GUMAMIT ng works of art upang mapukaw ang iyong diwa at mailabas ang iyong pagiging malikhain. Ang bloke ng matitingkad na mga kulay, abstract images at simplistic imagery ay kadalasang may kaugnay na creativity, bagama’t ang impressionist printing, classic sculpture o household object ay maaari ring makapukaw sa iyong pagiging malikhain.
Ang layunin dito ay mapaligiran ka ng items na mag-uudyok sa iyong creative feelings kapag napagmasdan mo ang mga ito.
*Sa bawa’t pagbili mo ng mga bagay para sa inyong bahay, tiyaking interestante ang mga design ng mga ito, at makatutulong sa iyong pagiging malikhain. Maaari mo itong i-apply sa mga bagay katulad ng lamp stands, coffee tables at candle holders.
*Subukang bumisita sa mga gallery, antique shops at junk stores upang makakita ng espesyal na bagay na magreresulta sa pagdaloy ng katas ng iyong pagiging malikhain. Minsan ang pagpuno sa bahay ng bland artworks ay maaari lamang magpakalat sa iyong creativity at lulusaw sa epekto ng ano mang bagay na may kaugnayan sa creative chi. Kaya makabubuting maging mapili at maghanap ng kaunti ngunit may kwalidad na items.