Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jean Saburit, nahaharap sa kasong estafa

090915 jean saburit
KUNG ang abogado ng dating American boyfriend ni Jean Saburit ang tatanungin, malakas daw ang kaso nila laban sa beauty queen-turned-actress.

Kasong estafa ang inihain ng 74 year-old retired banker na si James Andrew Jackson laban kay Jean sa isang korte sa Makati City.

Si James, isang balo, at si Jean ay nagkakilala sa pamamagitan ng isang dating site noong September 1014 at nagsimula nang mag-date sa California, na roon nakabase ang lalaki.

December 2014 nang makarating si James sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon. It was when naglambing daw si Jean ng pamaskong brand- new Toyota Fortuner, na ang ipinambili ng sasakyang nasa pangalan ni Jean ay ipinadala ni James through wire transfer.

January 2015 nang udyukan umano ni Jean ang nobyo na bumili ng condo unit sa Rockwell. Payo raw ng aktres, ibenta ni James ang bahay nito sa Amerika na ayon sa huli “was my sole asset.”

Pero hindi natuloy ang pagbili ng unit kahit nakapagbigay na si James ng P1-M bilang earnest money.

May ng kasaluyang taon nang maibenta ni James ang bahay sa California. With a prospective unit again nitong Abril, nag-wire uli si James ng pera na nagkakahalaga ng US$600,000. Ngunit bandang June nang makipagkalas daw si Jean sa kanya sa ‘di malamang dahilan.

Sa kabila ng pakikipag-ugnayan ni James, pakiusap at pagpapadala ng demand letter that Jean return the money ay hindi raw sumasagot ang aktres. Napilitan na siyang gumawa ng legal na hakbang.

Nitong Biyernes ng tanghali nang humarap si James sa Startalk. Nakatakda rin sanang magpa-presscon si Jean ng gabing ‘yon, but he called it off upon her lawyer’s advice.

Bukas ang kolum na ito sa panig ni Ms. Jean Saburit.

HOT, AW! – RONNIE CARRASCO III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …