MUNTIK maiyak si Kapuso TV host Arnold Clavio nang mag-guest si Nora Aunor sa kanyang TV show. Lahat kasi ng masasayang alaala sa buhay ni Nora ay muling binuhay ni Arnold maging ang pagsasayaw ng Pearly Shells-Tiny Bubbles na malantik ang beywang.
May kuwento si Guy na hanga siya kay Manoy Eddie Garcia. Saludo siya rito na kapareho niyang Bicolano. May kuwento siyang hindi makatingin ng eye to eye kay Manoy dahil nahihiya siya.
Nabangit pa ng Superstar na masarap siyang magluto ng Bikol Express at nag-promise na ipagluluto si Arnold.
Halatang happy si Guy ngayon dahil masaya ang mukha. Bago magpaalam si Nora sa show ay pinatugtog ni Arnold ang team song ng programa niya na inabot ng 20 years. Matagal daw na hindi ito naririnig ni Guy kaya kinilabutan noong marinig ito at muntik pang maiyak. GMA lang kasi ang bukod tanging nagmamay-ari ng theme song na ‘yon ng kanyang dating show.
( VIR GONZALES )