Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahilan ng pakikipaghiwalay ni Ciara, ‘di na dapat ungkatin

012116 ciara sotto
BAGAMAT hindi naman itinatanggi ni Ciara Sotto na nagkaroon nga siya ng problema sa kanyang pamilya at nahiwalay sa kanyang asawa, choice naman niyang umuwi na lang sa tahanan ng kanyang mga magulang, kasama ang kanyang anak. Hindi na nagsalita si Ciara tungkol sa mga bagay na iyon. Hindi rin naman nagsalita ang kanilang mga magulang, o sino man sa kanilang pamilya tungkol sa mga pangyayaring iyon.

Hindi rin naman kumibo ang kanyang asawa sa kanilang naging problema.

Ang hindi maganda sa nangyayari, may napagbibintangang mga third party. Unang napagbintangan si Julia Clarete, kasi nga nang pumutok ang balitang iyon, biglang-bigla rin naman ang pagkawala ng singer sa Eat Bulaga. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan, basta ang sinasabi lang ay nasa Kuala Lumpur, Malaysia na siya at doon na titira.

Mabuti nagkaroon ng pagkakataon si Julia na linawin ang lahat. Ang kasama pala ni Julia ay ang kanyang boyfriend ng limang taon na. Matagal na pala nilang pinag-uusapan iyon at na-realize nila na malabo ang kanilang magiging relasyon kung mananatiling nagtatrabaho si Julia, lalo na nga’t dito sa Pilipinas ay isa siyang celebrity.

Dahil doon, nagkasundo na nga silang magsama at sa abroad manirahan. Dahil doon nga ay hindi isang celebrity si Julia, mas magiging pribado ang kanilang buhay.

Isipin mong dahil doon napagbintangan pa siyang dahilan ng pagkakahiwalay ni Ciara.

May iba pa silang pinagbibintangang dahilan, na natural papalag dahil wala naman silang kasalanan. Pero hindi ba dapat huwag na lang pakialaman ang mga nangyaring iyon at hayaan na lang na sila ang lumutas ng sarili nilang problema?

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …