Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yandre loveteam, dapat nang i-launch!

111815 yassi pressman andre paras

PANAY ang kantiyaw ni Alonzo Muhlach kina Andre

Paras at Yassi Pressman nang tawagin ang dalawa sa press conference ng pelikula nilang Wang Fam. “Love team pa more,” paulit-ulit na isinisigaw ni Alonzo.

Habang kinukunan naman ng picture ang dalawa at magka-akbay, sinasabi naman ni Alonzo na “hindi puwede iyan, may nakakakitang bata.”

Pero ano mang kantiyaw ang gawin ni Alonzo, iyong love team naman ng dalawa ay nananatili lamang sa pelikula nila. Ilang pelikula na rin na sila ang laging magkatambal, dahil pareho nga silang Viva artists, pero hindi maikakaila na mukhang mas malakas ang dating ng love team nina Andrei at Barbie Forteza dahil araw-araw silang nakikita sa kanilang serye sa telebisyon, at hindi naman natin maikakaila na malakas ang following ng nasabing serye.

Natapos na ngang lahat ang mga nakalaban nilang serye, iyong kanilang serye ay patuloy pa rin. Talagang ganyan ang mga seryeng mataas ang ratings, hindi iyan tinatapos agad. Kasi habang hindi bumibitaw ang audience, tuloy din naman ang mga sponsor ng show. Bakit mo nga naman tatapusin iyon?

Para masukat siguro nang husto ang lakas ng love team nina Andrei at Yassi, kailangang gumawa sila ng pelikula na sila talaga ang bida. Hindi natin maikakaila na sila ay naging support lang sa love team ni James Reid sa mga nauna nilang pelikula. Ngayon naman sa Wang Fam, kahit na sabihing sila lang ang love team, ang talagang bida riyan ay sina Benjie Paras at Pokwang.

Kailangan ngang isipin na nila kung igagawa nila ng talagang launching film sina Andrei at Yassi, para magkaalaman na.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …