Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub, binubuwag na?, Alden, ‘di muna pinagre-report sa EB

121615 aldub maine alden
NAGWAWALA at nagtatanong ang AlDub Nation kung bakit wala pa rin sa Eat Bulaga ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Nasa Pilipinas na si Alden pagkatapos ng show nito sa Dubai at Qatar pero bakit hindi siya napanood kahapon (Lunes) sa nasabing noontime show?

How true na sinabihan umano si Alden na ‘wag munang mag-report sa Eat Bulaga at tatawagan na lang kung kailan?

Anyare?

Maraming katanugan tuloy ang naglalabasan.

Binubuwag na ba ang AlDub? Inaapi na ba talaga si Alden? Pinapapasok na ba talaga sa eksena ‘yung nagngangalang Jake at unti-unting ini-etsapuwera si Alden? Binibigyan ba nila ng moment si Jake?

Nakaapekto ba ang show sa Dubai at Qatar ni Alden na umalis siya ng January 5 at dumating na sa ‘Pinas ng Sabado?

Maayos namang nagpaalam ang kampo niya at nagtrabaho lang naman ang Pambansang Bae. Nag-email pa ang GMA Artist sa pamunuan ng Eat Bulaga na aalis siya ng January 5 at pinayagan naman. Pero pinilit pa rin na makapasok siya ng Eat Bulaga ng January 5 at pinapunta pa sa barangay ng kalyeserye kahit nagmamadali na para sa 5:45 p.m. flight.

Kailangan ngang umupa ng mga hagad para makarating lang at umabot sa flight si Alden.

Naapektuhan din ang etinerary sa Dubai ni Alden na supposed to be ay may 9:00 a.m. (tatlong oras ang agwat ng oras ng Pilipinas sa Dubai) Meet and Greet siya roon dahil biglang may phone patch siya sa kalyeserye samantalang wala naman ‘yan sa original na schedule. Lunch na sa Dubai nag-start ang Meet and Greet dahil hinintay pang matapos ang pakikipag-usap niya sa phone sa kalyeserye.

Bakit kaya hindi pinag-report si Alden?

Sinubukan naming kunin ang side ng kampo ni Alden pero ang sagot lang ay nasa shoot sa Alabang para sa isang commercial. Ayaw nilang magsalita kung ano ang real score sa pagkawala niya?

Bukas ang aming espasyo para sa paliwanag ng TAPE Productions sa pagkawala ni Alden kahapon.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …