NAPI-PRESSURE raw si Bea Binene dahil sa medyo tumaba kaya naman ‘di pa natutuloy ang pictorial na gagamitin sa nalalapit niyang debut.
Tsika ni Bea, “habang papalapit ‘yung debut ko (November) mas napi-pressure ako, kasi one month na lang hindi pa ako pumapayat.
“Hindi pa rin ako nagpe-pre debut shoot kasi simula pa ng June sinasabi namin sige sa July tayo mag-photo shoot kasi papayat na ako.
“Pero hangang ngayon hindi pa rin ako pumapayat kaya nakaka- pressure talaga kasi malapit na.
“Parang shocks hindi na siya puwede iurong kasi malapit na kailangan ng gawin ang photo shoot sa October kasi November na siya.
“Kaya puspusan ang pagwo-workout ko at very fit and of course diet, sana pumayat na ako.
“Gusto ko bumalik yung dati kong waistline na 24 para mas okey, kasi ngayon ang taba ko na.
“Sobrang excited na ako sa debut ko, kasi once in a lifetime lang ‘yun.
“Nandoon lahat kasi ‘yung mga taong nagmamahal sa akin, mga taong laging nandyan sa akin through thick and thin.
“Sobra akong nae-excite kasi kahit alam ko ‘yung mangyayari sa debut ko alam kong may mga surprise sila.
“Bale ang motif ng debut ko ay Vintage Glam,” pagtatapos ni Bea.
MATABIL – John Fontanilla