Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cinema One, patas sa pagtalakay ng mga MMFF entry; GMA, biased

122915 MMFF Cinema1 gma films
ANG Cinema One channel ay kapatid ng ABS-CBN. Kamakailan sa showbiz news program nito, featured ang lahat ng mga kalahok sa Metro Manila Film Festival this year.

Bilang extension ng Kapamilya Network, naiintindihan namin kung bakit ganoon katagal ang exposure ng dalawang entries ng Star Cinema: ang Beauty & the Bestie at All You Need is Pag-ibig.

Pero in fairness sa Cinema One, hinati nito sa dalawang segments ang pagtalakay sa iba pang entries considering na mga kalaban ito. Hindi self-serving the nasabing channel.

In fairness, there’s fairness in the news reporting.

In contrast ito noong nagpoprodyus pa ang GMA Films ng mga pelikula. Noon kasing may entry ang naturang kompanya—na ewan kung nag-e-exist pa—biased ang coverage nito sa taunang festival: from the parade na tinatakpan ang pamagat sa float ng mga kalabang entries all the way to reporting the box office figures.

Samantala, sheer luck o suwerte lang talaga ang Vic Sotto-Ai Ai de las Alas movie dahil nakaangkla sila sa AlDub phenomenon. Take the currently popular tandem out of the movie—given the gasgas nang komedi at kakornihan ng nasabing pelikula—poor second ang sasapitin nito sa entry nina Vice Ganda at Coco Martin.

Sa aminin din naman kasi on hindi ni Sotto, sa mga unang araw lang pumapalo ang kanyang taunang filmfest entry, pero pagdating sa huling araw ng commercial run nito ay ang pelikula ni Vice Ganda ang official topgrosser.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …