Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di ako madadala sa himas ng plastic na trophy — Direk Matti

122915 Erik Matti
SI Direk Erik Matti ang itinanghal na Best Director sa katatapos na Metro Manila Film Festival awards night noong Linggo para sa pelikulang Honor Thy Father.

Hindi dumalo si Matti sa awards night bagkus binasa ng isang representative niya ang kanyang mensahe.

“Kahit kailan po hindi ako gumagawa ng pelikula para magka-award. Kung may mga reklamo man ako sa MMFF, hindi ‘yun tungkol sa pag-disqualify niyo sa ‘Honor Thy Father’ for the Best Picture category.

“Naglabas na ng statement ang producer namin na si Dondon Monteverde. Sang-ayon ako sa mga sinabi niya roon. Mas malalim kesa riyan ang disappointment ko sa MMFF. Mula sa pagpili niyo sa mga sineng isasali hanggang sa pagkunsinti niyo sa masahol na trato ng ibang sinehan sa ibang pelikula, lalo na ng maliliit na producers, para sa isang die-hard movie fan na gaya ko, hindi ko na halos makilala ang film festival na rati kong hinangaan at nirespeto.

“Maraming salamat po sa libreng publicity, at higit sa lahat, sa pagbukas ng pinto para pag-usapan na sa wakas ng filmmakers pati ng moviegoers ang mga hinahangad nilang pagbabago para sa MMFF. Sa lahat naman ng Filipinong hindi pa rin nagsasawang manood ng mga gawa namin dito, salamat po sa inyo. You deserve better. Kaya tulungan niyo naman kami.Demand for better films! Demand for more choices in the cinemas! Kaya pa natin baguhin ‘to. Hindi ako titigil kung hindi rin kayo titigil.

“Hindi na ito tungkol sa ‘Honor Thy Father.’ Buong industriya ng paggawa at panonood ng pelikulang Filipino ang usapan na ‘to. Kaya, salamat na rin sa inyo, MMFF. Binuhay niyo ang pag-asa ko para sa pagbabago.

“Inaalay namin ni Michiko (Yamamoto) ang award na ito para sa pelikulang Pilipino.”

Samantala, nagpahayag pa ng saloobin si Direk Matti sa kanyang Twitter account. “Di ako madadala sa himas ng plastic na trophy. Balik na tayo sa totoong issue. #MMFF2015AwardsNight #MMFF2015Scandal— Erik Matti (@ErikMatti) December 27, 2015.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …