NAARESTO ang isang drug suspect sa controlled delivery operation sa Tondo, Maynila nitong Biyernes na nakompiskahan ng P508,300 halaga ng party drug ecstasy. Kinilala ng Philippine National Police’s Drug Enforcement Group (PDEG) ang suspek na si Ranniel Raquin, 22 anyos, naaresto sa Dagupan St., Barangay 49, dakong 10:50 am. Agad sinunggaban ng mga mga pulis si Raquin matapos niyang tanggapin …
Read More »P.5-M ecstacy nasabat
P1.9-M droga kompiskado 4 rich kids arestado sa BGC
APAT na lalaking tinaguriang ‘rich kids’ ang inaresto ng mga awtoridad, matapos makompiskahan ng halos P1.9 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy nitong 6 Mayo sa Bonifacio Global City, Taguig City. Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Timothy Joseph Espiritu, alyas Elix, Lorenzo Vito Barredo, John Valdueza Galas, at Aureo Alota Cabus, Jr. Nakompiska sa apat na …
Read More »Vice mayor patay sa pamamaril, 2 sugatan sa Zambo Sibugay
BINAWIAN ng buhay ang bise alkalde ng bayan ng Mabuhay, lalawigan ng Zamboanga Sibugay, habang sugatan ang dalawang iba pa, sa pamamaril na naganap sa Brgy. Poblacion, sa naturang bayan, nitong Biyernes, 26 Pebrero. Sa paunang ulat mula sa Police Regional Office 9, naganap ang insidente ng pamamaril dakong 3:05 pm. Kinilala ang napaslang na biktimang si Vice Mayor Restituto …
Read More »INIHARAP ni QCPD director C/Supt. Guillermo Eleazar ang naarestong si Geronimo Iquin Jr., na nagtago sa Appari, Cagayan, itinurong suspek sa pamamaril at pananagasa sa traffic enforcer na si Ernesto Paras sa La Salle St., kanto ng Ermin Garcia Ext., Brgy. Silangan, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
Read More »IPINAKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, PNP Chief Director General Ronald Dela “Bato” Rosa at Anti-Illegal Drug Group chief S/Supt. Albert Ferro ang nakuhang 180 kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon na nahukay sa isang resort sa Cagayan Valley sa isinagawang press-conference sa Camp Crame, Quezon City kahapon. ( ALEX MENDOZA )
Read More »HINIMOK ng mga miyembro ng EcoWaste Coalition ang mga mag-aaral ng Sto. Cristo Elementary School at mga magulang na itaguyod ang masustansiyang pagkain na hindi nagtataglay ng sobrang taba, asin at asukal upang maiwasan ang labis na katabaan at problemang pangkalusugan. ( ALEX MENDOZA )
Read More »ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang UV Express driver na si Wilfredo Lorenzo, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng ipinapasada niyang van. Modus operandi ng suspek ang bumiyahe sa colorum na SUV at naghahanap ng mabibiktima sa Quezon City. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasabwat niyang suspek na si alyas Buddy. ( …
Read More »UMAABOT sa halagang P8.5 milyon ang ecstacy at amphetamine na ini-turn-over ng mga awtoridad ng Austria kay PDEA-NCR Chief Erwin Ogario, makaraan tangkang ipuslit sa bagahe patungo sa Filipinas. ( ALEX MENDOZA )
Read More »SINALAKAY ng mga operatiba ng QCPD-DAID ang isang drug den huli sa akto ang 16 katao, kabilang ang tatlong babae. Narekober ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia sa parking lot sa Aurora Blvd., Brgy. Duyan-duyan, Quezon City. ( ALEX MENDOZA )
Read More »NAGKALOOB ng computer set si Anthony Chan sa bagong talagang hepe ng QCPD Galas Police Station (PS 11) na si P/Supt. Christian dela Cruz, sinaksihan ni chairman Ramoncito Medina ng Brgy. Santol at ibang opisyal ng barangay sa maikling seremonya sa conference ng estasyon. ( ALEX MENDOZA )
Read More »BILANG paggunita sa ika-47 anibersaryo ng New People’s Army (NPA), nagmartsa ang mga tagasuporta at miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) dala ang abo ni CPP Spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City. Nakalagay ang urna sa isang transparent glass box na napapalibutan ng pulang rosas, bilang simbolo ng pagmamahal ng …
Read More »KAPWA sugatan ang magkaangkas na sina Nermal Nemuel at Sheila Bernardo makaraan bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa intersection ng Aurora Blvd. at Seattle St., Quezon City. ( ALEX MENDOZA )
Read More »NAKOMPISKA ang 104 plastic sachet ng shabu at isang kalibre .38 baril mula sa mga suspek na sina Jimmy Cumpa, alyas Gina at Daweng sa pagsalakay ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa kanilang bahay sa Adriatico St., Brgy. 704, Zone 77, Malate, Maynila. ( ALEX MENDOZA )
Read More »PINAKIKINGGAN ng pamilya Abalos at mga mamamayan ng Mandaluyong City ang “State of City Address” ni Mayor Benhur Abalos lalo na nang ilahad niya ang mga proyekto tulad ng pabahay, pangkalusugan, progreso ng mga barangay sa siyudad at mga pumasok na negosyante sa kanyang huling termino. ( ALEX MENDOZA )
Read More »NAKATAKDANG ibiyahe sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si Jason Ivler (naka-dilaw na t-shirt) matapos hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City RTC Branch 84 bunsod ng pagpatay kay Renato Victor Ebarle na kanyang nakatalo sa trapiko noong Nobyembre 18, 2009 sa Quezon City. ( ALEX MENDOZA )
Read More »MAHIGPIT na tinututulan ng mga miyembro ng Anti-Coal at Climate Justice group ang pagpapatupad ng coal power plant sa bansa na anila’y magreresulta sa pagkasira ng kalikasan at kalusugan ng mga residente at matinding kalamidad. (ALEX MENDOZA)
Read More »ITINAGO nina Angel Gonzales at Sarah Bucsit ang kanilang mukha makaraang maaresto nang bentahan ng 100 gramo ng shabu ang isang ahente ng PDEA-RO-NCR na nagpanggap na poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation sa sa parking area ng Farmer’s Plaza sa Cubao, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
Read More »NANAWAGAN ang cancer survivors, mga kontra sa paninigarilyo, at mga miyembro ng Akbayan sa agarang pagpapatupad ng RA 10643 o (Graphics Health Warning Law) sa pakete ng mga sigarilyo. (ALEX MENDOZA)
Read More »IBINABABA mula sa Amazona Hotel sa Ermita, Maynila ang bangkay ng Canadian national na si Terrance Gregory McMullin, 42, nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili gamit ang LPG kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA)
Read More »DALAWAMPU’T LIMANG kandidata na homosexual ang lumahok sa beauty…
DALAWAMPU’T LIMANG kandidata na homosexual ang lumahok sa beauty pageant sa Quezon City bilang pagpapakita ng lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng patas na kasarian o gender equality na ginanap sa Annabels restaurant kahapon. (ALEX MENDOZA)
Read More »DALAWAMPU’T LIMANG kandidata na homosexual ang lumahok sa beauty pageant sa Quezon City bilang pagpapakita ng lokal na pamahalaan sa pagkakaroon ng patas na kasarian o gender equality na ginanap sa Annabels restaurant kahapon. (ALEX MENDOZA)
Read More »SUMUGOD at kinalampag ang tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ng 1,000 kasapi ng Samahang Nagkaisa sa Lupa mula sa Brgys Batasan, Commonwealth, at Payatas sa lungsod Quezon para hilingin na ibigay na sa kanila ang titulo ng lupa sa nabanggit na lugar. (ALEX MENDOZA)
Read More »GINAWARAN ng first aid ng mga miyembro ng Philippine Red Cross rescue team ang biktimang kinilala sa pangalang Alfonso, 50, makaraan sumemplang sa sinasakyang motorsiklo na pumutok ang gulong sa south bound ng Roxas, Blvd., Pasay City. (ALEX MENDOZA)
Read More »‘NILUNOD’ sa tubig ang mural ni Pangulong Benigno Aquino III bilang pagpapakita ng mga katutubo ng kanilang pagtutol at pagpapatigil sa pagtatayo sa malaking dam sa kanilang komunidad na anila’y magiging mapanira sa kanilang kabuhayan at sa kalikasan, sa kanilang protesta kahapon sa Kongreso. (ALEX MENDOZA)
Read More »SUMIKLAB ang apoy at natupok ang tatlong sasakyan makaraan…
SUMIKLAB ang apoy at natupok ang tatlong sasakyan makaraan sumalpok ang Nissan Frontier sa dalawang SUV na nakaparada sa harap ng isang condo sa Roces Avenue, Brgy. Laging Handa, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
Read More »