Sunday , December 22 2024

Admin bigo — Marcos

TAHASANG binatikos ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang administrasyong Aquino sa aniya’y pagkabigong tugunan ang mga problema ng bansa dahil puro pamomolitika ang ipinaiiral.

Partikular na tinukoy ni Marcos ang problema sa sektor ng agrikultura na nagkaroon nang kakulangan sa pagsuporta sa mga magsasaka naging dahilan upang umangkat na lamang ng bigas mula sa ibang bansa.

Ipinunto ni Marcos, sa kabila na tayo ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagkaroon ng LRT, sa ngayon tayo ang bansang may pinakamalalang problema sa trapiko.

Aniya, malaki ang epekto ng matinding traffic jam sa ating ekonomiya at sa bawat mamamayan lalo na sa mga empleyado at mag-aaral.

Ayon kay Marcos, sa pagnanais na mapabilis ang transportasyon, pinili ng ating mga kababayan ang sumakay sa MRT ngunit hindi maganda ang serbisyo at umaabot sa dalawang oras ang kanilang pagpila pa lamang at siksikan at tulakan sa mismong pagsakay ng MRT.

Iginiit ni Marcos, imbes magpatupad ng mga programa para sa ating bansa at mamamayan, mas nais pang mamolitika ng kasalukuyanag adminitrasyon.

Dadag ni Marcos, puro pagsasampa ng kaso at pagtitiyak na mawawasak ang mga kalaban ng kanilang mamanukin sa 2016 election, ang ginagawa ng administrasiyon.

“Nakalulungkot dahil matiyak lamang ng kasalukuyang adminitrasyon na bumango at sumikat ng kanilang mamanukin ay wala na silang pakialam sa tunay na problema ng bawat mamamayan,” ani Marcos. 

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *