Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, dapat ng magpalit ng format

101215 karylle vice pastillas
MAY mga komento na dapat daw magpalit na ng format ang It’s Showtime dahil masyado na raw itong inilalampaso ng Eat Bulaga!

Hindi na alam ng noontime show ng Dos kung paanong aatakihin ang Eat Bulaga para makalaban sa rating game.

Naroong naghalikan na sina Vice Ganda at Karylle. Hindi ito nag-klik, sa halip marami ang nadesmaya. May asawa na kasi si Karylle, tapos nakikipaghalikan pa sa bakla. Hindi magandang tingnan. Dapat may ibang klase ng pagpapatawa.

Hindi rin gaanong napansin si Pastillas Girl, na humakot pa ng intriga tungkol sa mga lalaking iniuugnay sa kanya.

Ang nakalulungkot lang, ‘pag tsinugi ang It’s Showtime, marami ang mawawalan ng trabaho. Dapat daw mag-isip ng bagong format na puwedeng ipantapat saKalyeSerye. Global phenomenon na ito at mahirap ng habulin.

Kaya ang tanong, ano kaya ang plano ng Kapamilya para harapin ang malakas nilang kalaban?

Nag-klik ang KalyeSerye dahil maganda ang tema na tinutumbok ng istorya. Makalumang tradisyon at muling ibinabalik ang mga tao sa panahon noong araw. Karamihan kasi sa mga teleserye ngayon,  ay nag aaway ang mga karakter. Nag-aagawan sa lalaki, nagpapatayan,  at kung ano-ano pa.

Nakapapagod ding manood ng teleseryeng sigawan at naghahabulan para magpatayan. Wala ng bagong idea. Maawa kayo sa mga nagdurusang manonood.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …