Wednesday , January 22 2025

DILG rerepasohin, local government code, e-trikes regulation

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang planong pagsasagawa ng pagsusuri sa Local Government Code of 1991, gayondin ang regulasyon sa mga electric tricycle.

“Meron talagang mga provisions sa local government code na talagang dapat i-review at pag-usapan nang husto,” pahayag ni DILG Secretary banjamin “Benhur” Abalos, Jr., sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay.

Kabilang dito ang tungkulin ng local government units (LGUs) na pondohan at magpatayo ng mga paaralan, tertiary hospital, pagpapaunlad ng mga barangay road, at iba pa.

Sinabi ni Abalos, ng mga proyektong ito ay dapat ilipat mula sa LGUs mula sa national government dahil hindi lahat ng lokal na pamahalaan ay may kapasidad at resources para tapusin ang mga proyekto.

“At the time, it was an ideal concept talaga. But now, after 33 years, ano bang kaya, ano bang hindi?” tanong ng kalihim.

Nagpahayag ng pagkabahala si Abalos na mas maraming tungkulin at serbisyo ang posibleng nailipat mula sa national government patungo sa mga LGU sa ilalim ng devolution process.

Habang ang mga LGU ay makatatanggap ng karagdagang budget dahil sa mas mataas na Internal Revenue Allotment (IRA) sa ilalim ng devolution, ipinaalala ni Abalos na ang papasok na IRA ay maaaring mas mababa kaysa karaniwan dahil sa pandemyang COVID-19.

Dahil dito, nagbabala si Abalos sa posibleng pagkaantala sa mga serbisyo ng gobyerno sa lokal na antas dahil ang mga LGU ay gumagawa ng mas maraming proyekto ngunit may mas maliit na budget.

Kasabay nito, sinabi ni Abalos, nais din niyang suriin ang patakaran sa mga electric tricycle nang tanungin siya tungkol sa regulasyon sa pagpaparehistro at pasahe ng e-trikes.

“Siguro pag-usapan na lang namin ito kasi usually ang jeepneys ay talagang nasa (Land Transportation Office). Ang tricycle ay sa LGU, kaya itong mga e-trike ay dapat nasa LGUs,” paliwanag ng kalihim.

Dagdag ng DILG chief, pinahintulutan lamang ang paggamit ng e-trikes noong magsimula ang COVID-19 pandemic dahil sa kakulangan ng available na public utility vehicles (PUVs). (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Shyr Valdez Sheryl Cruz Moon Su-in

Shyr nahanap makapagbibigay ng peace of mind

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang artista si Shyr Valdez, isa rin siyang executive sa isang …

Skye Chua

Skye Chua ibabandera Pilipinas sa 2025 FISU Winter World University Games

RATED Rni Rommel Gonzales BUONG pagmamalaking iwinagayway ni Sparkle artist Skye Chua ang Philippine flag sa opening …

Arrest Posas Handcuff

Sa Quezon City
HOLDAPER TIMBOG SA ILEGAL NA BOGA

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 33-anyos lalaking sangkot sa pagnanakaw at nahulihan ng baril …

Bombero sugatan, residente nahilo sa Mandaluyong fire

Bombero sugatan, residente nahilo sa Mandaluyong fire

SUGATAN ang dalawa katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa lungsod ng …

Knife Blood

Inatado ng sariling anak
ULO NG AMA PINUGOT PUSO ISINABIT SA PUNO

INARESTO ng pulisya ang isang 41-anyos lalaki dahil sa alegasyong pinugutan niya ng ulo at …