Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabagsik pa rin si Pacquiao

ISANG malutong na kaliwa ang pinadapo ni Manny Pacquiao sa panga ni Tim Bradley para bumagsak ang huli sa 9th round sa kanilang bakbakan sa MGM Grand kahapon. Nanalo si Pacman via unanimous decision.

IMPRESIBO ang ipinakitang laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley nitong nakaraang LInggo.

Nanalo si Pacman via unanimous decision.

Bago pa ang nasabing laban ay inanunsiyo ng ring announcer na iyon na ang magiging huling laban ni Manny sa ring at magreretiro na ito.

Pero pagkatapos ng laban kay Bradley na talaga namang dinomina niya—ang tanong ngayon ng boxing fans ay kung dapat na ngang magretiro ni Pacaman?

Tingin natin, bahagyang bumaba ang laro ni Pacman, pero  nasa kanya pa rin ang bilis, timing, footwork, lakas, talino sa ring, tamang depensa, etc., etc. ng isang tinitingalang elite boxer.   Sa kabuuan, bumaba nga ang kalidad ni Pacquiao, pero angat pa rin iyon sa mga katulad ni Bradley na itinuturing na isa sa mga elite fighters ng welterweight.

Kung susumahin mo iyon—hindi pa laos ang ating Pambansang Kamao.  At tama ang pananaw ng boxing fans na hindi pa dapat magretiro si Pacquiao.

Well, hindi naman masama ang kumopya.   Gayahin ni Pacman ang isitlo ni Floyd Mayweather Jr. na nagdedeklara ng pagreretiro pero paglipas ng ilang buwan ay nagdedeklara ng pagbabalik sa rin.

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …