Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, mapagpatol sa basher; Imee Marcos, deadma lang!

120215 kris aquino imee marcos
SIGURO nga sinasabi ng iba na tama ang ginagawa ni Kris Aquino na sinasagot niya ang lahat ng mga kritisismo laban sa kanya sa social media. Siguro nga may mga taong sanay sa showbiz na ang gusto o masasabing natural na sa kanila iyong ganoong may nagbabakbakan. Pero kung mangingibabaw nga ang protocol, o masasabing proper decorum, ang dapat sana hindi na pinansin ni Kris iyong mga nagsasabi sa social media na “cheap” siya.

Una, tingnan naman ninyo. Ilan ba ang nakababasa ng sinasabi ng mga iyon sa social media? Dahil sa ginawa pang pagsagot ni Kris, mas marami pa ang nakaalam na may nagsabing “cheap” siya, kasi mas marami siyang followers eh, at kung ano man ang sabihin niya ay lumalabas sa newsfeed ng lahat ng mga iyon. Hindi maikakaila na dahil siya ay TV personality din, siya ay isang public property, at ano man ang kanyang sabihin kahit na sa social media account lamang niya, tiyak na mapi-pick up ng legitimate media. Kung ma-pick up iyan, mas marami pa ang makaaalam niyan.

Hindi ba mas mabuting iyong mga ganyan ay hindi na lang mapag-usapan kaysa masabing nakikipagtungayawan ka sa isang taong hindi naman kilala ng publiko, samantalang ikaw bukod sa pagiging artista ay isang “presidential sister”? Hindi mo tuloy maiaalis na gumawa ng comparison. Noong araw, mas marami ang mga bashing na nangyari kay Imee Marcos, kahit na sabihin mong wala pang social media noon. Noong mawala sila sa poder, aba mas matindi pa ang mga paninira. Pero pinansin ba niya isa man sa mga iyon? Nakipagtungayawan ba siya? Hindi naman ganoon ang nakagisnan niyang level niya eh bakit nga naman niya papatulan iyon?

Minsan hindi kailangang magpadala sa emosyon. Minsan naman kailangang isipin ang tamang attitude kahit na sabihin mong napipikon ka na. Isipin ang proper decorum. Kailangang isipin niya ang tamang protocol, kasi presidential sister siya eh. Iyang pakikipagtungayawan sa social media ay hindi daang matuwid.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …