Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Loma Police Station 1 at Brgy. San Jose galaw-galaw naman pag may time

yanigLaganap ang holdapan ngayon dyan sa area of Responsibility (AOR) ng QCPD Laloma police station 1 na halos magka-trauma na ang mga residente partikular sa mga nakatira sa A. Bonifacio St., Dome St.,Cabatuan St.,at C-3 sa Lungsod Quezon.

Walang takot na umano ang panghoholdap ng masasamang loob at mga riding in tandem.Paborito daw itong lugar ng mga kriminal dahil libreng-libre nilang makukuha ang kanilang gusto sa kanilang mga biktima.

Ang siste ay wala daw makita man lang na pulis na umiikot o rumoronda sa mga lugar na nabanggit.

Sino ba ang hepe dyan sa Laloma station 1?

Galaw-galaw naman sir at paminsan minsan lumabas ka naman sa malamig mong kwarto mo para alam mo nangyayari sa paligid mo baka ma-stroke ka.

Ikaw naman Chairman ng Brgy San Jose kumilos ka rin at gamitin mo ang mga tanod mo para magronda o baka naman mga baranggay tagay lang nalalaman ng mga ‘yan!?

Kilos mga pare ko!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …