Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike, 10 taon nang karelasyon ang non-showbiz GF

102615 MIKE tan
HINDI rin nila napaamin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez tungkol sa kanilang relasyon, kahit na halos dikdikin na sila ng media noong press conference ng No Boyfriend Since Birth. Karapatan naman nila iyon. Iyong press conference ay ipinatawag naman para sa kanilang pelikula at hindi naman para sa relasyon nila. Kung may ginawa silang admission, malamang iyon ang mas mapag-usapan at maging issue at matatakpan ang pelikula na gusto nilang mai-promote. Kawawa rin naman ang ibang mga artistang kasama nila.

Bahagya na nga lang natanong sa presscon sina Mike Tan at Bangs Garcia na mga supporting star sa pelikula dahil ang mas mahabang oras ay nauwi sa pagpapa-amin nina Carla at Tom tungkol sa kanilang relasyon. Isipin ninyo, kung umamin nga ang dalawa, ‘di lalong nangamote ang kanilang mga co-star na sina Mike at Bangs. Hindi mapag-uusapan ang mga iyon eh. Ngayon nga lang eh, hindi na mabanggit na naroroon din sila noong gabing iyon. Kawawa naman, pinapunta pa sila sa presscon kung hindi rin naman sila mapapansin.

Kaya sa palagay nga namin, hindi lamang para mapanatiling pribado ang kanilang relasyon ang talagang dahilan nina Carla at Tom sa hindi pag-amin. Respeto na rin iyon sa mga ibang artistang kasama nila sa pelikula na naroroon din sa press con, na malamang hindi na mapag-usapan kung sakali nga at umamin sila dahil mas malaking issue iyon.

Tingnan ninyo, noong gabing iyon inamin ni Mike na sila ng girlfriend niya ay 10 years nang magkarelasyon. Wala kaming nabasa tungkol doon. Ang nakita lang namin at naging issue na nga ay ang pagtanggi nina Carla at Tom na ayaw umaming magsyota na sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …