Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zaijian, muling nagbigay-inspirasyon

020116 zaijian
INSPIRE pa more! Muling  napanood sa MMK (Maalaala Mo Kaya) noong Sabado (January 30) ang kuwento ng pagsisikap ng isang batang kalye na nakapagtapos ng pag-aaral na ginampanan ng award-winning child actor na si Zaijian Jaranilla.

Matapos nilang maglayas ng kanyang kapatid, namulat si Rustie (Zaijian) sa iba’t ibang klase ng bisyo at kasamaan nang napasama siya sa mga batang kalye na nagnanakaw at gumagamit ng droga. Ngunit unti-unting nagbago ang buhay ni Rustie nang nakilala niya ang isang street artist na nagbigay sa kanya ng inspirasyon at pag-asa na tuparin ang kanyang pangarap na makapag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad.

Ang episode ng MMK ay pinagbidahan din nina Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Kean Cipriano, JM Ibañez, Jeric Raval, Lance Lucido, Kokoy Desantos, Kyle Banzon, Tanya Gomez, Encar Benedicto, Junjun Quintana, Gerald Pesigan, John Vincent Servilla, Carlo Lacana, Winryll Banaag, at Tony Manalo. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Fernando at panulat ni Ruel Montañez. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

#MMKDreamandBelieve. Para sa higit pang inspirasyon lalo na sa kabataan.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …