Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 paslit patay na natagpuan sa kotse (Sa Antipolo)

PINANINIWALAANG internal hemorrhage dahil sa bukol sa ulo ang ikinamatay ng dalawang paslit na kapwa 4-anyos na natagpuang patay sa loob ng isang Mitsubishi Lancer sa Antipolo City kamakalawa.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang mga biktimang sina Renz Rajo y Alcoriza, at Aljo “Hanny” Malaco, kapwa nakatira sa Sitio Sta. Cruz, Brgy. Sta Cruz ng lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 8 a.m. kamakalawa nang mawala ang dalawang bata at dakong 3 p.m. nang matagpuan ng mga magulang at ilang kapitbahay na nasa loob na ng nakaparadang Mitsubishi Lancer (UJC-118) sa lugar.

Si Rajo ay nakaupo sa driver seat na wala nang buhay, habang si Aljo Hanny ay agaw-buhay na isinugod ng ama sa Clinica Antipolo ngunit binawian din ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang na-trap at na-suffocate ang magkaibigang paslit ngunit kuwento ni Janet Malaco, ina ng isa sa biktima, may malaking bukol sa ulo ang kanyang anak.

Ayon aniya sa doktor, posibleng namatay ang bata sa internal bleeding.

Nakita rin na ang kamay, paa at katawan ng mga bata ay nangingitim kaya’t pinaniniwalaang may naganap na foul play sa insidente.

Hinihintay pa ng pamilya ang resulta ng autopsy examination ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …