Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, tiyak na hahangaan at pupurihin sa Felix Manalo

082215 Dennis Trillo felix manalo
THE monumental biopic! Ngayong October 7, 2015 na ihahatid ng Viva Films ang inantabayanan ng biopic ng unang executive minister ng Iglesia ni Cristo na si Ka Felix Manalo, ang Felix Manalo na idinirihe ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

At tatlong araw bago ang opening nito sa mga sinehan sa buong bansa, isinagawa ang premiere nito sa 55,000 seater na Philippine Arena sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan na may layong higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance sa isang film premiere at screening noong Linggo, October 4. Ginawang isang malaking sinehan ang Philippine Arena gamit ang 22 meters by 40 na screen para sa isang full-theater experience.

Mahigit sa 100 daang bituin ang sumuporta sa mga bidang sina Dennis Trillo at Bela Padilla sa nasabing biopic gaya nina Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Snoooky Serna, Lorna Tolentino, Richard Yap, Dale Baldillo at marami pa.

Masakit man sa kalooban ni direk at kanyang team, ang pelikulang naglaman ng pitong oras ay kinailangang i-edit mabuti para ang ipakikitang paglago ng INC mula 1914 hanggang sa kamatayan ni Ka Felix noong 1963 ay magkasya sa halos dalawang oras na panoorin. Ini-replicate rin ng produksiyon ang mga pangyayari at lokasyon mula sa taong 1886, taon ng kapanganakan ni Ka Felix hanggang sa kanyang pagpanaw.

Sa pagharap ng main cast sa isang magarbong presscon at Thanksgiving sa Manila Hotel, marami ang nakaalam na bukod kina Snooky at Gladys at iba pang aktor sa nasabing pelikula na kabilang na sa kapatiran ng INC, si Jaclyn (bilang si Tiya Victorina ni Ka Felix) pala eh, naging miyembro na rin at kaanib sa nasabing pananampalataya.

Kaya naman ganoon na lang din ang dedikasyon ng bawat artistang inanyayahan para gampanan ang mga karakter ng mahahalagang tao na nagpalaganap ng kanilang doktrina sa INC.

Kaya sabi naman ni direk Joel, wala namang deskriminasyong mangyayari kung INC man, Katoliko o Muslim ang makapanood nito at ibabahagi naman nito ay ang makulay at makabuluhang naging simula ng INC na makikita naman sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa mga una ng nakasilip sa pelikula, isang magandang review na naman sa kahusayan ni Dennis sa pagganap sa katauhan ni Ka Felix ang lumutang.

Impressive cast. Impressive production team. And a rich story to tell!

Inspiring. Trials. Tribulations. And faith!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …