Read More »

 ‘Cancel culture’ naging kaugalian na ng tropang Marcos para ‘makatakas’ sa publiko?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI ba ang isa sa tinitingnan na katangian sa isang kandidato para ilulok sa posisyon ay ang kanyang commitment o ‘katapatan’ hindi lamang sa hinahangad na posisyon kung hindi lalo sa mamamayan? E paano kung ang kandidato ay kulang sa katapatan, ano ang dapat na gawin sa kanila? Ops, hindi ko sinasabing huwag silang iboto ha …

Read More »

DA-KADIWA sa QC Jail para sa PDLs, komunidad, effective

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA WALANG TIGIL na pagtaas ng produktong petrolyo, lahat ng mga pangunahing bilihin ay apektado dahilan para ‘mag-iyakan’ ang nakararami lalo ang mga Pinoy na sinasabing kabilang sa mga sektor na nasa laylayan ng lipunan. Hindi lang mga produktong nangangailangan ng petrolyo ang apektado kung hindi maging ang mga produktong agrikultura – gulay, bigas, at mga …

Read More »

KADIWA sa QC Jail, inilunsad

KADIWA ni Ani at Kita Quezo

INILUNSAD ang kauna-unahang KADIWA ni Ani at Kita o KADIWA CARTS project sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay J/Col. Xavier Solda, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Public Information Officer, ang programa ay inisyatiba at pinangunahan ni Quezon City Jail Warden, J/Supt. Michelle Ng Bonto sa pakikipgatulungan ng Department of Agriculture (DA) at ng Quezon City Local …

Read More »

Motornaper sa QC, patay sa shootout

dead gun police

PATAY ang isang ‘motornapper’ makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District – Bagong Silangan Police Station (QCPD-PS13) nitong Sabado ng gabi sAa Brgy. Payatas ng lungsod. Sa ulat kay QCPD Director, P/Gen. Remus Medina, dakong 11:17 pm nitong Sabado 5 Marso 2022, naganap ang enkuwentro sa Mahogany St., Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City. Sa ulat ni …

Read More »

Topic muna bago debate, ano!?

AKSYON AGADni Almar Danguilan “Candidates who ask for debate topics ahead of time ‘have nothing between their ears’.” Ito ang tawag ni retired University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos sa mga kandidato na humihingi (in advance) ng isyu (topic) kung ano ang tatalakayin sa isang political debates. Nabanggit ito ng propesor sa isang TV interview nang tanungin kung …

Read More »

Eleazar nagmalasakit sa Bacolod market vendors, consumers,

Guillermo Eleazar

NANAWAGAN si dating PNP chief at senatorial candidate Guillermo Lorenzo Eleazar sa pamahalaan na agad ihanda ang mga posibleng remedyo sa magiging epekto ng labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa ekonomiya ng Filipinas. Ginawa ni Eleazar ang panawagan matapos bumisita sa isang palengke sa Bacolod City at nakadaupang-palad ang mga vendor at consumers na naghayag ng hinaing sa …

Read More »

Konting kembot na lang
LA UNION P4.7B BYPASS ROAD PAKIKINABANGAN NA

AKSYON AGADni Almar Danguilan GOOD NEWS sa mangangalakal, maging sa mga biyahero, ilang kembot na lang ay tuluyan nang pakikinabangan ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) — P4.7-bilyong bypass road. Mapapabilis na ang lahat — lalo ang pagbibiyahe ng kalakal at iba pa. Siyempre, kapag mabilis ang lahat ang resulta ay mabilis ang pag-angat ng ekonomiya. …

Read More »

Senior citizen na nanuhol ng P.2M sa pulis-QC isinelda

arrest prison

ARESTADO ang 61-anyos lolo makaraang suhulan ng malaking halaga ang pulis na umaresto sa kaniyang anak na babae na may kasong estafa at robbery extortion sa loob mismo ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, Quezon City. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, ang …

Read More »

Para ‘di makasuhan
TESTIGO SA DUMUKOT SA MGA SABUNGERO PINALULUTANG NI AÑO

e-Sabong

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga testigo sa naganap na pagdukot at pagkawala ng may 31 sabungero na lumutang na at makipagtulungan sa mga awtoridad upang hindi sila madamay at maharap sa kaso. Ayon kay Año, mas madaling mareresolba ang naturang mga kaso sa lalong madaling panahon, kung makikipagtulungan ang mga …

Read More »

3 salvage victims itinapon sa Kyusi

QC quezon city

TATLONG hindi kilalang mga lalaki, pawang may tama ng mga saksak sa katawan at marka ng pagsakal sa leeg na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw. Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Remus Medina ang unang natagpuang bangkay, nasa edad 30-35 anyos, may taas …

Read More »

Greyhound ops ni QCJ Warden Supt. Bonto, tagumpay!

AKSYON AGADni Almar Danguilan NABULABOG ang mahigit sa 3,000 inmates sa Quezon City Jail nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Jail and Management (BJMP) at Quezon City Police District (QCPD) ang piitan sa pangunguna ni QCJ Warden J/Supt. Michelle Ng Bonto. Ops, hindi po kayo nagkakamali sa nabasa ninyo ha, isang babaeng opisyal ang warden o pinuno …

Read More »

137 drug suspects, 112 wanted at 19,855 Ordinance violators, arestado sa SACLEO ng QCPD

PNP QCPD

MATAGUMPAY ang isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operatios (SACLEO) ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makaaresto ng 137 drug suspects, 112 wanted persons, at 19,855 ordinance violators sa loob ng isang linggo sa lungsod. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, isinagawa ang operasyon nitong 14-20 Pebrero 2022 na nilahukan ng 16 himpilan ng pulisya ng QCPD. Batay …

Read More »

Big time pusher natiklo ng PDEA, QCPD sa P3.5M shabu

PDEA NCRPO P3.5M shabu QC

DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang big time drug pusher makaraang makompiskahan ng P3.5 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa lungsod. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Muslimin Mantil, 28 anyos, residente sa Poblacion Talitay, Maguindanao. Dakong 10:15 pm …

Read More »

Ex-Governor ng Quezon, kinasuhan sa Comelec

AKSYON AGADni Almar Danguilan ELEKSIYON na naman at sa tuwing dumarating ang ganitong kaganapan, batid ng public officials na kumakandidato na mayroong batas na maaring maglagay sa kanila sa alanganin kapag ito ay kanyang nilabag –  ang RA 881 o Omnibus Election Code. At natitiyak din natin na alam nilang ang paglabag ng OEC ay isang kasong kriminal. Isang halimbawa …

Read More »

3 tulak huli sa P.2-M shabu

shabu drug arrest

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong hinihinalang drug pusher nang makompiskahan ng shabu na nagkakalahaga ng mahigit sa P200,000 sa magkahiwalay na buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina, ang mga nadakip na sina Raymart Herbon, 18 anyos, residente …

Read More »

2 kawatan patay sa shootout sa QC

gun QC

PATAY ang dalawang hinihinalang kawatan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw sa lungsod. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina ni Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, P/Maj. Loreto Tigno, ang isa sa suspek ay inilarawang nasa edad 30-35 anyos, may tangkad na 5’4”, nakasuot ng puting t-shirt, pulang …

Read More »

3 airforce, 1 sugatan sa nasunog na kotse

Philippine Air force QC Car accident

PATAY ang tatlong miyembro ng Philippine Air force (PAF) habang sugatan ang isa pa matapos araruhin ang anim na concrete barrier at masunog ang kanilang sinasakyang kotse kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Quezon. Sa ulat kay Quezon City Police (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina ni District Traffic Enforcement Unit chief, P/Lt. Col. Cipriano Galanida, ang mga namatay na …

Read More »

Sa buy bust ops
6 ADIK ARESTADO SA BALA’T BOGA

PNP QCPD

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na hinihinalang adik at tulak sa buy bust operation, kahapon madaling araw. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Remus Medina ang mga nadakip na sina Jomael Abdullah, alyas Muklo, 40 anyos, Carlos Tuliao, 56, Hervin Jainga, 49, at Mario Guballo, 49, pawang residente sa Certeza Compound, Brgy. Culiat, QC; Randy Balisado, 36, …

Read More »

7 miyembro ng pamilya ini-hostage, murder suspect todas sa QC encounter

dead gun

PATAY ang sinasabing murder suspect nang makipagbarilan sa mga umaarestong mga awtoridad at nang-hostage ng pitong miyembro ng pamilya sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District Director, BGen. Remus Medina, ang mga ini-hostage ay kinilalang sina Rosalinda Dalumpines, 54; Reynan Dalumpines, 25; Ma. Salvie Dalumpines, 14; Riza Dalumpines, 12; Arjay Dalumpines, 19; …

Read More »

6-anyos totoy naabo sa sunog

fire dead

PATAY ang 6-anyos batang lalaki makaraang maiwanan at makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Halos hindi na makilala ang sunog na bangkay ng biktimang si Jorense Batola Moreto, 6-anyos, nang matagpuan sa nasunog na 2-storey residential na matatagpuan sa Don Primitivo St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, na pag-aari ng isang …

Read More »

Eleazar umangat sa survey, kampanya pinalakas pa

Guillermo Eleazar

PINAIGTING ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga aktibidad para makadaupang-palad ang mas maraming Filipino at maipresenta ang kanyang plataporma matapos ang pagtaas ng kanyang ranking sa mga survey. Nitong Miyerkoles, nagsagawa si Eleazar ng motorcade sa Batangas, ang lalawigang pinagmulan ng ina niyang si Victoria “Toyang” Tolentino Eleazar, ng Sto. Tomas; at maybahay …

Read More »

Tanodra-Armamento, bagong CHR chair

Leah Tanodra-Armamento

ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si Leah Tanodra-Armamento kahapon. Pinalitan ni Tanodra-Armanento ang namayapang dating CHR chair na si Jose Luis Martin “Chito” Gascon. Siya ay namatay dahil sa komplikasyon sa CoVid-19 noong nakaraang taon. Hindi bago sa CHR si Tanodra dahil naging komisyoner din siya sa ilalim ng kasalukuyan at ikalimang Commission en banc. …

Read More »