PAALIS si Maine Mendoza. Pupuntang Japan ngayong Pasko si Maine kasama ang pamilya. Roon niya ise-celebrate ang tagumpay sa showbiz.
Sabi tuloy ng ilang fans, iiwanan pala sila ng kanilang idol. Mabuti pa si Alden Richards, dito lang magpa-Pasko kasama ang pamilya.
Sa Talavera, Nueva Ecija naman magpa-Pasko si Barbara Milano. More or less 200 pala ang mga inaanak niya buhat noong mag-artista at magkonsehala. Hindi naman tumatanggi ang aktres kapag kinukuhang ninang. Maganda nga ito, dahil napipiling second parents ng mga bata.
Malungkot naman ang Christmas ng singing Diva Jaya, dahil first time wala sa piling niya ang kanyang Mommy Beth Ramsey. Mama’s girl pa naman si Jaya kahit may pamilya na.
Bonggang saya naman ng Pasko kina Marian at Dindong Dantes dahil first time may makakasama sa pagdating ng Noche Buena, si Baby Letizia.
SHOWBIG – Vir Gonzales