MAAARING dapat hangaan ang lalaking handang isulat na siya ay ‘may dick.’
Isang law student sa Australia ang iginuguhit ang penis bilang kanyang pirma, ayon sa Sydney Morning Herald.
Si Jared Hyams ng Victoria ay nakipaglaban sa mga awtoridad sa nakaraang limang taon para sa karapatan niyang gumamit ng “crudely drawn phallic doodle” bilang kanyang ‘John Hancock,’ nabatid pa sa ulat.
Bagama’t may mga ulat kaugnay sa penis ng lalaki na naka-aaliw, nakatutuwa, at naging political statement, ang paggamit ng ari ng lalaki bilang tanda ng pagkakakilanlan ay bago pa lamang.
“[I’m] definitely surprised by the attention,” pahayag niya sa Huffington Post. “I guess January is a slow news month.”
Ang sketchy undertaking ni Hyams ay nagsimula nang gumuhit siya ng penis bilang pirma sa pagpapalit ng kanyang voting address. Tinanggihan ito ng Australian Electoral Commission at tinagurian ang kanyang apela bilang walang saysay.
Inireklamo rin ni Hyams ang ahensiya na nag-iisyu ng driver’s licenses, sa korte para sa karapatan niyang gamitin ang kanyang genitalia autograph at napagbantaan siya ng contempt, ayon sa Morning Herald.
Ngunit nagtagumpay si Hyams. Ang kanyang license at proof of age documentation ay naaprubahan, ulat ng Sun.
Ang legal fight ni Hyams ay nagkaroon ng positibong epekto sa kanyang career ambitions. Siya ay naka-enroll sa law school.
“It sparked something in me,” aniya, ayon sa ulat. “I didn’t understand if these people were offended or had taken it personally.” (THE HUFFINGTON POST)