Thursday , December 26 2024

MTPB, MMDA at DPWH… inutil nga ba?

Bato BalaniSA paglipad–lipad ng aking “pipit” mga ‘igan, sadyang hindi na malayang naikakampay pa ang kanyang mga pakpak, dahil sa sikip ng paligid, dulot ng trapik partikular sa Maynila. Sadya nga bang inutil na tunay ang mga walang silbing tagapag–ayos ng ating trapiko?

‘Igan, tila walang pakialam ang kinauukulan sa nasabing problema! Ay sus, huwag sana kayong matulog sa pansitan! Doo’y kumain lamang kayo ng pansit, pansit na pampahaba ng buhay! Aba’y, taliwas ang gawi ng mga ‘ungas! Hayun, tulog sa pansitan, tulog na pampahaba ng trapik! Sus, ano ba ‘yan ‘igan! Imbes magbigay ginhawa sa mga mamamayan, ay nagbibigay sawa sa super haba ng trapik sa Lungsod ng Maynila!

Sino ba naman ang hindi mabuburyot sa walang tigil at haba ng trapik? Mantakin n’yong saan mang lugar… sa kaliwa man o kanan…sa taas man o baba…umatras ka man o umabante… umaga, tanghali o gabi…

Ay sus, wala kang tulak–kabigin mga ‘igan! Saan ka pa? E ‘di…dito sa bonggang Maynila! He he he…Paging po…to all concerned departments / agencies…please do help to solve this problem…Hu hu hu…kahit sino apektado! Mga ‘tado!’ ‘Este mga ‘tao’ po ang usapin dito. At Sorry po! Pero “bato–bato–balani, ang tamaan ay haHATAWing muli…hinding–hindi tatantanan ‘ika nga!

Mantakin n’yong hindi malaman kung saan susuot ang mga sasakyan, malagpasan lamang ang nakauurat na haba ng trapik! Ayon sa kaklase ng aking “pipit” na nakatira sa Juan Luna St., dulong Gagalangin, Tondo, pagsasakay niya ng papuntang Divisoria…unang trapik na kanyang susuungin ay sa Hermosa St., Oppps…naghukay dito ang DPWH at MAYNILAD. ‘Igan,  mga “3 years ago” na ‘yun!” Heto hanggang ngayon, iniwanang nakatiwangwang! O di ba bongga, Manila City Chief Engr. Roberto R. Bernardo? At ni wala man lang MTPB o’ MMDA na nagtarapik! Sus ginoo!

Next…Pampanga St., Ay sus, ubod po nang haba ang nakahilerang mga sasakyang “bumper-to-bumper” na po ang eksena! You know Y? Dahil sa “Y” as in yamot ng pasahero dulot ng mga nakahambalang na mga “tricycle.” Mga walang modo! Konting disiplina naman mga ‘igan, para sa kaayusan ng lahat!

Teka, wala rin MTPB o MMDA para mag–”assist” sa daloy ng trapiko? Ano ba ‘yan?

Sa Solis St., naman tayo…sarado ito sa oras na kailangang daanan ng sasakyan, dahil may paaralan doon. Hataw tayo sa Raja Bago St., Tayuman St., Pritil…hanggang makarating sa Divisoria.

Sus, binungkal nang binungkal, tapos, iniwanang nakatiwangwang din ng DPWH at ng MAYNILAD! Naku po…‘igan…”More or less 3 years ago na rin ‘yan! O ‘di ba bongga? He he he…

Nasa Divisoria na ‘yung kaklase ng aking “pipit,” na umalis ng 5:00 am at dumating ng 8:00 am, resulta, “LATE” na sa klase. At wait… ‘asan na ang “Mama Teka Penging Barya ‘este’ MTPB?

                Magkanong dahilan ba at halos buong Maynila ay binungkal nang binungkal ng DPWH at MAYNILAD? Palibhasa’y hindi kayo taga-Maynila kaya hindi ninyo nararamdaman ang hirap na pinagdadaanan ng sambayanang Manilenyo!

May magandang sistema pa kayang matatanaw ang taumbayan mula sa mga kinauukulan?

                Dagdag BALANI . . . Sige ang HATAW mga ‘igan ng Philippine Sports Commission (PSC), na pinamumunuan ni PSC Chairman Ricardo Garcia, sa kanilang “Play and Learn Sports for Free – Laro’t Saya sa Parke Program” tuwing Linggo ng umaga sa Luneta, na pinangangasiwaan ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr., at sa pakikipagtulungan ni Project Director Larry Domingo. Dahil sa masigasig na pagtataguyod din ni Project Coordinator Julia “Dole” Llanto, ang “Zumba” ay nilahukan ng 506 Participants, samantala ang Volleyball ay may 110 Players, Badminton 91, Chess 82 at Football 92 Players. Ang Arnis, Karatedo at Tennis ay kasama rin sa mga Larong libre sa Luneta.

Tara na… Hataw na! 

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *