Sunday , December 22 2024

Airport Media Affairs pasablay-sablay na!

072314 miaa naia t1Ano na ba talaga ang nangyayari sa Media Affairs delayed ‘este’ Division (MAD) ng Manila International Airport Authority (MIAA)?

Lumalaki na ang isyu ng kanilang sablay na advisory dahil late at mali ang detalye.

Nabasa natin ang paliwanag ni Mr. David Faustino De Castro.

Wala naman siyang sinisisi pero sinasabi niyang hindi nila kontrolado ang pagpasok at pagdating ng mga detalye.

Kung ano lang daw ang pumasok na impormasyon ay ‘yun lang ang iuulat nila para sa media coverage.

Napaka-honest naman ng paliwanag na ito Mr. De Castro. Pero pwede po bang magtanong?

Considering na kayo ay ahensiya ng gobyerno at nasa inyo ang access para mag-check ng facts, hindi ba ninyo maaaring gawin iyon?!

Kami bilang mga mamamahayag na nagko-cover sa NAIA na paliit nang paliit ang area of access ay walang ibang maaasahan kung hindi ang katotohanan at wastong pag-uulat ninyo.

Aba ‘e kung halos pareho lang ng access ang MAD at in-house Airport media palagay natin ‘e inuulit lang ninyo ang trabaho namin…

Sayang naman ang ipinasusuweldo sa inyo mula sa taxpayers’ money?!

E ‘di mas mabuti pang wala na lang MAD para makapasok kami at lumawak ang access namin nang sa gayon ay naiuulat namin nang tama ang mga insidente riyan sa NAIA.

Aba ‘e dumaraan pa kami sa MAD pero sa totoo lang daig pa ng Media kumuha ng detalye ang nasabing division?!

Mr. De Castro, huwag kang makipagtalo sa mga mamamahayag lalo na’t kitang-kita naman na mayroon talaga kayong pagkakamali.

Higit sa lahat, dapat talagang matututo kayong tumanggap ng pagkakamali dahil hindi naman pwedeng pagtakpan ‘yan o kaya ay ituro sa iba.

Huwag tayong matakot magkamali at aminin kung nagkamali… ang laging importante sa lahat, nakahanda tayong magwasto.

Ano sa palagay ninyo, Mr. De Castro?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *