Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 7 kritikal, 13 sugatan sa truck vs bus sa Cavite

113015 DLTB bus accident silang cavite

DALAWA katao ang patay habang 20 ang sugatan makaraang salpukin ng isang trailer truck ang pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway malapit sa Brgy. Lalaan, Silang, Cavite nitong Sabado ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang truck na galing sa Tagaytay, ay biglang tinahak ang opposite lane na nagresulta sa pagsalpok sa bus na patungong Tagaytay.

Agad binawian ng buhay ang driver at isang pasahero ng bus sa insidente.

Habang sugatan ang 20 iba pa kabilang ang pitong kritikal ang kondisyon.

Agad isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang pagamutan.

3 sugatan

MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE, 1 PATAY

BAGUIO CITY – Patay ang isang 19-anyos binatilyo makaraang sumalpok ang sinasakyan na motorsiklo sa poste ng koryente sa sitio Cotcot, Bangao, Buguias, Benguet habang sugatan ang tatlo niyang backriders.

Kinilala ni Supt. Cherry Fajardo, public information officer ng Police Regional Office Cordillera, ang namatay na si Jomel Morel Palada, habang ang mga sugatan ay sina Charlie Agustin Paran, 23; Judy Ann Maggay Libagen, 18; at Rosalie Gasmena Fudayan, 18, pawang mga residente sa naturang lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, makaraang mag-inoman ang mga biktima ay sumakay sila sa isang motorsiklo para umuwi.

Gayonman, habang nasa kalsada ay biglang nawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng motorsiklo dahilan para bumangga ito sa poste ng koryente sa gilid ng kalsada.

Dahil sa lakas ng kanilang pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima at bumagsak sa semento.

Agad isinugod sa Lutheran District Hospital ang mga biktima ngunit ideklarang dead on arrival si Palada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …