Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang apo ni Mother Lily ikakasal na sa Sabado sa Boracay!

111315 apo ni mother lily
EMOSYONAL ngayon ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment dahil ang anak ng huli na si Keith Teo ay ikakasal na sa long-time girlfriend niya ng apat na taon, si Winni Wang sa isang bonggang seremonya sa beach ng  isla ng Boracay ngayong Sabado, Nobyembre 14.

Isa si Keith sa pitong apo ni Mother Lily na 32 taong gulang. Fully accomplished na ang groom na gumradweyt ng Cum Laude sa kursong Law sa Boston University. Mayroon din siyang Masters of Law mula sa UC Hastings.

Isa namang doctor-pharmacist si Winni. Magkasama silang lumaki sa Amerika at nagkakilala sa isang kapwa nila kaibigan.

Kapwa beach lover sina Keith at Winni kaya naman napili nilang magpakasal sa Boracay.

Siyempre pa, mga kilalang personalidad sa showbiz, politika, at negosyo ang ilan sa principal sponsors tulad nina Antonio Tuviera at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Peter Coyiuto, lawyer Alfred Alex Cruz III atSen. Loren Legarda, Jose Javier Reyes, at Cristina Tan Ng, Jose “Chito” Rono, Je., Comm. Leonida Bayani Ortiz, Kenneth Yang, at Cory Vidanes.

“The excitement is the same as when I was getting married. It’s also the same as when my four children got married. Inaasikaso ko ang lahat ng bagay. I’m also eager to be a great-grandmother. Pero iba ang apo,” sabi ng Regal matriarch na nagpahayag na siya rin ang nag-alaga kay Keith noong maliit pa siyang bata.

Sa panig naman ni Roselle, aniya, ”He’s thoughtful and very caring. When he was a kid, every time he saw my mom smoking, he would take away the cigarette and put it off.

“My mom was operated on (for lung cancer a few years ago), Keith came home from the States and took a break from his work to check on his grandma.”

Babalik sina Keith at Winni sa San Francisco, California matapos ang kanilang honeymoon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …