Sunday , December 22 2024

Treasure hunting sa Tuguegarao City tuloy-tuloy pa rin! (Attention: DENR Sec. Ramon Paje)

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin maintindihan kung bakit hindi maawat-awat sa paghahanap ng ginto ang mga nagpapakilalang treasure hunters diyan sa Tuguegarao City.

Ito raw ‘yung “Operation Treasure Ginto” na ang pangunahing hinahanap ay mga ginto umanong naiwan ng mga Japanese straggler sa bahaging iyon ng lalawigan ng Tuguegarao.

Itinuturo ng mga residente sa nasabing lugar na ang nasabing paghuhukay ay sa utos umano ng isang  Turingan at Pobre.

Ayon sa mga residente labis na mapanganib ang nasabing paghuhukay dahil maaaring pagmulan ito ng pagguho sa gilid ng national highway.

Malapit na malapit lang daw sa national highway ang treasure hunting na ginagawa ng mga tauhan nina Turingan at Pobre.

Ang ipinagtataka nila, ang paghuhukay na ginagawa ng grupo nina Turingan at Pobre ay walang kahit anong permiso mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kaya nga ang tanong nila, kung ginto ang hinahanap ng mga treasure hunter na pini-finance nina Turingan at Pobre, hindi ba’t maliwanag na ito ay pag-aari ng Estado?!

E bakit hinahayaan ni DENR Secretary Ramon Paje na halukayin, hukayin at sirain ng ilang indibidwal ang yamang-mineral ng ating bansa?!

Ano ba ang konsesyon o pakinabang ng mga taong-gobyerno sa bahaging ‘yan ng Tuguegarao at hinahayaan nilang sirain ang kanilang likas na yaman?!

 Mayor Jefferson Soriano, Sir! Bakit ninyo hinahayaang mawasak ang yaman at kagandahan ng inyong lalawigan sa panggagahasa ng mga gahaman sa kayamanang hindi naman sila ang dapat na magmay-ari?!

Mukhang pareho lang ang “tapa ojo” na ginagamit nitong sina Secretary Paje at Mayor Soriano…

Tapa Ojo de Turingan cum Pobre.

Ano kaya ang palagay dito ng Palacio de Malacañan?!

Linawin ang isyu ng Balikbayan Boxes

MAYROON pong dapat malaman ang ating mga kababayan sa isyu ng Balikbayan boxes.

Hindi po lahat ng gumagamit ng Balikbayan boxes ay nangangahulugang overseas Filipino workers (OFWs).

Nililinaw po natin ito, dahil mayroong napeperhuwisyo sa maling konsepsiyon na ang Balikbayan ay para sa OFW lamang.

Nagkakamali po tayo.

Nagagamit rin po ito, kahit hindi OFW ang magpapadala ng kahit anong item sa kanilang mga kaanak sa Filipinas.

Gaya ng nahuling sandamakmak na mamahaling relo at pabango na ipinadala sa pamamagitan ng Balikbayan box. Hindi po OFW ang may-ari ng nasabing Balikbayan box kundi viajera.

At kaya nabisto ang laman nito ay dahil sumailalaim sa Customs NAIA X-Ray Scanning Unit.

‘Yan po ang isang halimbawa ng pagsasamantala at paggamit sa Balikbayan boxes para makapagpuslit ng mga item na pinagkakakitaan nang malaki ng mga viajero.

Kaya ‘yung mga OFW at Netizens na galit na galit at nagpapahayag ng kanilang damdamin sa social media. Maghunos-dili po muna kayo.

Baka po nagagamit na ang damdamin ninyong ‘yan ng mga mahilig magpuslit.

Ilan sa kanila ay ‘yung pupunta sa Estados Unidos at magtatagal doon nang dalawa hanggang apat na linggo. Tapos magpapabalikbayan box ng items nila  na pwede nilang ibenta dito sa Filipinas.

‘Yang mga ganyan po, dapat talagang pagbayarin sila ng buwis.

Nakalimutan na ba ninyo ‘yung kaso ng isang doktor na madalas pumunta noon sa US at pagbalik ay may uwing walong (8) Balikbayan box na punong-puno ng products for beauty enhancements?!

Dati raw ‘e walang sumisita sa nasabing Balikbayan boxes ni “doktor.”

Pero under the new administration, nabusisi ang Balikbayan boxes ni “doktor.”

Nagbayad naman daw ng buwis si “Doktor.”

‘Yun lang, bigla rin tumaas ang singil niya sa kanyang services and beauty enhancement pro-ducts.

Dahil negosyo po ‘yan, e kailangan niya talagang magbayad ng buwis, kahit sa Balikbayan boxes pa nakalagay ang kanyang products.

Kaya mga suki, huwag po kayong magagalit sa NAIA Customs personnel na ginagawa lang ang kanilang trabaho.

Doon po kayo magalit sa mga mahilig magpalusot at magpuslit gamit ang balikbayan box!

Bulatlatin ang lihim sa likod ng pagpuga ni Kim Tae Dong!

KAMAKAILAN nabalitaan natin na hindi pa pala tapos at iniimbestigahan pa rin ng Ombudsman ang kaso ng nakatakas na Korean fugitive na kinilalang isang KIM TAE DONG.

Naalala pa natin noong nagkausap pa kami ni Immigration Commissioner Fred ‘green card’ Mison noong Asshole ‘este’ AssComm pa siya sa Diamond hotel.

Nabanggit ng inyong lingkod sa kanya na pagtuunan niya ng pansin ang nasabing kaso.

Si Kim Tae Dong ay ‘yung Koreano na nabigyan ng VIP treatment sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City (BGC).

Halos tatlong buwan siyang naka-check-in sa St. Luke’s at may info na nakakapaglalamiyerda pa sa labas ng ospital.

Pero bago ang kanyang “The Great Escape”, nabatid na bago siya makatakas sa St. Luke’s BGC ‘e isa si Mison sa kanyang mga naging last visitor.

Base ‘yan sa CCTV ng ospital.

Nakapagtataka na pagkatapos no’n ‘e ilang araw lang ay nakatakas na ang puganteng Koreano!?

Anyareeee?!

Ano ang pinag-usapan nina Mison at Kim Tae Dong na nagbunsod ng pagpuga nito na hanggang ngayon ay cannot-be-located ang Koreano?

Mukhang may pangangailangaan nga na patuloy na imbestigahan ang insidenteng ‘yan!

Sino ba talaga ang dapat managot sa pagkakapuga ng nasabing Korean fugitive?!

Tiyak magkakaalaman na!!!

Manila North Cemetery namumunini sa ilegal!?

SIR pakitulongan naman po kami para mabasa ng mga bossing ng Manila City hall na dito po sa Manila North Cemetery ay nagkalat po ang iba’t ibang ILEGAL, gaya po ng BOOKIES, VK at may mga kadikit po na talamak na bentahan at gamitan ng droga, shabu, marijuana, solvent at valium sir. Noong bagong upo po sa pwesto ang pamunuan dito s MNC ay nawala po ang mga ilegal pansamantala pero namamayagpag na naman po ngayon dahil baka po sobrang abala na sa pag-iikot at pagpapakilala ang Direktor ng MNC kaya minsan na lamang namin na-kikitang pumapasok sa kanyang TANGGAPAN. +63918585 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *