BAGONG taon na, pero hindi namin maiwasan ang blind items.
Kuwento ng isa naming source, awang-awa daw siya sa isang female model, na very proud sa kanyang naging asawang actor-model din. Katunayan lahat daw ng galaw nila, lahat ng activity nilang mag-asawa may mga picture at inilalabas ng babae sa kanyang social media account.
Ang tanong ng aming source, maging ganoon pa rin daw kaya ang pagmamalaki ng female model kung malalaman niya ang pinagdaanan ng kanyang asawa? Common knowledge kasi sa showbusiness ang hindi magandang pinagdaanan ng actor-model na iyan. Marami siyang dinaanang mga bading at nakikita siyang kasama ng kung sino-sinong bading sa mga cheap na hotels noong araw pa. Obvious kung ano ang kanyang sideline at hindi naman sikreto iyon.
Kawawa lang daw ang female model na panay pa ang pagmamalaki sa kanyang asawa na hindi naman talaga maaaring ipagmalaki.
( Ed de Leon )