Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin at Julia Montes very supportive sa kanilang mga personal na buhay at career (Kaya napapagkamalang sila na…)

031215 julia coco
PAGDATING sa kanilang personal na buhay at career ay parehong supportive sa isa’t isa sina Coco Martin at Julia Montes.

Nakita ang magandang samahan ng dalawa nang pareho silang dumalo sa magkaibang araw ng celebrity screening ng kani-kanilang latest teleserye sa Dreamscape Entertainment.

Naunang dumalo si Julia sa star studded na special screening ng “Ang Probinsyano” ni Coco na punong-puno talaga ng fans ang Cinema 7 ng Trinoma.

Sinorpresa naman ni Coco si Julia sa celebrity screening ng “Doble Kara” na ginanap rin sa parehong sinehan at kitang-kita kung gaano kasaya ang dalawa nang magkita sa nasabing event. Dahil sa closeness nila maging si Kris Aquino ay nagsasabing may relasyon na sina Coco at Julia lalo’t nagpahayag si Julia na para sa kanya, si Coco ang pinakagwapong aktor sa kanilang home studio na Kapamilya network.

Ang Primetime King, naman ay handa raw sa challenge na ligawan ang lola ni Julia para makaporma na sa special na kaibigang aktres. Isa pa ‘yung bahay ni Julia na malapit lang sa mansiyon ni Coco sa bandang Fairview, ang aktor rin daw ang pumili. Saka kaya relate na relate sila sa isa’t isa dahil pareho silang breadwinner sa kanilang pamilya. Kaya nga parehong good karma kasi priority nila ang kapakanan ng kanilang mga magulang at kapatid.

Samantala kaka-ere pa lang ng Doble Kara, pero nagustuhan na agad ng televiewers kaya naman last August 25 ay humamig ng 17% sa national TV rating ang nasabing drama series na napapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Flordeliza.

Ngayong darating na Setyembre ay masisilayan naman ninyo si Coco sa kanyang biggest project this year na “Ang Probinsyano” ang TV adaptation ng klasiko at matagumpay na pelikula ng Hari ng Aksyon na si late Fernando Poe, Jr.

Napaka-ambisyosong proyekto gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …