Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakabibilib si US Pres. Barack Obama

CRIME BUSTER LOGONAKABIBILIB si US president Barack Obama.

Sa kagustuhan niyang ma-control ang bentahan ng mga baril sa Amerika, naging emosyonal siya. Napaluha.

Ang emotional moment ng pangulo ng United States of America ay naganap nang siya ay magsalita sa Whitehouse.

Nais ipaglaban ni Obama ang guns control law sa lahat ng panig ng Amerika.

Ang dahilan, karamihan sa mga nasasangkot sa krimen, pamamaril o pagpatay sa Amerika ay mga iresponsableng gun holder na walang disiplina at kasanayan sa paghawak ng baril. May mga topak sa ulo. Ang ilan sa nasangkot sa krimen na gumamit ng baril ay minor o ‘di kaya ay naka-droga at may problema sa pamilya.

Nang 2015, naitala sa US ang ilang sunod-sunod na insidente ng pamamaril at walang habas na pagpatay. Ang ilan sa insidenteng nangyari ay naganap sa loob ng paaralan. Pati pulis sa US ay binabaril.

SA tate, open ang bentahan ng iba’t ibang uri ng baril sa mga authorized guns store. Nakabibili ng short firearms o long firearms basta may pambayad na dolyares. Quality pa.

Ayaw na ni Obama ang mga bayolenteng pangyayari sa US. Kaya siya na ang humihiling sa kongreso ng US na tulungan siyang isulong ang guns rules law.

Ang pagtulo ng luha ni Obama ay isang palatandaan na nais niyang iligtas sa kapahamakan ang mga inosenteng mamamayan sa Amerika. Iyan ay habang siya pa ang  pangulo sa US.

Pasalamat tayo at dito sa Filipinas ay nakokontrol pa ang bentahan ng mga baril. Maliban lang sa mga corrupt at magnanakaw sa gobyerno.

Pista ng Quiapo

THIS week ay kapistahan na naman ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Inaasahang maraming deboto ang sasama sa prusisyon ng Black Nazarene.

Sigurado, maghahanapbuhay na naman sa Quiapo ang mga hudas na salisi gang at mandurukot.

 

Padaplis muna!!! Pa-STL bookies ni Peping sa Calaca, Nasugbu

ANG pa-STL bookies naman sa bayan ng Calaca at sa bayan ng Nasugbu sa Batangas ay kontrolado raw ni Mang Peping  na ang daily remittances ay umaabot sa 250 thousand hanggang 300-K. Naku! May fake na jueteng pala sa Calaca at Nasugbu. Dapat nang kumilos rito ang PCSO.

* * *

Sa next column ay muli nating tatalakayin ang gambling operations na pa-loteng, pa-bookies ng kabayo at pa-jueteng sa Pasay.

Malapit na rin magkapalitan ng hepe???

Abangan!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …