Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Game Seven

011916 PBA SMB Alaska santos abueva
WINNER take all ang tema ng huling pagtatagpo ng San  Miguel Beer at Alaska Milk sa Finals ng PBA Philippine Cup mamayang 7 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inaasahang ibubuhos ng magkabilang kampo ang kanilang lakas dahil sa ang magwawagi sa Game Seven ay itatanghal na kampeon ng pinakaprestihiyoso sa tatlong conferences ng PBA sa isang season.

Napuwersa ng Beermen ang Aces sa sitwasyong ito matapos na magwagi sa huling tatlong laro. Ang Alaska Milk, na nanalo sa unang tatlong laro ay nabigong makumpleto ang isang sweep at hinayaang makabalk pa ang Beermen.

Bagama’t sinasabing nalipat na sa kampo ng Beermen ang momentum, hindi naniniwala sina SMB coach Leo Austria at Alaska coach Alex Compton na totoo ito.

“Hindi puwedeng i-underestimate ang Aces kahit na nanalo kami sa huling tatlong games. Iba ang Game Seven,”  ani Austria.

Ayon naman kay Compton ay kinalimutan na ng Aces ang mga kabiguan nila at ibubuhos na nila ang kanilang makakaya.

Sa kasaysayan ng liga, wala pang koponan ang nakabalik sa 3-0 kalamangan ng kalaban upang itabla ang serye. Ito ay nagawa na ng Beermen.

Ngayon ay hangad ng Beermen na makumpleto ang comeback at maiuwi na rin ang korona upang makapagtala ng panibagong kasaysayan.

Nakapaglaro na si June Mar Fajardo mula sa Game Five. Ito ay matapos na magtamo siya ng knee injury at hindi nakapiling ng Beermen sa unang apat na laro.

Pero hindi naman mahaba ang naging playing time ni Fajardo dahil sa tinatantiya pa ni coach Leo Austria ang kanyang kundisyon. Nagbida para sa Beermen sa Game Four si Chris Ross, sa Game Five si Arwind Santos at Game Six si Marcio Lassiter.

Inaasahang dahil sa limang araw na pahinga buhat noong Game Six ay mas makakagalaw nang maayos si Fajardo mamaya upang maging factor sa laro.

Si Compton ay sasandig sa mga tulad  nina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio, Dondon Hontiveros at Vic Manuel na siyang inaasahang magiging Most Valuable Player of the Finals sakaling magkampeon ang Alaska Milk.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …