Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bongbong, parang sina Daniel, James o Enrique kung pagkaguluhan ng mga kababaihan

PINAGKAGULUHAN ng mga kababaihang nagdiriwang ng International Women’s Day si Senator Bongbong Marcos sa sorties nito na isinagawa sa Tagum City, Davao del Norte. Kaya naman marami ang nagsabing ibang klase ang appeal ng Senador dahil hindi naman ito artista pero ang tingin sa kanya ng mga kababaihan ay heartthrob.

Kitang-kita ang katuwaan ng mga kababaihan kapag nahahawakan ang braso ni Bongbong, nakakamayan lalo na kapag nayayakap. Bata o matanda, iisa ang bukambibig sa Davao, ”Bongbong Marcos ang bise presidente namin!”

Kahit ang mga kapwa kandidato niya ay kinikilabutan sa pagtanggap ng tao kay Bongbong. Noon lang sila nakakita ng mga taong naghihintay talaga sa kalsada at nag-aabang sa kanyang pagdating. Kahit matindi ang init ng araw ay hindi umaalis ang mga naghihintay sa senador.

Makikita sa mga mukha nila ang ngiting excited. Nguso pa lang ng sasakyan ni Bongbong nagsisigawan sa pagsalubong sa kanya. Animo nga’y parang nakita nila si Daniel Padilla o kaya si James Reid o si Enrique Gil sa hiyawan.

Sabi nga ni Bongbong, ”Alam kong guwapo ako (joke), pero hindi naman siguro singguwapo nina Daniel, James, at Enrique pero talagang nagpapasalamat ako sa sobra-sobrang pagtanggap at pagsalubong na ginagawa ng mga tao.

“Maraming, maraming salamat po!” tuwang-tuwang pahayag ni Bongbong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …