Nagwelga ang gambling operators sa Cavite
Mario Alcala
October 22, 2015
Opinion
DAHIL hindi na makayanan ng gambling operators ang malaking ‘tara’ o ang weekly intelihensiya na hinihingi sa kanila ng isang sarhentong Otsias, alias “Boy demand” napilitan silang magwelga simula pa noong araw ng Martes.
Iyan ay dahil daw sa ubod nang takaw ni Otsias na sinasabing umaaktong pacman sa Cavite Provincial Police Office.
Nabuwisit na rin daw ang mga capitalista ng 1602 (illegal gambling), dahil simula nang si Otsias ang itinalagang “kasador-pakador” ng mga naiipon-nakukuhang padulas de weekly intelihensiya ay ayaw na raw silang tigilan sa kabubuliglig.
Kada linggo raw ay binabalikan at kinakalabit sila ni Otsias. Kabibigay pa lamang daw ng weekly obligasyon de payola sa lahat ng mga kaibigan ay bigla raw darating ang taga-ikot ni Otsias na si alias “Jun Pandak” na ubod rin ng takaw. Humihirit ng dagdag intelihensiya na may kasama pang pambili ng lechon, bakal, semento, buhangin at graba.
Dahil nainis at naumay na raw ang mga bangkero ng 1602 sa lower at upper land sa lalawigan ng Cavite, mas ninais na nilang sila na ang kusang umayaw at huminto sa kanilang hanapbuhay na 1602.
Sana hindi nagagamit sa pamimitsa ang PNP logo ng Cavite Provincial Police Office na naka-based sa Imus, Cavite?
Teka, totoo kayang may itinayong bagong unit ang PPO ng Cavite, ang Special Operations Division?
Isinasahog din daw ni sidekick tong collector alias “Jun Pandak” ang SOD sa weekly grease money. Ang tanong, nakararating kaya sa hepe?!
Sa lower at upper land sa lalawigan ng Cavite ay hindi maikakailang talamak ang iba’t ibang uri ng illegal gambling, magmula sa illegal numbers game na lotteng bookies, STL jueteng kuno, sakla at sugal na color games na ang front ay peryahan.
Ang financiers ng perya na may pasugal na color games ay sina Marycon na ang malaking puwesto ng pergalan ay nasa bayan ng Naic, Cavite.
Sa General Mariano Alvarez (GMA-Proper Puesto Pijo) na ang banker ay si Babes Panganiban na ang lookout-maintainer ay sina Jason Boknoy.
Sa Stoplight at sa Salitran na parehong nasa bahagi ng Aguinaldo Highway sa Dasmariñas, Cavite, ang banker na si Jessica ang may palatag.
Sa Lecheria sa Calamba City, Laguna, sa Timbao sa Biñan City at sa Canlubang, Laguna, ang banker na sina Ronnie, Babes Panganiban at Mely ang nasa likod ng mga pa-1602.
Student Leaders Immerse in Munti LGU
LOCALS visiting the City Government of Muntinlupa see youthful zest and vigor in public service as students undergo immersion program in the local government’s offices.
In celebration of Boys and Girls Week 2015, 235 leaders from elementary and secondary schools across Muntinlupa were invited to assume office, including executive positions, last October 12 as part of their itinerary of activities in the local government unit.
As mandated by the DILG Memorandum Circular No. 2014-108 “Celebration of Children’s Month,” the Youth and Sports Development Office organized an immersion program for students from both public and private schools to have first-hand knowledge and experience how government operations work.
Mayor Jaime Fresnedi greeted the elected “Little Officials” as they accept the leadership roles given to them during the flag raising ceremony held at Muntinlupa City Hall.
Fresnedi commends the student leaders and hopes that the immersion program may instill in them a sense of patriotism and nationalism even in young age.
Some of the students elected to be Little Officials were: District 1 Little Congressman Keycelyn Galaman (Muntinlupa Elementary School), District 1 Little Mayor Ameera Jahnne Cabusao (Bayanan Elementary School), District 2 Little Congressman izy Joy Araw (Bagong Silang), District 2 Mayor Jan Krystel Tullao (Alabang Elementary School Main), District 3 Little Congressman Nicverish Ann Soriano (San Roque Catholic School), District 3 Little Mayor Rodge Lampasa (Tunasan High School), and District 4 Little Mayor Rodge Lampasa (Tunasan High School).
Fresnedi administration believes in the potential of the next generation as integral block in nation building and continues to strengthen programs and projects for the youth such as scholarships, sports and art programs.