Saturday , November 23 2024

Konsehal sa District 2 ng Pasay, gising!

CRIME BUSTER LOGOSA KASALUKUYANG buwan, ilang insidente ng pamamaril at pagpatay na kinasasangkutan ng riding in tandem killer-gunman ang nagsagawa ng assassination sa lungsod ng Pasay.

Karamihan sa mga itinumba ng killer-gunman ay binaril nang malapitan. Ilang barangay kagawad na rin ang kanilang naging biktima.

Sila ay sina Rolando “Boy Pecho” Enriquez, Carlito Clariza, Raul Jimenez at ang bayaw nitong si Otap.

Si Enriquez ay binaril noong gabi ng Nobyembre 7, sa Capitol Restaurant sa Malibay, Pasay City. Tama ng bala sa leeg at likod. Si Enriquez ay residente ng Maricaban.

Sa assassination, tinamaan din ng bala ang barangay tanod na si  Benigno Lagume at Emilio Elmedo.

Naku po!!! Hindi na isolated case ng pamamaril at pagpatay ang nangyayari sa AOR ni OIC Senior Supt. Joel Doria.

Teka, si Honorable Konsehal Bong Tolentino ay taga- Protacio. Si Konsehal Ian Vendivel ay taga Tengco-Tramo sa lugar ni Roderick. Ang daughter and father na Padua ay taga-Tramo. Nag-iisa lang pala ang representative ng district 2 ng Pasay na si Konsehal Allan Panaligan na nakatira sa lugar ng Malibay.

Makalipas ang ilang araw na dikit-dikit na pagpatay, binaril naman sa D. Jorge at sa bahagi ng M. dela Cruz streets ang anak ni Mang Totoy Valerio. Nakasakay din sa motorsiklo ang gumawa ng krimen.

Anyway, maging ang pulis ay itinutumba sa Pasay ng sindikato.

Stall owners cooperate in Munti LGU scale watch

WHEN weighing scale inspections usually create tension for the stall owners and authorities, Muntinlupa City set-up tells otherwise.

A positive turn-out took place in Muntinlupa City Public Market as the Business Permits and Licensing Office conducted “Operation Timbangan” to inspect stall owners’ weighing scales last November 6.

According to the BPLO report, vendors in MCPM peacefully cooperated in the inspection which resulted to 412 weighing scales being calibrated, sealed, and tagged. There were no violators apprehended in the operation.

Muntinlupa City Public Information Office chief Tez Navarro said the local government carried out the scale watch to protect consumers from unfair trade practices by ensuring correctness in the weight of their purchased goods, especially in the coming Christmas season.

Navarro attributed the non-violent inspection from the good management of the City Government in the Public Market and good relations between stall owners and the administration.

In May 2015, the City Government of Muntinlupa, through Department of Trade and Industry (DTI), installed standard scales across public markets in the city to provide consumers fair and just measuring devices. The standard scales in markets are set to uphold just measurements helping the public get the best value for money.

Mayor Jaime Fresnedi continues to elicit the support of the retailers in protecting the rights of the consumer and promoting general welfare through fair sales practices.

Pahaging lang!!!

HANGGANG sa kasalukuyan ay parang naging legal na ang mga peryahan na hinahaluan ng sugal na color games, beto-beto, dropballs at baklay sa lalawigan ng Pampanga.

Wala naman daw magawa ang police regional director ng PNP Region 3 na si Chief Supt. Rudy Lacadin at ang kanyang regional intelligence officers kundi itiklop na lang ang kanilang mga kamay. Ang tinatawag na pitik bulag dahil kontrolado rin sila ng mga mayors at barangay chairman.

May katwiran ang nakausap ko. Kung walang basbas ang alkalde o ang kabeza de barangay, hindi makakapaghanapbuhay ng walang illegal na 1602 ang mga capitalista at ang mga hustlers na peryantes. Iyan ang katotohanan, ang mga capitalista ng sugalan ang nagsisiyaman dahil wala naman silang binabayarang buwis sa local at sa national government. 

Dahil tila hindi naman priority ng command ng PNP regiona 3 na linisin ang nagkalat na vices sa kanilang area of jurisdiction, tuwang-tuwa ang mga maintainer at capitalista ng perya na may sugalan na sina Nanay Agnes, Louie Lopez, Boy Lim, Josie at ang tigasin ng Pampanga na si Nardo, alias “Fake Putik.”

Matatagpuan ang kanilang latagan ng perya de sugalan sa may bahagi ng Marque Mall sa Angeles City; sa Barangay Lara, San Fernando City; sa Barangay Malpitic sa San Fernando; sa Barangay Camachile sa Mabalacat; sa bayan ng Guagua na isang mini-carnival; sa bayan ng Arayat; sa Barangay Calapandayan sa Subic at sa Barangay Bulungan na ang mga gambling protectors ay sina Botong, Noknok, Edison at Putik.

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *