Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, rumampa sa palengke

BIHIRANG makita sa publiko ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano kaya naman nagkagulo ang publiko nang bumisita sa palengke ng Caloocan at Malabon ang magaling at award-winning na aktres bilang suporta sa Presidential candidate ng Libreal party na si Mar Roxas.

Huling napanood sa telebisyon ang original na “Taray Queen” noong 2014 sa top-rating na Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA-7 na nagbida si Marya kasama sinaLovi Poe at Dingdong Dantes. Kamakailan din  ay nagbalik si Marya sa pelikula sa adaptation na Lumayo Ka Nga Sa Akin ng nobelistang si Bob Ong, na nakasama niyang muli ang kanyang Kaluskos Musmos co-star na si Herbert Bautista.

022616 Maricel Soriano mar leniMarami ang naka-miss kay Maricel, lalong-lalo na ang kanyang mga loyal at die-hard na Mariceleans na talaga namang sinubaybayan at sinuportahan ang kanyang karera sa loob ng halos 45 taon.

“Nakatataba ng puso ang walang sawang pagtangkilik sa akin ng mga Maricelean,” sabi ng mahusay na aktres. “At nakakaloka sila dahil pabata sila ng pabata. Ang tawag ko sa kanila ay may mga ‘diperensiya’ dahil talagang todo ang suporta nila sa lahat ng mga project ko.”

Nang tanungin siya kung kailan ulit gagawa ng pelikula o bagong TV show, sinabi ni Maricel na marami siyang pinagpipiliang proyekto. ”Ang tagal ko na sa industriya. Rito na ako lumaki at halos lahat yata ng papel ay nagampanan ko na. Kaya naman medyo mapili na rin ako sa material ngayon dahil ‘di ba, dapat bago at kakaiba naman ang ipakita ko. May mga niluluto kaming projects pero hindi pa ako puwedeng magbigay ng detalye ngayon.”

Naikuwento rin ni Marya na kakaibang experience para sa kanya ang maglibot sa iba’t ibang mga lugar lalo na sa mga palengke na talaga namang inalagaan ni Roxas bilang Mr. Palengke. ”Enjoy na enjoy ako dahil bukod sa naniniwala ako kay Mar, eh mayroon din akong rare chance na makasalamuha ang mga tao. Bongga ang chikahan ko sa kanila at super fight ako sa mga selfie kasama sila. Hindi naman sa lahat ng oras ay nakakasama ko ang fans ko at may nakikilala akong mga bagong tao. Nakakapagod ng kaunti ang pagrampa ko pero masaya ha,” nakangiting pagtatapos ng Diamond Star.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …