Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Popularidad nina Alden at Maine, mabilis na bumaba

120416 maine alden aldub
WALA na kaming narinig kung ilang milyong tweets ang lumabas matapos na halikan ni Alden Richards si Maine Mendoza noong isang araw. Kung kagaya ng dati, mayroon pa silang minute to minute update kung ilang tweets na sa show pa lang mismo. Iyong paghalik na iyon ni Alden kay Maine, siguro kung noon iyon, ilang milyong viewers agad ang katapat niyon. Noon nga lang una silang magkita sa isang concert show nila hindi ba umabot sa mahigit na 6 milyon ang audience at umabot sa halos 30 milyon ang tweets?

Nakatatakot isipin pero parang mabilis ang decline ng popularidad ng love team nila. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi na nagawa ang sinasabing Valentine movie sana nila. Kung gumawa sila ng Valentine movie, siguro baka umurong iyong Love is Blind o iyongGirlfriend for Hire. Pero hindi na eh. Hindi na nga sila nakagawa ng Valentine movie.

Palagay namin wala ang mali kina Alden at Maine. Ang mali ay iyong handling. Masyado sigurong naging confident ang mga handler. Hindi sila nagpigil eh, hinayaan lang nila ang kabi-kabilang publisidad. Iyan ay isang kaso ng over exposure, too soon. Iyan ang hindi alam ng mga baguhan, kung paano mag-control. Iba iyong gumagawa ng publisidad lang. Iba iyong alam ang kanyang market.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …