Friday , November 22 2024

Takbo saludo sa mga bayani

ANG mga kalahok mula sa iba’t ibang running club na nakibahagi sa hindi pang-kumpetisyong salit-salitang takbuhan sa ruta ng 1942 Death March Trail. ( HENRY T. VARGAS )

MULING raragasa ang pinakamahaba’t matandang, hindi pang-kumpetisyong, salit-salitang takbuhang tumatahak sa nakalululang ruta ng 1942 Death March Trail, na sumasaludo sa mga Bayani ng Bataan. nang walang butaw o registration fee sa darating na Abril 8 at 9, 2016.

Katatapos lang noon ng EDSA People Power Revolution, na nagpabagsak sa Diktaduryang Marcos,  nang simulan noong Abril 8 at 9, 1986 ang kaunaunahang edisyon ng  ARAW NG KAGITINGAN ULTRA-MARATHON (A Tribute To World War II Veterans), na unang nakilala sa tawag na 1st Death March Memorial Run, na isinagawa ng 29 na  running buffs  ng SAFER RUNNERS OF SAN FERNANDO.

Tulad ng dati, ito ay sisimulan sa  Death March Kilometer Post 0 Marker ng Mariveles, Bataan, kung saan pamumunuan ni Mayor Jesse Concepcion ang kaganapan, sa pamamagitan ni  local civil registrar Ross Romero at ng Provincial Tourism Office, kung saan sisindihan ang Simbolikong Sulo ng Katapangan ng isang Buhay na Bayani at ipapasa sa founding organizer, na si  Ed Paez para sa nakagawiang ilang hakbang na   “Walk with the Heroes” phase, na magsisiimula sa   102-kilometrrong takbo patungong  run to the Ciudad de  San Fernando.

Ipinakita ng mga “modern-day” marchers  ang Pinoy ingenuity  sa pamamagitan ng pagsasama ng isports at pagtanaw ng utang na loob sa ating mga  Bataan War Heroes  sa relay-run na ito, subalit sa pagdaan ng panahon, marami na ang nagbago…ang unang sasakyang ginawang mobile food, water & passenger vehicle, na isang   dump truck ay wala na.

Pumalit dito ang mga pribadong behikulo at sasakyan ng Estado, na umaalalay sa mga makabayang mananakbo, na umaabot ng lagpas 200 na ngayon ay lumalabas na pamoso na pagkat tatlong beses na itong nakatanggap ng pagkilala sa  Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) at noong nakaraang Marso 5, 2011,  ang  “retracing” ay napasama sa kinilala ng  Philippine Sportswriters Association (PSA).

Ang  “running tribute” ay pinamunuan ng sports journalist, na si   Paez, isang Novo Ecijano sa bayan ng   Guimba,  na tagapamahayag ng Bu. of Fisheries & Aquatic Resources (BFAR) ,  ay isang  Gawad Oscar M. Florendo awardee, napiling national tabloid Bandera’s Top 16 Super Pinoy para sa kaniyang adbokasyang patakbong ito at pangulo ng    SAFER RUNNERS,  ang pinaka-matandang running club sa bansa..

Bukod sa  running club ni Paez, makakasama rin ang  Philippiine Army’s Special Services Center, ASCOM, AFP’s  TRADOC,  Mechanized Infantry Division, Runners Plus, Sta. Rosa City RC, Rotary Club of Baywalk – Manila, Mariveles RC, Caloocan North RC at iba pa sa Tribute Run, na magpapalipas uli ng magdamag sa  Lubao Municipal Gym, sa pagalalay ng  Patriotic  Pineda Clan, na binubuo nina   Gov. Lilia Pineda, Vice Gov.  Dennis Pineda at Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab.

Kinabukasan ng   Abril 9,  tatahakin ng mga mananakbo ang bayan ng Guagua patungong balwarte ni  Bacolor Mayor Jomar Hizon,   kung saan magbi- Visita Iglesia sa San Guillermo Church, ang mga ito, na parte ng “takbuhang” aasahang aalalayan ng MILO , UNILAB Active Health, Excellent Noodles, Bacoor, Cavite’s ALICE BAKERY,  PAMPANGA’S BEST,  SportzPlus (Isports BOTAK) , F.M. Ringor Engineering/AdEvents,  WESCOR Transformer Corp.,  E-ventologists, BFAR Region 3 at iba pa.

Matapos ang simpleng palatuntunan sa Death March  Km. 102 (Sto. Nino Railway Staion, City of San Fernando), kasama sina Mayor Edwin Santiago, Rep. Oscar Rodriguez at ang tropang beterano ni VFP-Pampanga head Pedro Cabrera, sasakay ang mga  runners sa kanilang mga back-up vehicles patungong   Sto. Domingo Railway Station ng Capas, Tarlac , kung saan sisimulan ang natitirang  12-km. ng Infamous Trail, na magtatapos sa Capas National Shrine (Camp O’Donnell), kasama si  Capas Mayor Antonio Rodriguez.

( HENRY T. VARGAS )

About Henry Vargas

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *